Chapter 12

738 21 1
                                    

Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are also changed to make the story more appealing to readers. Any events or situations that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.

“I’m sorry!”

“Wala ka bang ibang alam sabihin kundi sorry? Ayaw ko na MIKE! Pagod na pagod na ako. Tigilan na natin to” Tatalikod na ako ng naramdaman ko ang yakap ni Mike.

“Please don’t JD, I Love you” Umiiyak na sambit ni Mike sa akin. Nagtatalo ang puso ko sa gustong gawin ng utak ko. Nang hindi ako tumugon ay ipinaharap niya ako at hinalikan. Ramdam ko ang pagmamahal ni Mike sa halik na yun, handa pa ba ako pagbigyan siya kahit alam kong masasaktan ako habang hindi naaayos yung gusot namin kay Kris?

“I love you JD, yan lang ang tatandaan mo” puno ng emosyong sabi ni Mike sa akin.

Tanga na kung tanga at marahil mainis na kayo sa akin ng sobra pero mahal ko na talaga si Mike. Handa ako magtiis hanggang maging okay ang set up namin kahit kapalit nito ay ako ang lalabas na kabit.

“I love you too Mike, kahit masaktan ako, titiisin ko kasi mahal na kita. I am willing to take the risk pero sana lang huwag ka na gumawa ng intimate moment kay Kris kasi para mo akong pinapatay nun.”

“I promise, ikaw lang ang mamahalin ko”

 Muling nagsugpo ang mga labi. Sa pagkakataong yun ay alam kong hindi magiging madali ang magiging relasyon namin ni Mike. Hindi pa nga kami what more kung nag commit na ako sa kanya? Naligo muna ako at hinayaan ko siyang matulog sa kama ko. Nagluto na din ako ng lunch para makakain na din siya bago ako pumunta sa school to attend the rehearsals.

“Mike, gising ka na. Nagluto ako ng lunch.” Gumising na si Mike at ngumit ng pagkatamis tamis.

“Good morning boss, I love you” Nangiti naman ako sa sinabi niya at hinila siya sa lamesa.

“Ang bango naman nito boss, iba talaga pag ikaw nagluto” pambobola niya sa akin.

“Syempre, para sa iyo boss, I made it special”

“Kain na tayo!”

Kumain kami ng puno ng tawanan at ipinaalala ko sa kanya ang limitation na pwede niyang gawin kay Kris. Ako man ang lumalabas na kabit pero ako ang nauna at ako ang mahal ni Mike. Pinauwi ko na si Mike para makatulog na siya at nag attend naman na ako ng rehearsals namin kasama ng iba pang RPG10 dancers. Excited na ang lahat sa nalalapit na performace ng grupo at syempre pinaghandaan ko yun dahil gusto ko mag pa impress sa Campus Dance Troupe. Nagbigay na ng costume ang choreo namin na isusuot namin and sinabihan kami na maagang pumasok sa lunes para sa briefing ng performance.

“JD, sama ka amin, hang out tayo sa zola?” pagyaya ni James sa akin.

“Next time nalang guys, may pupuntahan pa kasi ako.” Pagpapaumanhin ko sa kanila.

“Ikaw talaga JD, lagi ka busy. May GF ka na ba? Paano na ako?” Pagtatanong ni Anna sa akin na ikinatawa ng buong grupo.

For What Its  Worth (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon