Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are also changed to make the story more appealing to readers. Any events or situations that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.
P.S. Sana po leave naman kayo ng comments, kahit negative comments okay lang para alam ko po kung okay yung way ng pagsusulat ko. I will be posting 4 stories here on my blog and I will try to make fictional stories after my first 4 entries. Thanks guys J
Halos magsapakan na kami sa loob ng CR. Handa na ako sa sapakan eh. Kahit crush ko si Mike, aba lalaban ako sa sapakan! Lumapit siya, akala ko sasapakin niya na ako. Ipinikit ko ang mata ko at laking gulat ko ng maramdaman ko ang malambot na labi ni Mike sa labi ko.
Magiging impokrito ako kung sasabihin kong di ko nagustuhan ang halik na yun ni Mike. Sa una parang nagdikit lang yung labi naming hanggang ibinubuka na niya yung labi ko. Nagpaubaya ako at naramdaman kong nilalaro na ng dila niya and dila ko. Shet, ang sarap niyang humalik. Pero kahit anong sarap ng halik niya itinulak ko pa din siya para maglayo yung labi namin. I need explanation, could it be that Mike likes me?
“Para saan yun?” Paghahabol ko ng hinihingang tanong kay Mike.
“Ah eh…” Hindi niya masagot yung tanong ko. Grabe ang pamumula hindi lang ng pisngi naming kundi pati ng labi naming.
“Ano? Why’d you kiss me?” Pilit kong pagtatanong sa kanya. Sawa na akong mag assume, gusto ko sa kanya mismo galling.
Akmang lalabas na si Mike ng pintuan upang makaiwas pero hinila ko ang braso niya, napalakas yung hila ko kaya natumba kaming dalawa nang nakapatong siya sa akin.
“Why’d you kiss me?” Mas eager kong tanong kay Mike. I want to know the real score.
“I dunno, I think JD, I like you” Nahihiya niyang tanong. Nagulat kaming dalawa ng may kumatok sa pinto. Agad kaming tumayo at nag ayos. Biglang bumukas ang pinto at yung janitor pala.
“Bakit kayo nag lalock sir? Sa susunod po sa ibang lugar niyo gawin iyang mga ginagawa niyo”Pagsumbat ng matandang janitor sa amin ni Mike. Nahiya naman ako sa sinabi ni Manong janitor at agad kaming lumabas ni Mike sa CR. Naguguluhan kaming dalawa pero nagpasya kaming balikan si Jeff at Kris sa restaurant.
“Ang tagal niyo naman?” Tanong ni Jeff sa aming dalawa.
“Oo nga, ang tagal, namiss tuloy kita Mike.” Malanding sambit nitong si Kris. Sarap buhusan ng ice tea.
“Madami kasi tao sa CR” Cool na sagot ni Mike. Sa isip ko naman, wala ngang tao eh?! Pero siyempre hinayaan ko na lang yung palusot niya.
Nagyaya na umuwi si Kris kaya nagpasya kaming magsiuwian na. Nagpresenta si Jeff na isasabay na ako sa paguwi since siya naman daw nagyaya sa akin na kumain sa SM.
“Sabay ka na sa akin JD” Paganyaya ni Jeff sa akin. Nakita ko naman na napalingon si Mike sa amin at parang nakikiusap ang tingin. Gustuhin ko man sana na kay Mike sumabay pero sumabat nanaman ang maharot na Kris na to.
“Sakto, dito na kami dadaan. Ihahatid ako ni Mike” Masayang sabi ni Kris. Naguguluhan ako sa nangyari sa amin ni Mike sa CR pero one thing I am sure, nagseselos ako sa kanila ni Kris. Di na ako tumutol at sumabay na ako kay Jeff pero isang banda ng utak ko ay umaasa na ako ang isasabay ni Mike. Nakalayo na kami ni Jeff at hinayaan ko na lang siya. Kung gusto ako makasabay ni Mike eh di sana kanina palang ay nagpresinta na siya na ako ang isasabay niya pero wala! Nga nga ako ngayon. Hayyy.

BINABASA MO ANG
For What Its Worth (BoysLove)
RomanceJD is a discreet bisexual who decided to go to Baguio City to study and avoid the ex-boyfriend who caused him pain. At the new place that he is at, can he find the one who can heal the wounds of the past? Sama sama nating alamin ang kasagutan sa aki...