Part Eighteen: Reasons and Realizations

6.6K 194 7
                                    


Dinuro si Raniel ni Savannah sa dibdib. 

"For more than a year, I've put so much effort to please your family. I wanted them to like me!" Mataas ang boses na sabi ni Savannah. "At the TV network I was known as a slave-driver, fearless bitch who worked my ass off to be noticed and be promoted. But with your family, I tried to be nice, to act nice so they'd learn to like me! And then what? A poor, lowly elevator operator have easily won their heart! They all wanted her for you! Your family wanted you to fall out of love with me, Mutya wanted you to fall out of love with me, so I knew I had to do something—"

He cut her off. "Savannah, it's you who's making me fall out of love with you. With all that you've done—I don't think I can still feel the same way about you." He saw tears fell from Savannah's eyes which she was quick to brush off her cheeks.

"You're just saying that to vindicate yourself, but the truth is you've fallen in love with that bitch."

Umiling siya. "I'm not in love with Mutya." Ilang saglit ding namagitan sa kanila ang katahimikan. "I'll ask one of the drivers to take you home," he said, breaking the silence. With their state, they probably would just fight inside the car and that might just get them to an accident. 

Pumasok si Raniel muli sa loob ng bahay para kausapin ang isa sa kanilang mga driver. All eyes were fixed on him: all the guests, the servers, even his own family. He felt the need to talk.

"I apologize for the scene, everyone. You guys know how lovers' quarrels are," he shrugged and forced a smile. Ilan sa mga bisita ay ngumiti na lang din, ang iba ay tumatango-tango, at ang iba ay bakas sa mukha na hindi naniniwala sa kanya.

Lumapit si Raniel sa Kuya Ethan niya, nagtatanong ang mga mata nito, ngunit hindi ito nagsalita. He asked his kuya to get one of the drivers to take Savannah home. Nang tanungin niya ito tungkol kay Mutya, ang sagot nito sa kanya ay nasa isa sa mga guest room ito, kasama si Fiana at ang Mama nila.

He sighed. Nagpaalam siya rito at nagsabing pupuntahan niya sina Mutya. Marami siyang kailangang sabihin at ihingi ng tawad dito.

--

DAHIL naging usap-usapan daw sa alta-sosyedad ang nangyari sa party ng mga Arrastia, at dahil isa raw 'public figure' si Savannah, ayon sa text message na ipinadala kay Mutya ni Fiana, kaya raw may ilan daw na myembro ng Press ang naghahanap sa kanya at gusto siyang ma-interview. May ilan daw kasing nakarinig na siya ang dahilan ng pag-aaway nina Raniel at Savannah. 

Ang sabi pa ni Fiana, kung gusto daw niya na malinis ang pangalan niya at para magantihan na rin si Savannah, ay ibunyag na niya sa mga gustong interbyuhin siya ang pinaggagawa ni Savannah sa kanya. Nalaman kasi niya mula kay Raniel na si Savannah pala ang dahilan kung bakit siya natanggal sa ospital. Ninong pala ni Savannah ang executive director ng St. Roch's.

"Ano namang ini-reply mo?" tanong ng best friend niyang si Edelyn.

Magkatabi sila nitong nakaupo sa mahabang bangko sa harapan ng bahay nila. Tumingala siya sa langit. Tingin niya ay mas marami kaysa karaniwan ang mga bituin ng gabing iyon. "Sabi ko, mas malaki ang mawawala kay Savannah kung magsasalita ko. Wala na sa 'kin yung pagkapahiya ko nung party. Hindi ko naman kakilala yung mga bisita do'n. 'Tsaka isa pa, 'pag nagsalita ako laban kay Savannah, masasaktan din si Raniel. Girlfriend niya 'yun eh. Mahal n'ya yun."

Napapalatak naman si Edelyn. "Mukhang nagkandadurog na naman ang puso mo, 'Neng."

Ngumiti siya. "Sa totoo lang, sanay na 'ko." Napasigaw siya ng maramdaman niya ang paghatak ng katabi sa buhok niya. "Aray! Masakit 'yon ah!"

"Para ka kasing tanga. Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Dapat hindi ka nasasanay na nasasaktan ka! Ang tawag d'on, masokista. Sakit 'yon, 'Neng. 'Di ba close ka naman sa pamilya ni Raniel? E 'di magpalakad ka! Magpa-jogging ka pa, kung gusto mo."

"Sira. Hindi naman gano'n kadali 'yon 'no. Gasgas man at napakakorning pakinggan, pero langit kasi talaga si Raniel, at lupa ako. Tanggap ko 'yon. Totoo naman, eh."

"Ang korni naman niyan. Narinig ko na 'yang langit-lupa na 'yan. Umisip ka naman ng iba."

Saglit siyang nag-isip. "Ahhm—dagat siya, ilog ako. Kahit na magkarugtong, hindi kailanman naghahalo ang tubig alat sa tubig tabang. Ayun. O, ayos ba?" Nag-apir silang magkaibigan at nagkatawanan na lamang sa mga napag-iiisip nila.

Bumuntunghininga si Mutya. "Ah basta, ang pagtutuunan ko na lang ng pansin ngayon, sina Lola Andeng 'tsaka si Bikoy. Nasabi ko na ba sa 'yo na aalis kami sa susunod na linggo? Birthday ni Lola Andeng, eksaktong sitenta na siya. Dadalhin ko sila sa Maynila, dun kami mula Biyernes hanggang Linggo. Pangarap ni Lola Andeng 'yun eh."

"Naks! Iba na talaga ang mapera. Saan naman kayo titira do'n?"

Nagkibit-balikat siya. "May condominium unit daw si Raniel sa Makati. Nag-volunteer na rin siyang samahan kami."

Nanlaki ang mga mata ni Edelyn sa narinig. "Sosyal!"

The Knight of My Life (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon