Chapter 03

308 41 6
                                    

After the accident

[4:00 a.m]

-

Third Person's POV
"I'm sorry to say this but we tried our best to revive the patient. Time of death for Mr. Russell 3:59 A.M, for Mrs. Russell 4:02 A.M." Malungkot na sabi ng doctor. Nag simulang umiyak si Clayton pati na si Aling Marites. Si Aling Marites ay ang Tita nila Clayton at Zaiden. Siya yung kapatid ni Mrs. Russell. Hindi siya kagaya ni Mrs. Russell na mayaman. Tamang simple lang ang buhay nina Aling Marites. Ngayon naninirahan sila sa Visayas. Sa Iloilo sila nakatira, medyo malayo sa City kaya sa probinsya sila nakatira.

"Are you Mr. Zaiden Russell's guardian?" Tanong ng doktor kay Aling Marites. "He's still in comatose, we will monitor him everyday to see how his body response. There's a chance he could survive if his body fights but if not then, we can't do anything about it. He might also suffer from amnesia when he wakes up due to the impact on his head during the accident. Let's just pray for his recovery" sabi ng doktor kina Aling Marites at lumakad palayo.

"Tita Marites...kapag nagising na si Zaiden puwede bang wag niyo po munang sabihin ang nangyari kasi ayaw ko mabigla ang kapatid ko. And if it's ok na mag panggap bilang nanay niya at dalhin siya sa Iloilo. Para na rin ito sa kabutihan niya, ayaw ko lang na masaktan ang kapatid ko if he'll know the truth. For sure he'll blame himself, so please take care of him Auntie while I handle this." sabi ni Clayton.

"I'm glad to help Clayton, sure... puwedeng-puwede kong dalhin si Zaiden kapag magaling na siya and don't worry wag mo nang alalahanin na padalhan siya ng pera. Ako na mismo ang magturo sa kanya na dapat siya ang kumita ng kanyang sariling pera."

"Thank you tita, I have to go. Take care" nagpaalam si Clayton at lumakad na din palayo.

-4 days passed-

Hinihintay pa rin magising si Zaiden. Kumuha si Aling Marites ng breakfast. Pagpasok niya sa loob ng kwarto nakita nitang gumalaw ang kamay ni Zaiden kaya tumawag siya ng doktor. "Good news he's starting to regain conciousness, he can wake up anytime. His vitals are also stable, he just needs more rest. Call us if he wakes up or if there's a problem" sabi nung doktor. Masaya si Aling Marites sa balita na pagaling na si Zaiden.

——

3 months later

Zaiden's POV
It's been a month since I left the hospital. When I woke up that time I felt weird. Feeling ko may kulang eh. Hindi ko maalala ang nakaraan. Malabo at hindi ko alam kung sino ako. Ang alam ko lang ay ang pangalan ko. Nandito ako sa Iloilo ngayon.

Ang sabi ni mama Marites dito kami nakatira, tapos kapatid ko si Timothy. Ang birthday ko is April 20, 1995. Ang pangalan ko ay si Zaiden Santiago. Ang dahilan na nagkaamnesia ako ay kasi na aksidente ako. I've been trying to remember pero sabi ni mama masama yon at baka it will just worsen my condition. All i need to do is rest first kase it's been just a month after the operation.

Nanininda si mama Marites sa palengke at si Timothy naman ay nag-aaral ng college. Hindi ko nga maalala kung ano ang kinuha ko nung college eh. Di ko nga rin alam kung nag aral ba ako o hindi.

[4:00 p.m]

Timothy's POV
Pumunta ako sa palengke para tulungan si mama sa mga paninda. 4 na so sigurado akong pauwi na si mama. Maaga ngayon yung uwian kasi walang masyadong projects.

Nandun din si kuya Zaiden, kaya tinulungan ko siya mag ligpit. "Ako na diyan kuya" sabi ko tsaka kinuha yung mga box na styrofoam. "Sabi ni mama ilagay lang daw ito sa tricycle ni manong James at ihahatid tayo sa bahay, umuwi kasi si mama ng maaga" sabi ni kuya. Tumago lang ako.

Hinatid kami ni manong James pauwi. "Salamat manong!" sabi ko at kumaway. Pinasok namin sa luob ang mga gamit.

"Ma! Ari na kami!" sabi ko tsaka pumasok. "Oh ari na kamo gali, pasensya na ha may aasikasuhin lang kasi ako" sabi niya.

"Ok lang yun mama" sabat ni Zaiden.

"Tim puwede ba mag usap muna tayo?" sabi ni mama sakin tsaka tumango lang ako. "Ano yon ma?" tanong ko.

"Pupunta ako bukas ng Maynila para bisitahin si Clayton tsaka na rin yung lamay ni tita Rose mo" sabi ni Mama.

"Zaiden anak, pupunta ng Maynila bukas si mama ha! Wag mag alala babalik din ako bg linggo. Tsaka sabado na rin bukas kaya walang pasok si Tim. Mag bonding na lang kayong dalawa. Sige na mag iimpake pa ako" sabi niya tsaka umakyat sa kwarto niya.

Kawawang Zaiden, hindi alam na patay na parents niya. Bawal rin daw sabihin sabi ni mama kasi nga baka maka sama sa kalagayan ni kuya.


















---
A/N: Kawawa nga si Zaiden guys, anyways sana na tutuwa kayong basahin tong book ko hehe! Love lots😘

-E💜

Until the Flowers Bloom | Book #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon