Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are changed to make the story more appealing to readers. Any events or scenarios that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.
“JD, may naghahanap sayo. Lalake, andun sa may gate. Pinapasok ko na. Ano na ba pangalan nun, basta andun, puntahan mo na.”
“Ayy sige po aling becky, una na po ako” Pagpaalam ko sa landlady ko. Nagulat naman ako kung sino ang nasa gate…
“Mike?”
“Ahhh, hi JD?” Nahihiya niyang pagkausap sa akin.
“Hi? Oh sh*t putok labi mo. Bakit di mo muna nilinisan yan?” Pagaalala ko sa kanya, ako naman kasi dahilan niyan, yung inis ko sa kanya natunaw nung nakita ko siyang nakipagsapakan para lang iligtas ako sa manyak na yun. Umiling lang siya at akmang tatayo na.
“Alis na ako JD. Chineck ko lang kung safe ka na nakauwi.” Pagpaalam niya.
“Ako pa talaga inaalala mo? No, halika pasok ka muna sa apartment ko. Ako maglilinis niyang sugat sa labi mo.
Kahit nahihilo ako at medyo masakit pa sikmura ko ay di ko yun pinahalata kay Mike. Kumuha ako ng first aid kit sa landlady ko para magamot ko ang sugat ni Mike. Kahit yun man lang ang magawa ko para sa kanya.
“Ahhh, Mike? Salamat kanina ah? Siguro kung di ko dumating baka may nangyari na sa akin.” Pagpapaslaamat ko kay Mike.
“Wala yun JD. Napansin ko kasi kayo nung nasa dance floor na kayo eh pumipiglas ka pero iniipit ka niya. Nung sinuntok ka niya dun na ako lumapit.
“Salamat talaga ah?” Paguulit ko.
“Wala yun, sino ba kasi yun? Grabe naman kasi kayo magdikit sa dance floor. Akala ko nun una kaibigan mo.” Pagtatanong niya. Nagdalawang isip ako kung sasabihin ko ba pero naunahan ako ng takot.
“Hindi ko alam. Huwag na nating pagusapan Mike. Gusto mo ba ng coffee? Teka paano mo nalaman kung taga saan ako?” paguusisa ko sa kanya habang nililigpit ko yung first aid kit.
“Hindi na JD. Eh, kinausap ko kasi yung kaibigan ko na SA sa registrars. Pinahanap ko record mo. Actually medyo matagal ko na na alam kung san ka nakatira.” Pag amin niya. “Salamat sa paggamot mo sa sugat ko ah?”
“It’s the least I can do Mike. Pero bakit mo inalam kung san ako nakatira?”
“Wala lang, dapat kasi kakaibiganin na kita after nung nangyari sa atin pero mailap ka na sa akin eh”
“Ah? Ewan ko kasi sayo. Bipolar ka ba?” Pagtawa ko sa kanya.
“Hindi ah! Ahhh JD, can we be friends now?” Pagtatanong niya.
“Oo naman Mike, after you saved my ass kanina? Friends.” Pakikipagkamay ko sa kanya
“Yes! Friends! Oh sige tol, una na ako ah?” Pagpapaalam niya
“Oh siya, ingat ka” Akmang lalabas na siya ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Seriously? What is the meaning of this? Napabuntong hininga naman ako.
“Mike, just stay here for the night. Uwi ka nalang bukas ng umaga” Pagaalok ko sa kanya.
“Okay lang ba? Nakakahiya naman”
“Huwag ka na maarte. I have extra foam naman. Sa lapag ka nalang humiga”
“Salamat”
Sinimulan ko ng ayusin ang higaan ni Mike. Pinahiram ko muna siya ng shorts at shirt para kumportable siya sa pagtulog. Nauna pa nakatulog sa akin si Mike. Naririnig ko yung hilik niya kaya napatingin naman ako kung sa siya nakahiga. Ang guwapo niya talaga, yung makinis niyang mukha at yung labi niyang mapula na ang sarap halikan. Whaat? ERASE JD, ERASE! NO!!!
BINABASA MO ANG
For What Its Worth (BoysLove)
RomanceJD is a discreet bisexual who decided to go to Baguio City to study and avoid the ex-boyfriend who caused him pain. At the new place that he is at, can he find the one who can heal the wounds of the past? Sama sama nating alamin ang kasagutan sa aki...