Chapter 7

9.9K 337 7
                                    

Napabuga siya. Kahit paano ay dapat marahil siyang matuwa na hindi pangit ang lalaki. Ang mahalaga ay presentable ito, matalino, at higit sa lahat ay pinagkakatiwalaan ng kanyang ama. Ang tanging obligasyon lang naman nito sa kanya ay ang asikasuhin ang kompanya. She would perform her duties as his wife---small talk about how his day was, and the likes. Huwag sana nitong asahang magiging alila siya nito o magiging sunud-sunuran siya rito.

About the sex... well, she guessed that was something she couldn't avoid. Siyempre, pakakasalan na niya ang lalaki at hindi pupuwedeng walang mangyayari sa kanila. He was not grotesque so maybe sex with him would be tolerable. Iyon lang, hindi niya inaasahan na ang una niyang karanasan ay hindi spectacular.

She wanted lovemaking like it was in movies---gentle and sweet but with so much passion. Ah, saka na niya iisipin ang bagay na iyon. At kung sakaling hindi sila sexually compatible ng lalaki ay hindi naman siguro nila iyon madalas na gagawin. Ang sabi nga ng ilang kabarkada niyang lumagay na sa tahimik, ang pagniniig daw ng mag-asawa ay hindi kasing-tulad ng pagniniig ng magnobyo kung saan mainit ang bawat tagpo sapagkat iyon ay maituturing pang bawal. Kapag daw mag-asawa na ay hindi na rin ganoon kadalas ang pagniniig.

"I need to talk with Julie," sambit niya. Tinawagan niya ang kanyang ama na matigas an gulo at ayaw paawat magtungo sa opisina. Nagpaalam siya ritong makikipagkita kay Julie. Sa kanyang pagkabigla ay nasa Malaysia pala ito. "Daddy, you bad man! Alam mong nagbilin ako sa 'yong 'wag ka na munang mag-travel. Mapapagod ka ng husto."

Halos mapaiyak siya sa frustration. Hindi man lamang ito nagpalipas ng oras at kahit katatapos lang ng chemo session nito at hinang-hina pa halos ay nasa ibang bansa na.

Tumawa ito. "I have to close this deal, hija. I have to move fast."

"Stop talking that way, Daddy."

"All right, all right. Don't worry, I will be home later."

"No. I want you to stay there for a while. Mag-uuwian ka sa lagay mo? Please, Daddy, I'm begging you."

"All right, all right, you don't have to beg. You take care."

Nang mawala ito sa linya ay agad niyang tinawagan ang private nurse nitong pilit niyang kinuha para sumama rito saanman ito magtungo. Gusto sana niyang siya ang maging nurse nito ngunit ayaw nito. Siya raw ang aalalahanin nito madalas kaya pumayag ito sa isang nurse. Nagbilin siya sa babaeng huwag papayagang umuwi ang Daddy niya hangga't hindi nito nasisigurong maayos ang lagay nito.

"And please, Nurse Gina, inform me when something like this happens again!"

Napabuga siya, medyo mainit ang ulo, hindi alam ang gagawin sa kanyang amang matigas ang ulo. Lumakad na siya. Kinatagpo niya ang kaibigan sa isang coffee shop at matapos nilang iplano ang party nito ay nagyaya siya sa isang French restaurant. Tahimik doon at kakaunti ang kumakain. It was her favorite quiet place. Doon niya balak sabihin dito ang sitwasyon.

"Kanina ko pa napapansin na hindi ka upbeat. What's eating you?" anang babae.

Balak na niyang sabihin dito ang totoo ngunit naalala niya ang habilin sa kanya ng kanyang amang huwag na huwag sasabihin sa ibang tao ang tungkol sa sitwasyon nito. Ang idinahilan nito sa ibang tao kung bakit may nurse ito ay dahil makulit siya at mataas ang presyon nito. Ayaw nitong malaman ng iba ang tungkol sa totoong sakit nito. Ang sabi nito, "It would give hope to vultures, hija. Let me surprise them when I die suddenly. Ayokong nagpaplano sila hindi pa man ako namamatay. Ayoko ring biglang dumami ang nagtatangkang paikutin ang ulo ko. I don't want anyone to know how weak I've become."

Hay, ang ama niya. Talagang parang tanggap na nito ang magiging kamatayan nito, isang bagay na ayaw niyang tanggapin. Ayaw niya itong sumuko.

"I'm just feeling so down. And... I might get married soon." Napatulala ito sa kanya, naiwang nakasubo ang dinner roll sa bibig. "I know it's shocking. It's an arranged marriage."

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now