DAHIL sumakit daw ang tiyan ni Edelyn sa kinain nilang seafoods na siyang hapunan nila, bumaba muna ito sa kwarto nila para magsi-CR. Naiwan naman siya sa bar-restaurant sa rooftop ng Palazzo kasama ang bago nilang kakilala na nagpatawag na lamang sa kanila ng Tita Cynthia.
Mag-isa lamang ito sa katabi nilang mesa kanina, ngunit dahil narinig nito ang pagtatalo nila ni Edelyn kung tama ba ang ginawang pag-iwan ng singer-actress na si Fiana Torreza sa kanyang bonggang career sa Maynila para makasama ang lalaking pinakamamahal nito sa Puerto Princesa, hindi nakatiis na hindi sumali sa usapan ang matandang babae. Pareho rin pala nila itong kapapanood lang din sa TV sa kani-kanilang kwarto ang lumang pelikula ni Fiana at ng dati nitong ka-love team na si Aris Bragado. Ipinalabas kasi iyon sa Cinema One kanina.
"Ikaw, you're pretty. Bakit hindi ka mag-try na mag-artista? Andaming talent search ng mga TV network ngayon." anito sa kanya.
"Ay naku, Tita Cynthia. Puro tisay at chinita lang ang kinukuha sa showbiz. Ang sabi kasi sa 'kin, ipinaglihi daw kasi ako sa manika kaya—ahmm—medyo may kagandahang taglay po ako. Pero ewan ko ba naman sa nanay ko, hindi pa sa tisay na manika ako ipinaglihi. Ang itim ko tuloy. Tinutukso nga akong ulikbang uling dati ng mga kaklase kong lalaki."
"Oh, really? Hindi ka naman kulay uling, that's too much. Kayumangging-kaligatan ang tawag sa kulay mo, hija. Anyway, ano namang ginawa mo noon sa mga bully mong classmate?"
Ngumiti siya, nahihiya. "Una ho, sinusumbong ko muna sila sa teacher para ma-guidance sila. Tapos nilalagyan ko ng tuyong dahon yung loob ng mga bag nila. Ayun, gulo ulit."
Natawa ito. "Kakulit mo pala noong bata. Buti ako kahit dalawa ang anak kong lalaki hindi naman ako gaanong binigyan ng sakit ng ulo noong mga bata pa sila." Napalingon ito sa entrada. "Speaking of my adorable sons, ngayong nagsipaglakihan na sila 'tsaka naman nila pinasasakit ang ulo ko. Well, yung isa na lang pala, dahil yung panganay ko ay happily married na."
Sinundan niya ng tingin ang tinatanaw nito. Napamaang siya ng makitang papalapit sa kanila si Raniel Arrastia.
Saglit lamang siya nitong tinapunan ng tingin, pagkatapos ay lumapit ito at humalik sa pisngi ng matandang babaeng kausap niya. "Sorry 'Ma, I had to wait for Savannah's program to finish so I could driver her home."
Umirap naman rito si Tita Cynthia na wala siyang kaalam-alam ay siyang nanay pala ni Raniel Arrastia. "Savannah's old enough to drive herself home. You promised me na tutulungan mo ako i-organize itong birthday surprise ng Papa mo. Kung hindi lang nasa Hongkong sina Ethan at Fiana, I would've asked them to help me on this. Buti na lang Mutya and her friend kept me company while I was waiting for you."
Napanganga siya ng dumating sa kanya ang isang realisasyon. "Magkapatid ho si Ethan 'tsaka 'tong si Sir Raniel? At manugang n'yo ho si Fiana? Wow, Tita Cynthia! Ihingi n'yo naman ho ako ng autograph sa kanya! Alam n'yo ho bang nakikinig ako noon sa WRL nung araw na mag-announce si Ethan na in love siya kay Fiana sa radyo? Sobrang kinikilig ako no'n!"
Ngumiti ito. "Akalain mo nga naman. Parang kahapon lang iyon nangyari. Ngayon, mayroon na akong napaka-bibong 6-year old na apo."
Nanatili namang nakamasid lamang si Raniel sa kanila.
Nakaramdam naman siya na mukhang kalabisan na siya roon, kaya nagpaalam na siyang pupunta ng kwarto nila para kamustahin na rin si Edelyn.
"Nice talking to you, hija. I hope to see you soon." ang sabi sa kanya ng Mama ni Raniel, habang ang lalaki naman ay tinanguan lamang siya.
Patungo na siya ng elevator nang makasalubong ang isang pamilyar na mukha. Si Keith Grisham.
"Hey, Moocha! What brings you here? Were you lookin' for me?" malawak ang ngiti nito ng lumapit sa kanya.
"No. I win the first prize in the raffle, 'di ba? Remember?"
Bumagsak ang balikat nito. "Oh, hell, yeah. Just remember though, I'd be here until Tuesday night, alright?" hinawakan siya nito sa braso at hinimas-himas nito iyon. Naiilang na inilayo naman niya ang braso rito.
"Binabastos ka ba niya?" anang tinig sa likuran niya.
--
NALINGUNAN ni Fiana si Raniel na nakatingin sa kanya. "Hindi, hindi naman. Salamat." Sinagot niya rin ito ng Tagalog para hindi maintindihan ni Keith ang usapan nila.
"Rain-yell, my man, have you met Moocha?" anang Amerikano sa kanila.
"Yes. She's the lucky girl who won the weekend stay here," sagot naman ni Raniel dito.
"She'll be a luckier girl if by Tuesday she chooses the right thing." Kumindat pa sa kanya si Keith.
Iniwas niya ang tingin sa dalawang lalaki. "Ahmm, excuse me. I will... to our room," aniya, sabay talikod. Hindi niya kakayanin kung biglang magtanong si Raniel kay Keith kung ano'ng kailangan niyang pagdesisyunan sa Martes. May posibilidad din na alam na ni Raniel ang tungkol doon dahil base sa pag-uusap ng dalawa kanina, mukhang magkakilala na ang mga ito. Hindi niya maalis sa isip na baka isang bayarang babae ang tingin ni Raniel sa kanya.
Sumulyap lamang siyang muli sa mga ito bago nang papasara na ang elevator. Bumalik na si Raniel sa mesa kung saan nakaupo ang Mama nito, habang si Keith naman ay nakaupo sa bar at kinakausap ang bartender.
Wala pa siyang nasasabihan tungkol sa gustong mangyari ni Keith, maski si Edelyn. Gusto niyang mag-isang pag-isipan ang magiging desisyon niya, para anuman ang kalalabasan, wala siyang sisisihing ibang tao. Dahil kung anuman ang maging pinal na desisyon niya, siya din naman ang lubos na maaapektuhan at magdadala ng konsekwensiya, wala ng iba.
BAGO pa man makabalik sa kinauupuan si Raniel matapos kausapin si Keith ay nag-ring ang cellphone niya. It was Savannah, telling him she's about to sleep. She had said 'I love you' and he responded back, afterwhich they both hung up. Mabuti na lamang at naayos agad nila agad ang away nila kanina.
"You know what, hijo? I like her. I'll invite her to the party," anang Mama nang maupo siya sa katapat na silya nito.
"And by 'her', you mean Savannah?"
Sumimangot ang Mama niya. "Of course not. You know I hate brats and party girls rolled into one irritating package. And by that, yes, I'm referring to Savannah and all your past girlfriends. "
He sighed. "'Ma, the problem with you is that you never gave them the chance to prove themselves."
"There is nothing to prove, hijo. I'm too old to know and see beneath their diabetically sweet or pseudo-woman-of-the-world persona."
They've had this kind of conversation hundred of times that he knew there's no way he could win this. Inilihis na lamang niya ang usapan. "By the way, 'Ma, who were you referring to earlier? Yung gusto n'yong i-invite sa party ni Papa?"
"Si Mutya."
"Irereto n'yo ba siya sa'kin?"
"Of course not!" mabilis na tanggi nito. Nakataas pa ang isang kilay nito.
But he knew better. Mayroon na namang Operation: Find-a-Manugang ang mama niya.
BINABASA MO ANG
The Knight of My Life (COMPLETED)
RomanceIsang simpleng elevator operator si Mutya Atregenio na nakatanggap ng kakaibang offer mula sa Amerikanong si Keith Grisham. Mas lalong gumulo ang mundo niya nang maging ka-close ang may-ari ng Palazzo Arrastia na si Cynthia Arrastia. Ipinag-novena b...