Part Fifteen: Preparasyon Para sa Birthday Party ni Don Ramon

6.5K 192 2
                                    

IMBITADO si Mutya sa birthday party ni Don Ramoncito Arrastia. At hindi lang basta imbitado, tinulungan pa siya mismo ni Fiana para pumili ng susuotin niya. Kasama niya ito sa shop ng isa sa mga pinakasikat na designer sa Pilipinas na naka-base sa Puerto Princesa, si Andrei Salazar. Turquoise daw ang tawag sa kulay ng gown na gagamitin niya. Ikinatawa na lamang ng mabait na si Andrei ng sabihin niya ang pagkaka-alam niya sa 'turqouise', kamag-anak iyon ng mga 'turtle', at hindi isang klase ng kulay.

May kalaliman ang hugis letter-V na neckline ng damit, humahapit pa ang tela sa bewang at balakang niya, at hanggang sakong ang haba. Bagay daw iyon sa mga tulad niyang medyo maliit ang dibdib pero malapad ang balakang. Naiilang naman siya dahil hindi siya sanay na nakalabas ang kakaunting cleavage niya, ngunit pinalakas naman ni Fiana ang loob niya at sinabing maganda at bagay na bagay daw sa kanya ang bestidang iyon. Kaya sino naman siya para umangal?

Sinamahan na rin siya ni Fiana na bumili ng silver na sandals, na ang takong ay animo gawa sa kristal. At dahil kasama niya si Fiana, naranasan niya kung paano lingunin at pagtuunan ng pansin ng maraming tao. May ilan pa nga sa mga nagpa-picture at humingi ng autograph kay Fiana ang nagtanong kung baguhang artista raw ba siya. Ikinatataba naman ng puso niya ang isinasagot ni Fiana sa mga tao, na kaibigan daw siya nito.

Nang gabi ng party, hindi lang siya ipinasundo ni Doña Cynthia sa isa mga drayber ng mga Arrastia, nagpadala pa ito ng hair and make-up artist sa bahay nila.

Ilan sa mga kapitbahay nila ang nakiusyoso kung bakit may nakaparadang kotse sa harap nila, ang isinasagot na lamang niya ay birthday party ng may-ari ng hotel na pinagtatrabahuhan niya, at kailangan ay naka-costume sila dahil meron silang song and dance number na ipapakita. Halata namang hindi naniwala ang mga ito, ngunit ano pa bang aasahan niya sa mga tao na nag-iisip na buntis siya, at si Raniel ang ama? Mukhang katulad niya ay nangangarap din ng gising ang mga kapitbahay nila.

Matapos magmano't magpaalam sa Lola Andeng niya ay sumakay na siya ng kotse at tinunton ang daan patungo ng mansion.

Napanganga siya ng makita ang dami ng mga kotseng nakaparada sa harap ng mansion. Parang lahat yata ng mayayaman sa buong Puerto Princesa ay nandoon ng gabing iyon. Napalunok siya. Nang pumarada na sa harap ng gate ang kotse ay parang gusto na niyang umatras.

Napatingin siya sa suot na damit at sapatos. Sayang naman ang ginastos ni Fiana para sa mga ito. Bumuntunghininga siya at lumabas na ng sasakyan.

Nasa bungad ang mag-asawang Don Ramoncito at Doña Cynthia at sumasalubong sa bawat dumarating na mga bisita.

Alinlangan siyang lumapit sa mga iyon. "Happy Birthday po, Don—uhm—Tito Ramon. Good evening po, Doña—ay, Tita Cynthia pala." Hindi niya talaga kayong sanayin ang sariling tawaging Tito at Tita ang mga ito kahit na iyon naman ang laging sinsabi ng mga ito sa kanya.

Unang nag-beso-beso sa kanya ang Mama nina Raniel. "Mutya, hija! You look amazing! Isn't she lovely, Ramon?"

Sumunod naman niyang idinait ang pisngi sa Papa ni Raniel. Namataan niya ang dalawang mesa na punon ng regalo. Napakagat-labi siya. "Naku, pasensiya na ho, wala akong dalang regalo," nahihiya niyang sabi.

"Ang mahalaga ay nakarating ka, hija," sagot ni Don Ramon.

"Kumpadre, Happy Birthday!" anang mga panibagong bisita na dumating. Nagpaalam sa kanila saglit si Don Ramon para kausapin ang mga ito, habang si Doña Cynthia naman ay hinawakan siya sa kamay at hinila papasok ng mansion. "You need jewelry," narinig niyang sabi nito sa kanya.

Ikinurap-kurap niya ang mga mata para masanay siya sa liwanag ng buong solar ng mansion. Natanawan at nadaanan niya ang stage na mayroong live band, ang buffet table, mayroon ding bar, paroo't parito ang mga waiter, at mga bisitang mukhang mayayaman lahat. Mukhang siya lang yata ang bisitang yagit sa totoong buhay sa pagtitipong iyon.

Kumuha ng sinasabi nitong alahas na ipapasuot sa kanya si Doña Cynthia sa kuwarto kaya't naiwan siya sa muna sa living room malapit sa may hagdanan. Habang hinihintay niya si Doña Cynthia ay isang painting ang napag-tuunan niya ng pansin. Alam niya, 'abstract painting' ang tawag doon. Yun bang parang basta na lang ipininta, pero ang sabi, bawat kulay, hugis at linya ng painting, may ibig sabihin.

Pinag-iisipan pa niya kung ano'ng ibig sabihin ng painting ng may tumikhim at magsalita sa likod niya. "Are you a fan of Breva's works? The party's right outside; you're missing the fun."

The Knight of My Life (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon