Tumawa ang ama ni Charo sa sinabi ng dalaga. "You think so, hija?"
"I know it. Besides, you don't have grandchildren yet. You're going to live to see them all get married," ani Charo bagaman ibig nang mapaluha sa panghihinang nakikita sa mga mata nito.
"If in case that doesn't happen, we need to have a backup plan, don't we?"
Bigla siyang napahagulgol. "Don't talk like that, Daddy, I'm begging you."
Natahimik ito, hinagod ang kanyang likod. Malayung-malayo ito sa naisip niyang magiging takbo ng usapan nila. Kanina, ang tanging iniisip niya ay magkakaroon na siya ng private plane na papadisenyuhan niya sa isang stylist---maybe the walls would be hand painted by an artist, Chateau Petreuse would fill the bar. Ngunit ngayon ay wala na siyang pakialam sa private jet na iyon. To hell with that jet. She can fly commercial all her life, if it meant the life of her father. Pero hindi ganoon kasimple ang lahat.
"I have to. Sa tagal ng panahon na alam kong may sakit ako ay hindi ko sinabi sa 'yo dahil ayaw kong mag-alala ka. Siguro malaking pagkakamali. Four years ago the doctors told me I was cancer free but three months ago I had a recurrence. At my age, hija, my chances are quite slim."
"D-Daddy..."
"I was in Singapore for my chemo. That was two weeks ago. Nanghihina pa ako. Pero hindi ako matahimik. Naiisip ko, paano kung wala na ako. Paano ka? Lahat ng ito at para sa 'yo pero masyadong malaki ang negosyo at hindi ko alam kung paano ituturo sa 'yo ang lahat. Hindi ko rin alam kung gusto mo. It's a dog eat dog world out there, hija, at sa tagal ng panahon ay iniwas din kita sa mundong 'yon dahil ayaw kong tumanda ka agad. As a matter of fact, I want you to be forever my baby. So here's out little dilemma. What shall we do?"
"Daddy, you can't possibly expect me to learn how to manage the company while you're sick? I don't care about that company if I cannot take care of you personally."
"I spent years building that company for you."
"I know."
Matagal itong natahimik, tila nauwi sa malalim na pag-iisip. Nakayakap lamang siya rito, lumuluha pa rin. Ngayon siya nagsisisi kung bakit hindi niya pinag-aralan ang kompanya. Marahil dahil kailanman ay hindi siya pinilit ng kanyang ama. Marahil totoo ang sinabi nitong inilalayo siya nito roon dahil na rin sa ayaw nitong maranasan ang stress na naranasan nito.
"Kapag iniwan kitang ganyan, mawawala sa 'yo ang kompanya. There are vultures who are only waiting for my last breath to take over," sambit nito mayamaya.
"I will do my best, Daddy. Ayokong ma-stress ka sa pag-iisip ng mga ganyang bagay. Hindi puwede sa 'yo ang ma-stress sa panahong ito."
"I need to find someone to fill my place, that's the only solution I thought of."
"Daddy, please---"
"Listen to me. I have found you a husband. He will take good care of you and the company when I'm gone."
Natulala siya. Tama ba ang naririnig niya? Hindi naman kaya nasobrahan sa kemikal ang katawan ng kanyang ama kaya't kung anu-ano na ang sinasabi nito? Ihinanap siya nito ng asawa? At sino naman ang lalaking iyon?
"Don't look surprised. I have been thinking about this for some time. You need a man who is willing to take care of you and can take care of the business as well. Isang lalaking walang kamag-anak na aapi sa 'yo o magsasamantala... isang lalaking kaya kang disiplinahin."
"Daddy." Napabuga siya.
"It's true. Iyon lang ang hindi ko kayang gawin sa 'yo. Not that you need it though. Ang gusto ko lang ay isang lalaking hindi mo papagulungin sa palad mo."
Nakagat niya ang labi, bagaman nababalisa pa rin sa tinutumbok ng kanyang ama. Nakakita na ba itong talaga ng ganoon klaseng lalaki? At kailan nito balak na pakasalan niya ang lalaking iyon?
"Who's the lucky man?" aniya.
"A trusted employee."
"Ano ba itong pinag-uusapan natin? Daddy, this is ridiculous."
"For a dying father, it is not." Napipilan siya. Nagpatuloy ito. "The man I'm talking about is Iñigo Valdez. I just promoted him to vice president for finance. Very talented accountant and lawyer."
"Nakita ko na ba siya, Dad?"
"Since you don't go to our office, then no, you haven't met him yet. He was here last year for the company's anniversary but you flew to Paris during that time. Taga-Cebu siya, hija. He used to manage our Visayas-Mindanao operations until his promotion two months ago."
"He lived in the province?" Malapit na siyang mapangiwi. Madalas na hindi niya nasasakyan ang gusto ng mga taong lumaki sa probinsiya. Ni hindi siya nag-e-enjoy na mag-beach. Siya ang tipo ng taong mas enjoy sa urban surroundings at hindi mabubuhay kung hindi siya sa siyudad nakatira.
"Cebu is a very progressive city."
"Still."
"Give him a chance, hija."
"At ano ang sinabi ninyo sa kanya para pumayag siya? What kind of a man would say yes to marrying someone he doesn't even know yet?"
"A man with ambition. Someone who doesn't get emotionally affected easily. Someone like me."
Napatingin siya rito at naunawaan niya agad ang ibig nitong sabihin. Napangiti siyang bigla. Isang matatag na lalaking mayroong mataas na pangarap ang nakita ng kanyang ama para sa kanya. Isang tulad nito. Kung ganoon ay mapapanatag na siya kahit paano. Sapagkat totoo rin ang lahat ng sinabi ng kanyang ama na wala siyang alam sa negosyo at duda siyang matututo siyang tulad nito. Wala roon ang kanyang interes. Ang totoo, ang interes niya ay nasa traveling at photography. Simple lang ang ambisyon niya sa buhay at iyon ay maglabas ng mga coffee table books tungkol sa iba't ibang kultura ng iba't ibang bansa. Masyadong malayo iyon sa line of business nila.
"He will take care of me?" nasambit niya.
"He will. He has to. He gave me his word. And I believe in his word. I believe he is a man of honor. Matagal ko na siyang inoobserbahan at naniniwala akong siya ang taong para sa 'yo. Everyone else pales in comparison."
Bigla tuloy siyang nasabik na makilala ang lalaki. Kung ganito kalaki ang tiwala ng kanyang ama rito, ano ang magiging dahilan para magduda siya sa katauhan nito? Her father was a genius. Her father would never put her in harm's way. Isa pa, paano niya ito tatanggihan ngayon at bibigyan ng karagdagang isipin? Lahat ng gusto nito ay handa siyang gawin ngayon, lalo na at nagi-guilty siya na sa kabila ng karamdaman nito ay siya pa rin ang iniisip nito. If marrying that Iñigo Valdez would give her father peace of mind, she will willingly oblige.
"I would like to meet him, Daddy. I'm surprised you did not pick Alejo," tukoy niya sa anak ng kumpare ng kanyang ama, si Don Bolivar.
"Bolivar is a friend but I don't want him to be family," saad nito.
She suddenly became uncomfortable. Mayroon siyang hindi sinasabi sa kanyang ama at iyon ang mga bulung-bulungang narinig niya---na si Don Bolivar daw ay gun runner at dealer ng stolen goods sa Asia. Kaalyansa raw ito ng Triad. Ang bulung-bulungan pa, dati lamang daw tauhan ng kanyang ama ito. Of course, she did not believe but...
"D-Dad? I know you're a good person but there are rumors about you and Don Bolivar."
"I know. Hindi ko alam sa panig niya pero wala tayong ilegal na negosyo, hija." Ngumiti ito, hinaplos ang kanyang ulo. "Now you understand why I don't want to make Bolivar family?"
Tumango siya. "H-hindi mo siya tauhan noon? I h-heard you're Manila's Kingpin before. Is that true?"
"Of course not, hija. I'm offended you would think I am. Nagkataon lang na naging kaibigan ko si Bolivar at dahil mabilis tayong nakarating sa itaas, iniisip ng tao na may ilegal na dahilan. People do not believe in luck, hija. I do. You are my lucky charm."
"Oh, Daddy!" Niyakap niya ito. Bakit nga ba siya maniniwala sa mga sabi-sabi? Her father was a good person and she knew that for sure. Ngayon, ang iisipin na lamang niya ay ang nalalapit niyang pagpapakasal. God, she just hoped that Iñigo was reasonably goodlooking at least!