MARTES ng gabi. Nakapagdesisyon na si Mutya. Tatanggapin na niya ang alok ni Keith. Isasantabi niya ang kanyang mga prinsipyo at paniniwala—ipagbibili na niya ang kanyang ka-birhenan sa halagang higit dalawandaang libong piso.
Ito ang isa sa mga pagkakataon na mas pinipili niyang pahalagahan ang kaginhawaan na maidudulot ng desisyon niya sa mga mahal niya sa buhay kaysa sa magiging epekto nito sa kanya, sa pagtingin niya sa kanyang sarili.
Ngayon, mas naiintindihan na niya ang mga taong kumakapit sa patalim at ang mga babaeng nagbebenta ng aliw. Kung tutuusin, ilang oras mula ngayon, wala na siya halos pinagkaiba sa mga babae sa beerhouse. Kung meron man, iyon siguro ay mas masuwerte siya sa mga ito dahil malaking pera ang makukuha niya sa loob lamang ng isang gabi na ipinagbili niya ang kanyang katawan.
Ang sabi sa kanya ni Keith, hanggang Miyerkules ng umaga lamang ito sa Palazzo Arrastia dahil alas-siyete ang lipad ng eroplano na magdadala rito sa Cebu. At sa oras na makapag-desisyon na siya na tanggapin ang alok nito, pumunta lamang siya sa kwarto nito ng alas-diyes ng gabi. Kung hindi raw siya darating sa oras at raw na iyon, ibig sabihin ay tinatanggihan niya ang alok nito.
Sampung minuto bago mag-alas diyes ay nasa harapan na siya ng hotel. Nagpaalam siya sa Lola Andeng niya na makikipag-lamay siya sa isang ka-trabahong pumanaw ang asawa. Hindi naman nagtanong pa ang lola niya kaya't hindi na niya kinailangan pang humabi ng mas maraming kasinungalingan.
Hindi niya maihakbang ang mga paa papasok ng hotel. Nanlalamig siya. Alam niyang tinitingnan na siya ng may pagtataka ng security ng hotel, ngunit kinailangan pa niyang ulit-ulitin sa sarili kung paano niya gagastusin ang perang makukuha mula sa magaganap ng gabing iyon: Pambayad ng mga utang nila sa tindahan, kamag-anak at kapitbahay. Makakabili na ulit si Lola Andeng ng mga biik na aalagaan. Hindi na manganganib na huminto sa pag-aaral si Bikoy. Makakabili na sila ng bagong yero para sa bubong nilang tumutulo kapag umuulan. Hindi na palaging isda ang ulam nila. At maraming-maraming-marami pang iba.
Huminga siya ng malalim bago lakas-loob na pumasok ng hotel. Bago siya makakapunta ng elevator para makaakyat sa kuwarto ni Keith ay patakaran ng hotel na dumaan muna sa reception. Pinilit niyang ngumiti sa receptionist na siya ring nakausap nila noong Sabado habang papalapit dito.
"Good evening, Ma'am! What can I do for you?" Nakangiting tanong nito sa kanya.
Napalunok siya. "Ahm—kasi—ahm... Pupunta ako sa... sa room 1905. Sa kuwarto ni Keith Grisham."
Tumango ito. Nakangiti pa rin. "Kayo po ba si Ma'am Mutya Atregenio?"
Marahan siyang tumango. Mukhang inaasahan talaga ni Keith ang pagdating niya at itinimbre pa ito sa frontdesk. Bumuntunghininga siya.
Saglit na yumukod ang receptionist, pagkatapos ay may inabot sa kanyang isang sobre. Nakasulat sa harap noon ang pangalan at kumpletong address niya, at selyado ng tape. Binuksan niya iyon, baka may kakaibang bilin ang lalaki sa kanya.
Nanlaki ang mata niya nang makita ang laman ng sobre. Mga dolyares at isang nakatiklop na puting papel. Totoo bang pera ang mga ito? "Miss, saan nga ba ulit yung C.R. n'yo rito?" tanong niya sa receptionist na nakamasid lamang sa kanya. Itinuro naman nito iyon.
Nagmamadali siyang pumunta ng C.R. at nagkulong sa isa sa mga palikuran. Binasa muna niya ang sulat. Si Keith ang nakalagda roon. Anang sulat:
My dear Moocha,
I'm sorry if for the past few days I have put you into a tough situation that I know you didn't want to be a part of. I've been a selfish bastard who thought everything has a price. If you are reading this on Tuesday night, I want to tell you that you don't have to go up my room. I'm giving you the money, and I'm not expecting anything in return. I've known how this amount will help your family a lot.
BINABASA MO ANG
The Knight of My Life (COMPLETED)
RomanceIsang simpleng elevator operator si Mutya Atregenio na nakatanggap ng kakaibang offer mula sa Amerikanong si Keith Grisham. Mas lalong gumulo ang mundo niya nang maging ka-close ang may-ari ng Palazzo Arrastia na si Cynthia Arrastia. Ipinag-novena b...