NANG MAKABAWI si Mutya mula sa pagkabigla ay ubod ng lakas niyang tinuhod ang pagkalalaki ng Arabong kaharap. Sumigaw ito at bumagsak sa carpeted na sahig. Nagmamadali niyang binuksan ang pinto at nagtatakbo papalabas. Nanginginig ang buo niyang katawan. Litong napatakbo siya sa gawi ng fire exit. Pumasok siya roon at naupo sa unang baitang ng hagdan doon.
Niyakap niya ang sarili. Parang sasabog ang dibdib niya sa bilis at lakas ng pagtibok nito. Gusto niyang umiyak, ngunit walang lumalabas na luha sa mga mata niya.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa ganoong ayos, ngunit ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan ay ang pagri-ring ng cellphone niya na nasa bulsa pa rin pala ng uniform niya. Hindi nga pala niya ito naibalik kanina sa locker niya bago siya nagpunta sa kuwarto ng... napakagat-labi siya. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang susunod niyang gawin.
Nang tingnan niya ang cellphone ay si Raniel ang tumatawag sa kanya. Isang mahinang "Hello," ang isinagot niya matapos pindutin ang answer button.
"Where the hell are you?" halos pasigaw na sabi sa kanya ni Raniel sa kabilang linya. Nagagalit marahil ito dahil lagpas na siya sa dapat na oras ng breaktime niya.
"Nasa... nasa fire exit ng 16th floor. Sag—saglit lang, please." Pagkasabi niyon ay pinindot na niya ang end button. Hindi pa niya kayang bumalik sa trabaho, pero hindi niya rin alam kung paano sasabihin sa iba ang nangyari.
Muli siyang bumalik sa pagtulala sa kawalan ng biglang bumukas ang pintuan ng fire exit. Alarmado siyang napatayo, ang unang pumasok sa isip niya ay nasundan siya ng lalaking Arabo.
Ganoon na lamang ang pagkabigla niya ng ang nag-aalalang mukha ni Raniel ang bumungad doon. "I know what happened. Are you alright?"
Ewan ba niya, ngunit sa sinabi nitong iyon siya napaiyak. Hindi na niya napigilan. Basta nagtuloy-tuloy na lamang ang pagtulo ng luha niya.
Hindi niya alam kung paano nangyari, basta natagpuan na lamang niya ang sarili sa loob ng mga bisig ni Raniel. Mahigpit siyang yakap-yakap nito, at sinasabihan ng "Ssssh. Tahan na," na lalo namang nagpapaiyak sa kanya. Napaka-sinsero kasi ng pag-aalala nito sa kanya.
Matagal sila sa ganoong posisyon. At ng sa wakas ay pumayapa na ang damdamin niya, kinuha ni Raniel ang kamay niya, hinawakan iyon ng mahigpit, at iginiya siya nito papalabas ng fire exit.
--
SA iSTASYON ng pulisya, binaliktad ng Arabo ang nangyari. Inakit daw ito ni Mutya, inalok ng panandaliang aliw, ngunit ng hindi sila nagkasundo sa presyo ay bigla na lamang daw niya itong tinuhod at nagtatakbo siya papalabas.
Napatayo si Mutya sa kinauupuan niya ng marinig iyon. "You are a lie. I will go out then but you holded me, then I tuhod-tuhod you," inakto pa niya ang pagtuhod dito. "Why would I sell myself to you? I have work, you smell bad, and you look badder!"
Hinawakan naman siya ni Raniel sa balikat na siyang kasama niya sa pulisya. Ang pulis naman sa desk ay abala sa pagta-type. "Mr. Alzihabi," si Raniel naman ang kumausap sa Arabo. "We Filipinos give high respect to our women. We value dignity and integrity. And this, I can tell you, our women wouldn't choose to go through the whole nine yards of court hearings, especially if it would be a case of attempted rape or acts of lasciviousness. Our women wouldn't want to subject themselves to such scrutiny and judgement. We all know you're lying, and that your lawyer won't be able to save you. We're looking at years of imprisonment here, Mr. Alzihabi. So please, just tell the police officer what really happened."
Nag-iwas naman ng tingin sa kanila ang Arabo, nag-iisip marahil. Marahan nitong hinimas-himas ang balbas.
Napa-isip din siya. Kaya napag-alaman ni Raniel ang nangyari sa kanya sa kwarto ng Arabo ay dahil sa tumawag ang Arabong manyakis sa frontdesk. Gusto raw kasi nitong magpadala sa ospital, para raw ipa-check-up kung hindi raw ito napuruhan sa pagtuhod niya rito. Kaya kung ganoon din lang, lalo pa niya itong tatakutin. "You know, Mr. Alzihabi, I have example of your hairs in the shaving razors you use." Napatingin sa kanya ang tatlong lalaki. "I know a very good mangkukulam. If I give her the example of your hair, she can make your eggs fall down."
Sabay na natawa si Raniel at ang pulis habang kumunot naman ang noo ng Arabo. Nagpaliwanag si Raniel. "She said that she could get samples of your hair through the disposable razors that you used, give them to a witch, then through incantations and spells, the witch could make your—uhm—balls fall off."
Pinanlakihan naman ng mata ang Arabo sa narinig. Napatingin ito sa kanya at paulit-ulit na nagsabi ng "No, no, not that," bago humawak itong muli sa balbas nito. "You see, I was paid to do it," anito sa kanila, bahagya pang umiiling-iling.
Ikinagulat nila iyon ni Raniel. Tumigil naman ang pulis sa pagta-type nito at nagtanong sa Arabo. "Who paid you, Mr. Alzihabi, to harass Miss Atregenio?"
BINABASA MO ANG
The Knight of My Life (COMPLETED)
RomanceIsang simpleng elevator operator si Mutya Atregenio na nakatanggap ng kakaibang offer mula sa Amerikanong si Keith Grisham. Mas lalong gumulo ang mundo niya nang maging ka-close ang may-ari ng Palazzo Arrastia na si Cynthia Arrastia. Ipinag-novena b...