Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are also changed to make the story more appealing to readers. Any events or situations that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.
“Musta PJ?” Casual kong tanong sa kanya pero nagulat kaming lahat ng niyakap niya ako bigla ng mahigpit.
“I miss you JD” Hindi ako makagalaw. Sa totoo lang namiss ko ang yakap ni PJ, after all siya ang unang naging boyfriend ko. Yumakap na din ako pabalik pero as a friend nalang ang yakap ko na yung kay PJ. Ngayon sigurado na akong wala na akong nararamdaman sa kanya.
“Oh tama na ang yakap, let’s all go to the dining room kasi kanina pa po nakahanda ang lunch. Kasi naman late ka nanaman JD.” Pagyayaya ni G. Nagsipuntahan naman na ang iba sa dining room at naiwan na kami ni PJ sa may living room.
“You look good JD” Ngiti ni PJ sa akin na ikinangiti ko sa huli.
“Bolero ka pa din PJ”
“At feel na feel mo pa din JD” Nagtawanan kami sa biruan namin, niyaya ko na siya na sumunod sa iba.
Naging masaya ang lunch namin dahil puno ng tawanan. Napagkwentuhan namin ang panahon na di kami magkakasama at kung ano ang mga pinagkakaabalahan namin. Yung iba may bagong mga lovelife na at yung iba solid pa din. Nadako naman ang usapan sa break ups na naging awkward moment for me and PJ.
“Ooops, sorry.” Pagpapaunmanhin ni Karen sa amin.
“Wala na yun, ano ka ba!” Pagsagot ko kay Karen na ikinangiti naman ng iba.
“Ang daldal mo kasi gurl, gusto mo nang epoxy pantapal ng bunganga mo?” Biro ni G sa kanya na ikinasimangot nito sa huli. Nagdesisyon na magshot daw kami dahil matagal na namin na di nagawa yun.
“Shot tayo guys?” Tanong ni G.
“Game!” Sagot ng karamihan na tinanguhan ko lang bilang pagsagot. Pumunta naman sa kusina si G para sabihan ang mga kasambahay nila na maghanda ng pulutan at iinumin namin, kinuha ko yung chance na yun para makausap siya.
“G!” Pagtawag pansin ko sa kanya.
“Oh, JD, ready ka na ba kausapin si PJ?”
“OO G, kanina nung niyakap niya ako, sigurado na akong napatawad ko na siya at wala na ang pagmamahal ko sa kanya”
“That’s good, magiging kayo na ni Mike and everyone would be happy.” Ngumiti lang ako bilang sagot sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay di ko pa din nasasabi kay G ang situation namin, ewan ko lang baka kasi sapakin ako nito.
“Are you okay? Is there any problem?” Alalang tanong niya. Bumawi naman ako ng ngiti at umiling.
“I’m fine G, wag ka magalala” Pagsisinungaling ko.
Nagsimula na ang inuman. Kwentong lasing na kami at iba ay nakatulog na. Si PJ naman ay nakatingin lang sa akin, nagpasya akong kausapin na siya para matapos na ito.
“PJ, can we talk na?” Ngumit naman si PJ at tumango. Niyaya ko siya sa pool area ng bahay nila G para makapagusap kami ng matino.
“Musta ka na JD?” Casual na tanong niya.
“Okay naman ako PJ, I’m happier now. Ikaw?” Ngiti ko sa kanya.
“Okay din naman ako. Struggling pero kaya pa.” Pilit na ngiti niya sa akin.
“ am sorry pala sa mga nasabi ko sayo nun PJ. Galit lang ako nun.”
“Okay na yun pero I suppose you’re not here to give me a second chance?” Naluluhang tanong ni PJ sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/23937606-288-k321330.jpg)
BINABASA MO ANG
For What Its Worth (BoysLove)
RomanceJD is a discreet bisexual who decided to go to Baguio City to study and avoid the ex-boyfriend who caused him pain. At the new place that he is at, can he find the one who can heal the wounds of the past? Sama sama nating alamin ang kasagutan sa aki...