Epilogue

65 17 14
                                    

Naomi's POV
Hinatid na nila ako sa Airport. "Uy Naomi mag ingat ka dun ha! Padalhan mo lang kami balik-bayan box haha" sabi ni Irene.

"Ingat ate!" sabi nila Rosie.

"Ingat ka dun girl ha. Vid calls tayo pag may time" sabi ni Ruby.

"Ingat dun Naomi ha. Baka may chicks dun baka-" siniko ko si Dexter kaya tumawa lang si Frederick. Tong mga to talaga.

"Mag-ingat ka dun anak" sabi ni papa at niyakap ako.

"Ingat doon sis" sabi ni kuya tsaka yinakap din ako.

"Salamat guys! Mag-iingat ako dun ha! Wag kayong mag-alala. Kaya ko to! Bye! Love you all!" sabi ko habang naglalakad papasok sa airport. Kumaway lang ako sakanila doon.

Naka-pasok na ako sa airport then kumain muna ako habang naghihintay sa flight ko.

Maya-maya nandun na yung airplane and inannounce din na proceed na raw kami sa gate namin papunta sa eroplano. Nakarating na ako sa seat ko then nilagay ko na yung maliit kong backpack sa ibabaw na compartment tsaka umupo.

Nilagay ko yung seatbelt ko tsaka nanuod din ng safety instructions na dinemonstrate ng flight attendants.


Ilang oras, nakarating na ako finally sa New Zealand. "Wahh, nandito na talaga ako huhu" sabi ko at di makapaniwala na nandito na ako.

Matapos makalabas sa airport nag taxi ako papunta ng hotel ko. Dun muna ako mag-stay while maghahanap ng trabaho. Ang ganda pala dito sa Auckland. Infairness.

Nilagay ko ang mga gamit ko at ako, nagbihis ng pangtulog kasi gabi na dito eh. 5 hours advance dito kaysa pinas. 8 na dito while sa pinas 3 sa hapon. Tinawagan ko sila sa messenger para di na sila mag-alala sakin. Sinabihan ko rin na ok ako dito tsaka yung time difference na namin.

-

Magnew-new year na pala. Wow, ang bilis ng panahon. May fireworks display daw mamaya kaya pupunta ako. Nagbihis ako ng pang lakad na damit. Tsaka bumili ng pagkain ko. Tumawag din ako dun sa pinas to celebrate new year.

Una dito sakin since advance yung time dito. 12 dito habang sa pinas 7 doon.

Nag taxi ako papunta nung venue kung saan yung fireworks display at naghintay. Maya-maya nag countdown na kaya I took a video tsaka ang ganda ng fireworks. "Waaah!" sabi ko kasi namangha ako.

May tumabi saking lalaki. Di ko namukhaan pero nung pumutok yung fireworks nakita ko ang mukha niya. Tinakpan ko yung bibig ko, bakit magkamukha sila ni Zaiden!? Twin niya ba to?

Nakatingin pa rin siya sakin. "Uhm excuse me. Do I know you?" sabi neto kaya nag iwas akong tingin tsaka sinampal yung pisngi ko.

"Ah...you looked like someone I know that's all" sabi ko tsaka ngumiti. My ghad! Nakakahiya ka Naomi!

"Oh ok" sabi neto tsaka binalik yung tingin sa fireworks.

Bumalik din ang tingin ko sa fireworks. Pagkatapos nun may tumawag ata sa kanya.

"Jacob! There you are! Tara?" sabi ng isang babae tapos she wrapped her arms sa braso ng lalaki kanina na kamukha ni Zaiden.

Teka...she said tara?

Tapos ang pangalan niya J-jacob?

Tinignan ko sila lumakad palayo pero nilingon ako ng lalaki kaya nagtama yung tingin namin.

This is weird. Totally. It seems like nabuhay si Zaiden pero di niya na ko kilala.
























--
A/N: Finally! This is the epilogue na. Thank you so much for reading this story! Sana na-enjoy ninyo basahin tong story! I'm looking forward also sa next stories ko. Thank u thank u guys sa support hehe! Love lots! See you sa next story!

-E💜






©️All Rights Reserved

Until the Flowers Bloom | Book #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon