SIMPLENG printed na blouse, maong na pantalon at flat na sandals na nabili niya ng bente pesos sa ukay-ukay ang suot niya ng sunduin siya ng drayber ng mga Arrastia. Pinag-uusapan nga nga sila ng mga kapitbahay dahil dalawang magkasunod na raw na may pumaparadang magarang sasakyan sa harap ng bahay nila.
Naiilang pa siya ng pagbuksan pa siya ng pinto ng kotse ng drayber. Tahimik siya sa buong biyahe. Kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung paano ba siya kikilos sa harap ng mga Arrastia, pero excited din siya dahil makikita niya ng personal si Fiana Torreza. Mayroon pa siyang picture ni Fiana na ginupit niya pa sa isang magazine sa St. Roch's, papipirmahan niya iyon mamaya rito.
Nang huminto na ang kotse at naghintay na bumukas ang isang mataas at puting gate ay napahigit siya ng hininga. Ngayon lang siya nakakita ng ganoon kalaki at kagandang bahay ng malapitan. Mali, hindi pala 'bahay', 'mansion' na ang dapat itawag doon. Kumpara sa Palazzo Arrastia, dadalawang palapag lamang ang mansion, at imbis na pataas ay papahaba ang laki nito. Ngunit kung sa rangya at rangya din naman, hindi pahuhuli ang mansion na iyon sa hotel.
"Ma'am?"
Naalimpungatan siya sa pagtawag sa kanya ng drayber. Pinagbuksan na pala siya nito ng pintuan ng kotse ay hindi pa niya namamalayan dahil abala pa siya sa pagtingin sa paligid. Bumaba na siya ng sasakyan. Pinagbuksan din siya ng driver ng dambuhalang pinto ng bahay.
"Upo ka muna, Ma'am." Itinuro nito sa kanya ang sofa na kulay ginto, pula at krema ang disenyo bago ito lumabas ng bahay. Nang maupo siya sa sofa ay lumubog ang halos kalahati ng hita niya dahil sa lambot nito. Iginala niyang muli ang paningin. Tama siya, hindi patatalo sa mansion na iyon sa rangya ng Palazzo Arrastia. Mas gusto nga lang niya ang mga muwebles at paintings ng mansion kaysa sa mga nasa hotel.
"Are you a new maid? Who told you to sit there?"
Sa kanya nakatingin ang nakapamewang na si Savannah Milano. Hindi niya narinig ang paglapit nito dahil sa carpeted na sahig at sa kaabalahan niya sa pag-usisa ng isang painting.
"Ahm—hindi po ako maid. Ako po si Mutya Atregenio—"
"I invited her. Do you have any problems with that, Savannah?" mula sa kung saan ay sumulpot si Doña Cynthia na pusturang-pustura.
"'Ma, Sav, ano'ng problema?" si Raniel naman ang sunod na pumasok ng bahay mula sa dambuhalang pinto. Nang bumaling ito sa kanya ay dumilim ang mukha nito.
--
KUNG meron mang tinatawag na 'bangka' ng usapan, si Mutya na iyon.
Iyon ang tumatakbo sa isip ni Raniel habang nasa hapag kainan silang buong pamilya, si Savannah, at si Mutya. Fan kasi si Mutya ng bilas niyang si Fiana, at avid listener din ito ng radio station ng Kuya Ethan niya. Kung hindi nagkukuwento si Mutya tungkol sa mga teleserye at pelikula ni Fiana, hinihingan naman ito ng komento ng Kuya Ethan niya tungkol sa radio programs at DJs ng WRL. Habang ang mama at papa naman niya ay panay ang tanong sa buhay at pamilya ni Mutya.
One thing about the woman, even if she was only a highschool graduate, was that she made sense and was a good conversationalist. If it weren't for their current situation, he probably would've joined the discussion.
But Savannah clearly felt out of place, and he can tell that her girlfriend's ego was bruised and hurting. How can it not? It was evident that his family was favoring a high school grad slash elevator operator over a cum laude of AB Mass Communication slash highly-respected newscaster.
Pagkatapos nilang kumain ng dessert ay nagsabi na sa kanya si Savannah na gusto na nitong umuwi. Pagkatapos ng maikling paalamanan sa pamilya niya ay umalis na sila para ihatid niya ito sa bahay nito. Savannah didn't try to hide her distaste of Mutya, and he knew that he would later hear remarks of disapproval on this from his Mom and even from his sometimes feisty sister-in-law.
Savannah was picking up a fight with him while he was driving her home. Na kesyo dapat daw ay ipinagtanggol niya ito sa pamilya niya, na dapat hindi niya hinayaan na magmukha itong tanga, o dapat, hindi na lang niya ito isinama sa family dinner in the first place.
He tried to reason out na hindi naman niya alam na imbitado si Mutya, at kung nalaman man niya, there's no point of them not attending the dinner just because of Mutya.
Lalo naman iyong ikinainis ni Savannah, saying he should've known better.
Nang makarating sila sa bahay ni Savannah ay pabalabag nitong isinara ang pintuan ng kotse niya. Hindi rin ito nakinig sa kanya ng pakiusapan niya na pag-usapan muna nila ang problema nila ng maayos. Dire-diretso lamang ito sa pagpasok ng gate at pinagsarhan siya ng pinto ng bahay.
He didn't have the choice but to leave. He knew that even if he tried to knock at her door and call her until the wee hours of the morning, Savannah wouldn't budge. He drove himself home still thinking of the insane things that Mutya was consciously or unconsciously doing to his life.
Paakyat na siya papunta sa kuwarto niya ng sabihan siya ng isa sa mga katulong na pinapapunta siya ng Mama niya sa ikalawang living room ng bahay. He sighed and decided that he wanted to let the discussion about Savannah be done and be over with.
Nang pumasok siya ng living room, nasorpresa siya ng makita pa rin doon si Mutya, kasama ang Mama niya at si Fiana. Napakunot-noo siya. "You're still here?" he blurted, looking at Mutya.
Magkasabay ang naging pagtaas ng mga kilay ng Mama niya at ni Fiana. "Ang bilis makahawa ng girlfriend mo, Raniel," anang mama niya.
"That's not what I meant. It's almost 12 midnight, hindi pa rin matapos-tapos 'yang kuwentuhan ninyo? May pasok pa 'yang si Mutya bukas," paalala niya sa mga ito.
Ngumiti si Fiana. "Uuy, concerned kay Mutya. " Bumaling ito kay Mutya na nasa tabi nito. "O, 'yan, makakauwi ka na, andito na driver mo."
"Who? Me?" Siya ba ang tinutukoy nito?
"Hijo, ikaw na ang maghatid dito kay Mutya," anang mama niya sa tono na ginagamit nito kapag may inuutos ito sa kanya na hindi puwedeng hindi niya sundin. "Tulog na ang mga driver natin, and besides, it's safer for her if it'll be you who will bring her home. She told us that yesterday there was a stabbing incident near their home. I wouldn't worry too much if it's you that she'll be with because I know you can protect her more than any of our drivers could. I was the one who invited her here so I have to make sure she comes home safe."
He sighed. He looked at Mutya who has been quiet all this time.
Mutya averted his gaze. "Ahm—puwede naman ho akong...mag-commute. May mga jeep naman ho—"
Mabilis naman ang naging pagtanggi ng Mama niya sa sinabi nito. "Hinde, hija. Raniel will take you home. Right, hijo?"
Tumango na lamang siya para matapos na ang usapan. The faster he took Mutya home, the better. He felt a headache of epic proportions coming. "C'mon, Mutya. I'll drive you home."
BINABASA MO ANG
The Knight of My Life (COMPLETED)
RomanceIsang simpleng elevator operator si Mutya Atregenio na nakatanggap ng kakaibang offer mula sa Amerikanong si Keith Grisham. Mas lalong gumulo ang mundo niya nang maging ka-close ang may-ari ng Palazzo Arrastia na si Cynthia Arrastia. Ipinag-novena b...