Chapter 10

8.8K 357 9
                                    

BINUBUKLAT ni Genaro ang maliit na kuwadernong pinakatago-tago niya sa kanyang vault. Nakuha niya iyon sa bahay ng mga Atilio sa probinsiya ng Pelaez, kasama ng larawan ng totoong ina ni Charo.

May labing-siyam na taon na ang nakalilipas mula nang magpaimbestiga siya tungkol sa pinagmulan ni Charo. Malaking tulong ang pangalan nitong nakasulat sa bag na pinaglalagyan nito nang makuha niya ito, maging ang address at pangalan sa loob ng bag na tila nalimutan lang alisin doon.

Nalaman niyang tama ang address at pangalan sa bag. Ayon sa imbestigador ay biglang nawala ang may-ari niyon, si Beatrice Atilio. Ang tanging natuklasan ng mga imbestigador ay buntis raw ang babae nang mawala ito. Ang asawa nito ay iniwan ito at nang ipahanap niya ang lalaki ay natuklasan niyang namatay ito sa sakit. Huling nakasama ni Beatrice sa bahay ay isang kawaksing nagngangalang Juaning, na may asawang nagngangalang Pabling. Ngunit dahil walang nakakaalam ng tunay na pangalan ng dalawang dayo ay hindi na nakita pa ang mga ito nang umalis. Ang petsa ng pag-alis ng dalawa sa Pelaez---isang araw bago niya natagpuan si Charo sa pier.

Natuklasan din niyang ang bahay ng mga Atilio ay malaki na ang pagkakautang sa amilyar at binayaran niya iyon. Nagpasya siyang i-preserve ang bahay at sa pagre-renovate noon ay natuklasan ang labi sa likod-bahay na kalaunan, sa pagsusuri, ay nalaman niyang si Beatrice Atilio pala. Noong mga panahong iyon ay hindi pa siya isang-daang porsiyentong ito ang ina ni Charo ngunit ang larawan na nito ang ipinakita niya sa batang itinuring nang anak. May ilang taon na ang nakakaraan nang ipa-exhume niya ang labi nito upang kumuha ng DNA sample. Ito ang ina ni Charo.

Marahil mas marami pa siyang matutuklasan sa buhay ng mga Atilio kung nakita lamang sina Juaning at Pabling. Maraming katanungan pa rin ang hindi nasagot ng imbestigador---tulad ng kung paano namatay si Beatrice at kung may kinalaman ba roon ang mag-asawang Juaning at Pabling. Bulok na ang labi ni Beatrice kaya't hindi na malaman kung ano ang naging sanhi ng kamatayan nito, bagaman walang basag ang bungo nito o alinmang buto.

Ang hula niya ay pumanaw sa panganganak si Beatrice, kundi man ay pinaslang ng mag-asawang Juaning at Pabling, saka inilibing sa likod-bahay. Tangay ng dalawa ang anumang mahalagang gamit sa bahay sapagkat wala siyang natagpuan ni anong alahas doon o pera. Marahil iniwan ng mag-asawa si Charo sa pier.

Marami siyang nakitang alaala at dokumento ng Pamilya Atilio na nakatabing lahat sa bahay sa Pelaez. Mula sa mga iyon ay nakilala niya ang pamilya ni Charo, ang pinagmulan nito. Dinala lamang niya sa Maynila ay ang larawan ni Beatrice at ang kuwaderno ng lola ni Charo na si Celestina. Binasa niya ang isang bahagi ng nakasulat sa kuwaderno na ilang ulit na niyang nabasa noon.

Galit na galit sa akin si Sion at isinumpa niyang wala ni isang magsusuot ng traje de boda na siya ang may gawa ang liligaya sa buhay. Palibhasa ay bata pa ako noon ay hindi ako naniwala sa sumpa ngunit bakit nagkaganoon kami ni Agustin? Dahil ba iyon sa sumpa o dahil hindi niya ako natutunang mahalin?

Ikakasal na si Agustina sa isang sundalong Amerikano. Hindi siya naniniwalang may sumpa ang traje na gusto niyang suotin. Hindi ko siya masisi. Sadyang napakaganda ng traje ni Sion. Sana'y hindi matulad sa akin ang kapalaran ng aking anak. Anu't anuman, dapat sigurong sunugin na ang traje... kundi man ay humingi ng tawad kay Sion... Ihingi ako ng tawad kay Sion.

Lubos akong nagsisisi na inagaw ko sa kanya si Agustin. Hindi ko napaligaya ang aking asawa. Nanatili ang puso niya kay Sion. At dahil doon ay namuhay siya sa sarili niyang mundong malayo sa akin. Sana ay mapatawad ako ni Sion balang-araw. Sana ay mapatawad ako ni Agustin saanman siya naroon ngayon. Nagawa ko lamang ang lahat ng iyon dahil sa pagmamahal ko kay Agustin.

Itiniklop niya ang kuwaderno. Dapat ba siyang kabahan? Paano niya sasabihin sa kanyang anak na huwag nang isuot ang traje na iyon? Hindi na niya iyon dapat dinala sa Maynila ngunit nang una niya iyong makita ay labis siyang humanga roon. It was the most beautiful wedding dress he had ever seen. Naisip niyang hindi patas na hindi iyon maipamana kay Charo. Naipagkatiwala na niya ang traje dito bago niya natuklasan ang kuwaderno ni Celestina.

Dapat ba akong mag-alala? Hindi siguro. Nagiging mapamahiin na ako, tulad ni Celestina. Siguro dahil matanda na ako. Mapait siyang ngumiti. Matanda na at malapit nang mamatay. Diyos ko, alam kong hindi ako nakikipag-usap sa Inyo nang madalas dahil nahihiya ako sa Inyo sa dami ng pagkakamali ko sa buhay pero hihiling ako ng isang bagay lang ngayon. Kayo na po ang bahala kay Charo. Siya po ang dahilan kung bakit ako nagbagong-buhay. She deserves only the best in life. Touch Iñigo's heart, make him take care of her. Please, give me this last wish, God. After all, I'm going to die soon...

Ibinalik na niya angkuwaderno sa vault. Kapag pumanaw na siya ay matutuklasan ni Charo ang lahat.Wala na siya sa panahong iyon sa mundo at hindi na niya masasaksihan kung anoang magiging reaksiyon nito. Sapagkat kung sakaling magagalit ito sa kanyangpaglilihim ay hindi niya kakayanin. Mahal na mahal niya ito, higit pa sakanyang buhay.

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now