ARAW ng 50th Anniversary Party ng St. Roch's Medical Center. Nakahanap si Mutya sa Andrea's Ukay-ukay ng kulay dilaw na bestida, na ayon sa etiketa ay mula sa Oxxford Clothes at Made in USA. Simple lamang ang tabas ng damit, off-shoulder at hanggang tuhod niya ang haba. Ang maikling punit sa may bandang bewang nito aty tinakpan niya ng malapad na belt na kulay itim na galing din ng ukay-ukay. Ang sandals naman niyang kulay itim ay hiniram niya sa best friend niyang si Edelyn. Padala iyon ng kapatid nitong nagta-trabaho sa Macau. Ang best friend na rin niya ang nag-make-up at nag-ayos ng buhok niya. Para que pa at nagtatrabaho ito ngayon sa isang beauty salon kung hindi siya nito tutulungan sa pagpapaganda.
Pinagtitinginan siya sa jeep na sinakyan niya papuntang Palazzo Arrastia ngunit binalewala na lamang niya iyon.
Limang minuto bago mag-alas-otso ng makababa na siya sa harap ng hotel. Nakasabay niya sa pagpasok sa entrance ang ilang mga guest ng mga hotel at lahat ng ito ay mukhang pawang mayayaman. Napalunok siya habang inililibot ang paningin sa hotel. Ngayon lamang siya nakapasok doon. Dati, hanggang tingin lamang siya dati mula sa salaming dingding ng hotel. Ang lobby pa lang ng Palazzo Arrastia ay sampung beses marahil na kasing-laki ng bahay nila. At sigurado siyang ang presyo ng maski isa sa sofa na naroroon ay kayamanan na maituturing para sa kagaya niya.
"Mutya? Ikaw ba 'yan?"
Napalingon siya sa tumawag ng pangalan niya. Isa sa mga taga-Accounting department ang nalingunan niya. Si Sir JC.
Ngumiti siya rito. "Hello, Sir. 'Ayos ng porma naten ah," naka-longsleeves ito na itim at asul na na necktie.
"Pormalan, eh. Ang ganda mo naman ngayon. Hinatid ka ba ng boyfriend mo?"
"Hindi ho. Iyong asawa ko ho ang naghatid sa 'kin."
Napamulagat ito sa kanya. "May asawa ka na ba? 'Di ba wala ka pang boyfriend?"
Natawa siya. "'Kita n'yo na, Sir. Alam n'yo naman pala na wala, eh."
Napakamot ito ng ulo. "Huuu. Ikaw talaga, Mutya. Nadale mo ko dun, ah. 'Tena nga sa ballroom." Nauna na itong maglakad papunta ng elevator.
Papasara na ang pintuan ng elevator ng may humabol na matangkad na lalaki para sumakay din.
"Hey, Moocha! Wow, you look exquisite!"
Napatingala siya sa matangkad na lalaki. "Hello, Sir Keith."
"No, no. I told you, just plain 'Keith'. Why is it that we always meet in elevators? Kind of serendipitous, don't you think?"
Ngumiti lamang siya. Alam niyang pinapakinggan ang usapan nilang iyon ng bawat isang tao sa elevator.
"You gonna attend the hospital party?" tanong sa kanya ni Keith.
Tumango siya.
Maluwang ang ngiti nito. "That's good! I also got an invite."
--
RANIEL left St. Roch's anniversary party at the 2nd floor to go up the 19th floor. The receptionist called him because a guest was requesting to talk to the hotel manager. The guest claimed that a housekeeper stole her Havaianas slippers.
It was 10 o'clock according to his watch. Pinauna niyang pumasok ang isang babaeng guest sa elevator. The woman pressed the button for the 22nd floor. He pressed for the 19th.
BINABASA MO ANG
The Knight of My Life (COMPLETED)
RomanceIsang simpleng elevator operator si Mutya Atregenio na nakatanggap ng kakaibang offer mula sa Amerikanong si Keith Grisham. Mas lalong gumulo ang mundo niya nang maging ka-close ang may-ari ng Palazzo Arrastia na si Cynthia Arrastia. Ipinag-novena b...