Chapter 11

711 22 3
                                    

Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are also changed to make the story more appealing to readers. Any events or situations that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.

“Sumagot ka naman please?” Pakiusap ko kay Mike.

“I’m sorry JD pero Girlfriend ko na si Kris.” Nakayukong sambit niya.

Daig ko pa ang hinataw ng baseball bat sa narinig ko. Nanlalabo na ang mata ko dahil naguunahan ang luha sa mga mata ko. Gusto ko isalba tong meron kami pero paano ko isasalba to kung siya mismo ang bumitaw?

“Bakit Mike? Why are you doing this to me?” Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Gusto ko siyang saktan, gusto ko siyang sapakin pero bakit hindi ko magawa?

“Mahal kita” Maikling sabi niya na lumuluha na din.

“Mahal? Mike, please stop with the lies!” Akmang tatayo na ako ng pigilan niya ako. Pinunasan ko ang luha ko, gusto kong ipakita sa kanya na kakayanin ko kahit mawala pa siya.

“Sandali lang JD. Let me explain” At ngayon may gana na siya magpaliwanag. Umupo ako ulit sa harap niya.

“Bakit?” Maikli at galit kong tanong sa kanya.

“Alam na ni Kris ang tungkol sa atin, binantaan niya akong isusumbong ako sa daddy kung di kita lalayuan.” Naiiyak na sambit ni Mike. Ngayon nagkakaroon ng linaw ang lahat. Pero bakit sila na ni Kris?

“Bakit sinabi mong GF mo na si Kris at nakita ko pa kayong naghahalikan?”

“Gusto ni Kris na maging kami kapalit ng pananahimik niya. Alam mo naman kung gaano ko pinagiingatan ang pagkatao ko, I don’t want to disappoint my dad.”

“Kelan pa to? Kelan pa naging kayo ni Kris?”

“5 araw na. Nabasa kasi niya yung palitan natin ng text. Ikaw ang mahal ko JD maniwala ka.”

“Pero nagawa mo akong lokohin at paglihiman? Akala mo ba hindi ko maiintindihan yang situation mo? Nak ng putsa naman Mike. Alam mo namang may problema ako sa trust issues di ba?”

“I know, maniwala ka na least intention ko ang saktan ka”

“Nasaktan mo na ako, Mike”

“Huwag naman ganito boss ko. Huwag mo ako bitiwan?”

“Huwag bitiwan? Mike, ikaw ang unang bumitiw.” Tatayo na sana ako ng muli niya akong pigilan.

“JD, please. Yung sa amin ni Kris pumayag lang ako sa pananahimik niya.”

“Mike, naririnig mo ba yang sinasabi mo, gusto mo or hindi, committed ka na kay Kris. Gagawin mo pa akong kabit?”

“Hayaan mo na magisip ako ng paraan. Hayaan na muna natin si Kris sa iniisip niya na kami, pero sana walang magbabago, give me time?”

Nagtatalo ang isip ko sa gustong mangyari ni Mike pero mahal ko siya. Siya ang nagsabi na huwag ako susuko at gusto ko isalba kung anong meron kami. Mali man sa paningin ng iba ay pumayag ako. Niyakap ako ni Mike ng mahigpit.

“Mike, baka may makakita.” Pagaalala kong tanong.

“Hayaan mo sila, kahit sandali lang JD hayaan mo akong yakapin ka”

Lumipas ang mga araw at naging busy ako sa rehearsals ng grupo naming para sa event. Halos di kami nagkikita ni Mike at palaging si Jeff ang kasama ko. Banda kasi nila ang nakapasok sa magpeperform sa same event. Hindi ko na ikinwento kay Chris and G ang set up naming ni Mike dahil alam kong pipilitin nila akong tigilan ang kahibangan ko kay Mike. Hanggang di pa naayos ni Mike ang gusot ay ililihim ko muna iyon sa mga kaibigan ko. Kinakabahan man ako sa maaring ginagawa nila Mike at Kris ay isinantabi ko yon dahil malaki ang tiwala ko kay Mike. Lihim kaming nagkikita minsan para hindi makadating kay Kris na nagkikita pa din kami. Nakakapagod ang set up naming, para kaming mga criminal na nagtatago. Kakatapos lang ng rehearsal at papunta na ako sa coffee shop na dapat pagkikitaan namin ni Mike.

For What Its  Worth (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon