HINDI halos pansin ni Mutya ang nararamdamang sakit sa pagitan ng mga hita niya pagkagising. Nag-init ang pisngi niya nang bumaling siya ng tingin at ang himbing na si Raniel ang nasa tabi niya. Tingnan lang niya ang labi nito ay kinikilig na siya. Pinaligaya siya ni Raniel, at hinding-hinding-hindi niya malilimutan ang pangyayaring ito sa buong buhay niya.
Dahan-dahan siyang bumaba ng kama. Kinuha niya ang t-shirt at shorts na ipinantulog niya at isinuot iyon. Hindi na siya nag-abala pang magsuot ng panloob. Maliligo din naman siya.
Sa salas, kagat-labing dinampot niya ang mga damit nila ni Raniel na hinubad nila kanina sa parteng iyon ng condo. Ini-off din niya ang TV na nakaligtaan na rin pala nilang gawin.
Papunta na sana siya ng banyo ng makarinig siya ng malalakas na katok, pati ang kakaibang pagtawag ng pangalan niya. Moocha. Iisang tao lang naman ang tumatawag sa kanya ng ganoon. Si Keith Grisham.
Tarantang napatakbo siya sa may pinto. Mayroong silipan doon.
Hindi nga siya nagkamali, si Keith nga ang nasa labas. Pero ano'ng ginagawa nito sa condo ni Raniel? At pa'no nito nalaman na nandito siya? At ang pinaka-importante, ano'ng ginagawa nito sa Pilipinas? Dapat ay nasa Amerika na itong muli.
Dapat ba niyang buksan ang pinto at patuluyin ito? Hindi niya ito bahay.
Pero malaki ang utang na loob niya kay Keith. Wala naman sigurong masamang mangyayari kung pagbubuksan niya ito ng pinto.
"Moocha, I missed you so much." Halos mapisat siya sa higpit ng pagkakayakap nito ng pagbuksan niya ito ng pinto. Pinilit naman niyang makawala rito.
"Why are you here, Keith?"
"Because I've been tryin' to locate you for days! It has been weeks, months that have passed, but I couldn't forget you. I think.. I've fallen in love with you. When you didn't come that Tuesday night, I thought I was goin' crazy. I can't help but think 'bout you all the time, even if I was with other women, with other beautiful women." Dumukot ito sa bulsa ng pantalon nito at naglabas ng singsing. "So, Moocha, I wanna to ask you, will you marry me?"
Siya namang pagbukas ng pinto sa kuwarto. "What the hell is this?" tanong ni Raniel na halatang nawala ang antok sa nadatnang eksena.
Nagpalipat-lipat ng tingin si Keith sa kanya at kay Raniel. "Are you two... The people at the hotel said that you were just tourin' Manila with your family..."
"Hindi ko—I don't gets it," naguguluhang sabi niya kay Keith. "You said I did not went to your room? I did! You gave me a letter, 'di ba? Remember? With the five thousand dollars? You say in the letter that you want to to give me the money?"
Ito man ay nagmukhang naguluhan din. "What money? I didn't give you any money. Our agreement was that you'll go up my room—"
"But I did went to the hotel! You say in the letter—"
Tumapak papalabas ng kuwarto si Raniel na nagpatingin sa kanila ni Keith dito. "It was me who wrote the letter, Mutya. The money came from me as well, and not from Keith."
Hindi makapaniwala si Mutya sa narinig. Kay Raniel galing ang sulat? Pati na rin ang perang nakalakip doon? Bakit nito ginawa iyon?
Animo nabasa ni Raniel ang mga tanong sa isip niya. "Ayokong mapariwara ka. That man's a good-for-nothing bastard who thinks everything is for sale and everything can be bought."
Naintindihan na rin sa wakas ni Keith ang mga pangyayari. "You fuckin' son-of-a-bitch. You tricked me! And Moocha too! Do you feel like King Arthur now, man?" Sinugod nito si Raniel. Hindi naman ito inurungan ng lalaki.
Napatili siya ng magpambuno ang dalawa sa harap niya.
"Bastard! You wanted Moocha for yourself, you self-righteous son-of-a-bitch!" patuloy na sigaw ni Keith. Mas malaki itong 'di hamak kay Raniel, at kahit na malaki rin naman ang katawan ni Raniel, halatang mabubugbog sarado ito ni Keith kung hindi siya gagawa ng paraan.
Pumikit siya, sabay sinugod niya ng yakap si Raniel. Alam niyang hindi siya kayang saktan ni Keith, at kung kailangan niyang iharang ang sarili niyang katawan para kay Raniel, gagawin niya.
"'Wag kang makialam dito, Mutya," matigas ang boses na sabi ni Raniel, pilit inaalis ang pagkakayakap niya rito.
"Do you love him that much, Moocha? That you're willing to get yourself hurt just to save that bastard's ass?" Humihingal na sabi ni Keith sa kanya.
Napahikbi siya, sabay ng pagtulo ng luha niya. "Keith, get out, please. I'm sorry, really sorry, for everything." Bumitaw siya kay Raniel at yumakap sa bewang ni Keith. Hinila niya ang manggas ng damit nito para yumuko ito, at dinampian niya ito ng halik sa pisngi. "I'm sorry talaga."
Hindi ito nagsalita. Ilang saglit na namayani ang katahimikan sa kanilang tatlo. Maya-maya ay kinabig siya ni Keith at hinalikan siya sa tuktok ng ulo, at pagkatapos ay tumalikod na ito sa kanila. Walang lingon-likod itong lumabas ng condo.
Nilingon niya si Raniel. May dugo pa ang gilid ng labi nito ngunit animo hindi nito pansin iyon. Nakatingin lamang ito sa kanya, hindi niya mabasa ang emosyon na nakabalatay sa mukha nito. Pinahid niya ang mga luha sa pisngi niya.
Sa pagitan ng paghikbi niya ay sinumbatan niya ito. "Kaya pala. Kaya ka pala pumayag na dito kami tumuloy sa condo mo. Kaya pala hinayaan mong may mangyari sa 'tin. Patas na ba tayo? Sulit ba ang ibinayad mong two hundred thousand?" Tinalikuran niya si Raniel at tumungo siya sa kuwarto.
"It's not what you're thinking," anito habang sumusunod sa kanya. "What are you doing?"
"Condo mo 'to. Kami nina Lola at Bikoy ang aalis. Hindi ko kayang makita at makasama ka pa. At mag-iimmediate resignation na rin ako sa Palazzo." Tuloy-tuloy niyang sabi habang ipinapasok sa mga dala nilang bag ang mga nakakalat na damit at gamit nila.
Narinig niya ang pagbuntunghininga ni Raniel. "'Kung galit ka sa 'kin , 'wag mong idamay si Lola Andeng at Bikoy. We both know how much they are enjoying their stay here. Ako na lang ang aalis. Mahihirapan pa kayong maglipat ng gamit at maghanap ng hotel." Nag-iwas siya ng tingin ng isuot nito ang hinubad nitong pantalon at damit kanina. "I'll just send someone who could drive you guys around the metro. 'Wag mo nang intindihan ang bayad, ako ng bahala. For the condo, you can just leave the keys to the receptionist at the ground floor on Sunday. And don't worry, hindi na rin ako sasabay sa flight n'yo pabalik ng Puerto Princesa."
Sa gilid ng mga mata ni Mutya ay nakita niya ang pagdampot nito ng susi ng kotse, wallet, at cellphone nito.
"Susunduin ko lang sina Lola Andeng at Bikoy. I'll tell them na may business meetings akong pupuntahan kaya hindi na 'ko makakasama sa inyo. Take care of them. Take care of yourself." Pagkasabi niyon ay narinig na niya ang paglapat ng pinto, tanda na lumabas na ito ng condo.
Take care of yourself. Palagi iyong sinasabi sa kanya ni Raniel. Sinabi nito iyon sa kanya pagkatapos nilang ma-trap sa elevator, sa sulat ni Keith na ito pala ang gumawa, at ngayon, ngayong gulong-gulo ang isip niya dahil dito.
Isang malaking kalokohan na bilinan siya ni Raniel na ingatan ang sarili niya, dahil ito mismo ang sanhi ng ngayon ay labis-labis na pagsakit ng kalooban niya.
BINABASA MO ANG
The Knight of My Life (COMPLETED)
Roman d'amourIsang simpleng elevator operator si Mutya Atregenio na nakatanggap ng kakaibang offer mula sa Amerikanong si Keith Grisham. Mas lalong gumulo ang mundo niya nang maging ka-close ang may-ari ng Palazzo Arrastia na si Cynthia Arrastia. Ipinag-novena b...