Part Nineteen: Mga Eksena sa Maynila

6.6K 189 3
                                    

INIISIP ni Mutya, siguro ay nakokonsensiya lang si Raniel dahil sa mga ginawa ng girlfriend nito sa kanya kaya medyo bumait na ito sa kanya. Iyon, o kaya baka naaawa ito sa kanya.

Iyon ang tumatakbo sa isipan niya habang nasa loob sila ng elevator ng building kung saan nasa ika-tatlumpu't isang palapag ang unit ni Raniel. Kasama niyang lumuwas si Bikoy na umabsent pa sa school, ang Lola Andeng niya na nagbayad pa ng taong magbabantay at magpapakain sa mga alagain baboy at manok nila, at siyempre, si Raniel.

Alas-onse na ng umaga ng araw ng Biyernes ng makarating sila sa Makati mula sa airport. Ang Lola Andeng niya at si Bikoy, panay ang tingin at turo sa mga nadadaanang mga nagtataasang building, dambuhalang billboard, at nagsabi pang gusto daw nilang subukang sumakay sa MRT.

Siya naman, tahimik na patingin-tingin at pangiti-ngiti lang. Natutuwa siya sa nakikitang kasiyahan nina Lola Andeng at Bikoy, pero hindi pa rin niya kasi maiwasang hindi mailang sa sitwasyon. Prakiramdam kasi niya, parang...abot-kamay lang niya si Raniel. Kasama nila sa taxi, sa loob ng bahay, kakuwentuhan ng pamilya niya, kausap niya na parang normal na nilang ginagawa 'yon sa araw-araw.

Nagpa-deliver na lamang si Raniel ng tanghalian nila dahil walang laman ang ref na naroon. Isabel's Carinderia ang pangalan sa restaurant ayon sa mga plastic bag na pinaglagyan ng mga pagkain. Pagkaing Pinoy ang mga iyon, at pawang specialty daw ng resturant ang in-order ni Raniel.

Matapos magpahinga ng kaunti, ay pumunta na sila sa una nilang destinasyon: ang Rizal Park. Maluha-luha pa si Lola Andeng ng sa wakas ay makita nito ang bantayog ni Rizal at makarating sa lugar kung saan ito binaril at namatay. Isa kasi sa kanunununuan nila ay naging tagapag-lingkod sa pamilya ng mga Mercado-Rizal sa Calamba, Laguna at nataon pang kahawig ni Rizal ang unang lalaking minahal ng Lola niya na isang sundalong napatay sa gitna ng digmaan. Kaya nag-eksenang Maalaala Mo Kaya ang Lola Andeng niya.

Inilibre din sila ni Raniel upang makapamasyal sila sa Manila Ocean's Park na nasa may likod ng Quirino Stadium. Madilim na ng umalis sila ng Luneta. Humiling si Bikoy kay Raniel na iyong restaurant na may pizza naman ang sunod nilang kainan. Sinunod naman nito ang paglilihi ni Bikoy at sa Yellow Cab sila dinala para maghapunan.

Pagod man sila pag-uwi ng condo, ay sulit naman sa saya na nararamdaman niya. At naisip niya, sana ay may maibentong time machine para puwede niyang balikan at i-replay ang araw na iyon at ang susunod pang dalawang araw na kasama ng pamilya niya si Raniel.

--

ALAS-CINCO pa lamang ng umaga ayon sa alarm clock na nasa may gilid ng kama, ngunit bumangon na si Mutya sa kama. Katabi niya roon si Lola Andeng at Bikoy, habang si Raniel ay sa may salas natulog.

Papunta na sana si Mutya ng C.R., ngunit napahinto siya sa kinatatayuan nang mapagbuksan niya ng pintuan ang halos hubo't hubad na si Raniel. Awtomatikong napatakip siya ng mga mata. Pero parang nakikita pa rin niya sa isip ang nalaglag na kumot nito sa sahig. Tandang-tanda pa niya ang kulay ng tanging suot nito na maikling checkered na shorts na maroon, gray, at puti ang kulay. Natatandaan niya ang itsura noon dahil may kahawig ang kulay na iyon sa Avon catalogue. Kung tama ang tanda niya ay 'boxer shorts' ang tawag doon. Iyon kaya ang isinusuot nina Manny Pacquiao sa pagtulog kaya boxer shorts ang tawag doon?

Pero paano na lang pala kung maabutan ni Lola Andeng si Raniel na ganito ang itsura? Baka himatayin ang matanda! Nagtanggal si Mutya ng takip ng mga mata at muling tiningnan ang tulog pa rin na si Raniel. Nakaramdam siya ng pag-iinit ng pisngi ng hagudin niya ng tingin ang kabuuan nito, lalo na ng hindi niya mapigilan ang paghinto ng tingin niya sa nakabukol sa pagitan ng hita nito.

Lumunok siya bago dahan-dahang lumapit dito. Dinampot niya ang kumot nito sa sahig at marahang itinakip iyon sa katawan nito.

Napakislot siya ng umungol si Raniel at nagsalita. "Sisigaw na ba 'ko ng 'rape'?" bahagya pang paos ang boses nitong sabi sa kanya.

The Knight of My Life (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon