Chapter 9

878 26 3
                                    

Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are also changed to make the story more appealing to readers. Any events or situations that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.

P.S. Salamat po sa mga nagbabasa. Sa mga silent readers, sana po mag leave naman kayo ng comment para magka insight ako how am I as a writer. Enjoy Chapter 9 thank you J

Siguro nga para makawala ako sa nakaraan eh dapat ko ng patawarin ang sanhi ng sakit na naramdaman ko. Im ready to forgive at handa na ako ulit sumugal. I looked at Mike again and embraced him. Nakatulog na ako ng hindi ko namalayan…

Nagising na lang ako ng maramdaman kong may humalik sa noo ko. Siyempre, sino ba ako para hindi kiligin. Iminulat ko ang mata ko and I saw Mike smiling at me. I’m happy with what’s happening to me right now.

“Good morning boss! Ako talaga ang prince charming mo eh, isang halik ko lang sayo nagising ka na!”

Napangiti naman ako sa pa andar ni Mike. “Andami mo alam! Aalis ka na ba?” pagtatanong ko sa kanya.

“Oo boss, alam mo namang sa Cabinet Hill pa ako umuuwui. Kita nalang tayo mamaya. May naisip na akong dance piece na ituturo sa iyo para makapasa ka sa audition mo!”

“Talaga? Oh sige, kita nalang tayo sa school mamaya. Saan ba tayo mag papractice?”

“Sa P.E. Building nalang boss, dun sa first floor. Konti nalang tao dun paghapon.”

“Sige pala boss. Oh, punta ka na, baka malate ka pa kay Ms. Sukat”

“Ayaw” Parang bata niyang tugon.

“Huh? Bakit?” Takang tanong ko sa kanya.

“Mamimiss kasi kita!” Nakangiti niyang pautot.

Natuwa naman ako kaya wala sa sarili ko siyang niyakap. “Okay na?”

“Oo naman, pero mas okay kung may kiss?” Nguso niya.

“Ah, gusto mo ito?” Pagpapakita ko ng kamao ko sa kanya.

“Sabi ko nga, sige boss ko, see you later!”

Umalis na si Mike, nagcheck muna ako ng phone kung may bagong text.  Nagtext nanaman si Mr. Secret.

“Alam mo JD, ang saya ko kagabi?” sent. 6:30 am. Ang aga naman mag text nito. Mareplyan nga since nasa mood ako at masaya din ako.

“Good Morning! Ang aga mo namang magtext! Bakit ka naman masaya?”

“I think I am inlove” Agad na reply nang text.

“Talaga? Good for you, hindi mo na ako kukulitin kasi magkakalovelife ka na!”

“HAHAHA” maikling reply niya. Hindi na ako nag reply and nag prepare na ako for school.

Maaga naman ako nakadating sa school, nag punta muna ako sa may fountain at tumambay. Alam kong malalate si Mike kasi late na din siya nakaalis sa apartment ko. I was listening to the music on my ipod ng may tumabi sa akin. Nagulat ako nang bigla niya inilapit ang bibig niya sa tenga ko.

“Tignan mo nga naman at same pala tayo ng school! Di ko pa nakakalimutan yung nangyari sa bar, babawian kita!” Kinilabutan naman ako sa pahayag ng lalaki. It was the guy from the bar who almost raped me.

“Ang kapal mo! Ako pa talaga babawian mo?” Pormal na pakikipagusap ko sa kanya.

“Oo, babawian kita sa kama. Ang sarap mo talaga” Manyak na asik niya. Nagulat ako ng akbayan niya ako. Humihigpit ang pisil niya sa braso ko. Kakalas na sana ako ng muli siyang magsalita.

For What Its  Worth (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon