Chapter 09

259 36 15
                                    

A week passed

——

Naomi's POV
Isang linggo ng nakatrabaho dito si Zaiden. Naging close kami and to my friends too, di ko inexpect na kaibiganin ang kapatid nung kupal kong ex. Pero parang weird, minsan di maalala ni Zaiden ang nangyari noon. Napansin ko din na parang kaibigan lang turing niya kay Clayton. Ano bang nangyari? May atraso ba ang kupal na yon sa kanya? Amnesia? Memory loss? Ano ba? Confusing naman neto.

"Uy beshie birthday ngayon ni Zaiden. Baka magkaraoke room tayo after work" sabi ni Irene with a wink pa yan.

"Eh? Tapos na kaya birthday nu-"

"Here we go again, tanongin mo na lang siya! Kaw kasi feeling mo parati tama ka" inis na sabi niya sakin tsaka bumalik dun para mag take ng orders.

"Uh, Zaiden birthday mo daw ngayon?" tanong ko. "Mm..bakit? Sama ka nga pala mamaya ha. Karaoke tayo tsaka may foods din naman. Konting birthday celebration lang hehe"

Huh? Akala ko birthday niya January 1? Noon nung kami pa ni Clayton bumibili pa ako ng regalo niya kasi birthday niya.

"Naomi?"

"H-ha? Paki ulit please. May iniisip lang kasi ako" sabi ko tapos ngumiti lang siya. "Ang sabi ko may party mamaya, sasama ka ba?"

"Oo naman" nginitian ko lang siya even though litong-lito na ako. Bumalik na lang ako sa pagtatrabaho.

Finally!!! Nandito na rin paycheck namin. Kaya pala may pa birthday si pare. Pumasok kami sa Karaoke room, sina Zaiden naman nandun sa cashier nagbabayad dala na rin ang foods.

Pumili sina Ruby at Rosie ng kanta. Don't Speak ang kinanta nila. Nandito lang ako sa kilid, tinext ko si yaya na wag na abalahin na mag luto kasi may pagkain naman ako dito. Nangako kasi ako. Hays weeks ng nakalipas sa hospital pa rin si papa, pero sabi ng doktor may improvements na daw kay papa.

Pumasok sina Zaiden at Dexter dala ang foods. Kumuha ako tsaka sila at kumain na kami.

"Sing time!!!" syempre si Irene to. Ingay kasi eh. Duet daw sila ni Lisa. Kinanta nila ang Don't Let Me Down ng Chainsmokers. Dumating din sina Brayden syempre nandun si Clayton.

Hindi na ako ngayon galit, I tried to control it na. Tsaka past is past, hello? Nakaget over na kaya ako sa kanya noh!?

Pumili ng kanta ang mga boys. Si Brayden muna ang kakanta. Talagang si Brayden nato, pabida eh feeling gwapo rin. Kumanta siya ng Savage Love ni Jason Derulo. Tiktok ka boi? Pa uso ah.

Tapos na siya kumanta tsaka ayun nagchika nanaman kay Zaiden. Pumili naman si Cristian ng kanta. Sana ang matino naman na kanta, di parehas kay Brayden hays.

Yes...kilala ko na sila noon pa. Kaibigan toh ni Clayton and Zaiden pero si Zaiden talaga ang close sa kanilang tatlo. Magbestfriend din si Kuya kay Clayton tsaka ang pinsan ko na si Nathan. May isa din eh, pinsan ata nina Zaiden at Clayton pero nakalimutan ko ang pangalan.

Usually noon 7 lang sila, pero ayun nga nakilala nila si Brayden through Zaiden kaya kasama na sa groupo. Dun din kami noon ni Clayton nag kakilala.

Anyways tama na ang 'go back to the nakaraan' birthday ngayon ni Zaiden so enjoy tayo. Ang akala ko kakanta si Cristian sasayaw pala sila. 'Bang Bang Bang' ng Big Bang ang sinayaw nila. Naki sabay nanaman si Brayden tapos si Zaiden.

Cute nila tignan. I didn't know na magaling pala sila sumayaw. Pumili na ng kanta si Clayton. Intro pa lang alam ko na ang kanta. Tumingin siya sakin tsaka nag start kumanta.

Until the Flowers Bloom | Book #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon