Chapter 21

8.7K 312 16
                                    


"I HAVE transferred the money to your account, Attorney Tanjuanco. Everything is done. I am very grateful for your help," ani Iñigo sa abogadong pinagkakatiwalaan ni Genaro. Kung bakit mayroong galit siyang nadarama rito kahit dapat na magpasalamat siya sa tulong nito sa kanya na ang kapalit ay malaking halaga?

Marahil, sadyang hindi siya natutuwa sa mga taong nagkakamal ng malaking salapi sa maling paraan. Ang kinailangan lamang gawin nito ay ang kausapin si Charo upang pirmahan ng babae ang ilang mga dokumento. Ang iba pang mga dokumento na sumunod doon ay kusa na nitong pinirmahan nang wala tanong sa kanya o sa abogadong ito.

Ang kompanyang ilang taong pinalaki ni Genaro ay nasa kanya na. Nagtira lamang siya ng dalawang porsiyentong shares sa mag-ama, sapat upang mabuhay ang mga ito nang maayos. Hindi iyon ang una niyang plano, ngunit sa huli ay hindi pala niya kayang kunin ang lahat at iwan si Charo nang walang-wala.

Ayaw niyang pakaisipin maigi ang bagay na iyon. Kailangang mangyari ang lahat sa ganoong paraan. Maganda ang tiyempo sapagkat balita niyang pauwi na si Genaro sa susunod na linggo. Ibig nitong makita ang statistics ng kompanya. Pinaghandaan niya ang paghaharap nilang iyon sa loob ng mahabang panahon.

"I'm glad to have been of service to you," anito, tumalikod na.

Nauunawaan niyang ang pagtitiwala ay isang bagay na mahirap makuha sa mundong ito. Si Attorney Tanjuanco ang isa sa mga magpapatunay noon. Dalawang dekada na itong abogado ni Genaro ngunit madali niya itong nakumbinseng tulungan siya sa kanyang mga plano. Malaki ang halagang hiningi nito, ngunit maliit iyon kumpara sa nakuha niya.

Kinuha niya ang susi ng kanyang kotse at lumakad na rin. Tumuloy siya sa paliparan, naroon na ang private jet na naghatid sa kanya sa Cebu. Naroon ang labi ng kanyang ama.

Tatay, kumusta? Matagal akong hindi nakabisita sa inyo. Tatay, nagawa ko na ang plano. Hindi eksaktong pangil sa pangil dahil hindi kaya ng anak ninyong pumatay pero malaking bagay ito, Tatay. Nakuha ko sa kanya ang mga bagay na mahalaga sa kanya...

Ang magandang mukha ni Charo ay lumarawan sa kanyang isip sa mga sandaling iyon. Mariing ipinikit niya ang mga mata, pilis pinalis ang larawang iyon na tila nanunudyong patuloy siyang inabala. Inalis niya ang mga tuyong dahon sa ibabaw ng nitso ng kanyang ama.

Matatahimik na po tayo ngayon. Matatahimik na tayo, Tatay...

Tumalikod na siya roon at saglit na nagdalawang-isip kung daraanan ang kanyang tiyahin. Sa huli ay nagtungo na sa paliparan. Saka na niya dadalawin ang matanda, kapag maayos na ang lahat. Mapagbibigyan na niya ang hiling nitong magbakasyon siya sa farm nito.

Wala itong alam sa ginagawa niya. Hindi na nito dapat pang malaman. Mag-aalala lamang ito kapag nalaman nito. Ang alam lang nito ay namamasukan siya sa Apex na hindi nito alam na pag-aari ni Genaro. Hindi ito matanong sa mga teknikal na detalye at masaya na farm na kanyang binili para rito ilang taon na ang nakakaraan. Alam niyang iniisip nitong kinalimutan na niya ang nakaraan. Sinabi niya iyon dito nang matahimik ang kalooban nito.

Mahal na mahal niya ito, ang siyang naging ina niya noon at ama't ina nang pumanaw ang kanyang ama. Sa pagkikita nilang muli ay tahimik na rin ang kalooban niya, wala na ang nagngangalit na galit para sa nagnakaw ng mga pangarap nilang mag-ama. He would finally enjoy the fresh air, the peacefulness of the farm, simple things in life. Free, finally.

Ngunit sa ngayon ay hindi pa. Puno ng sari-saring emosyon ang kanyang puso habang sakay ng eroplano. Maraming isipin ang bumabagabag sa kanya. Hindi niya naisip na magiging ganito kabigat dalhin ang lahat at pilit na lamang niyang sinasabi sa sarili na ganoon talaga.

It is done. It is done... No turning back. It is done, paulit-ulit niyang naisaisip.

Nang lumapag ang eroplano ay umuwi na siya sa tahanan nila ni Charo. Iiwan niya ang tahanang iyon sa mag-ama, kasama ang bahay ng ama nito. Kung ibebenta ng mga ito ang bahay ay napakalaking halaga pa rin ng makukuha ng mga ito. Charo would still be able to buy all the luxurious things she was used to. Marahil hindi na nito magagawang manatili sa presidential suite ng seven-star hotel sa loob ng ilang buwan, o marahil magdadalawang-isip ito bago i-max out ang mga platinum credit card nito, at hindi na rin nito magagamit ang pribadong eroplano ng mga kompanya na nasa kanya na ngayon, ngunit kung isang maginhawang buhay ay magkakaroon pa rin ito.

It was his gift to her. After all, she could have been a great wife.

Sinalubong siya ng babae pagpasok niya sa bahay. Nakangiti ito sa kanya. "Great news, hon. Pupunta ako sa Singapore next week, kasama akong susundo kay Daddy. Do you want to come?"

"My schedule is full for next week."

"Okay lang. Ako na lang. I'm excited to see Dad again."

Sa mga pagkakataong nakikita niya sa mga mata nito ang pagmamahal sa kinilala nitong ama ay hindi niya alam kung ano ang madarama kay Genaro---kahit paano ay tuwa na inalagaan nito ang isang batang hindi nito tunay na anak, o galit sapagkat kahit alam nitong mawawalan siya ng ama ay pinaslang pa rin nito ang tatay niya. Ang perang iniwan ni Genaro kapalit ng buhay ng kanyang ama ay nakatulong ngunit hindi naging sapat, lalo na at nagastos ang karamihan doon sa pagpapagamot kay Teresa na nagkasakit ng malubha. Kung hindi dahil sa tiyahin niya ay hindi sana siya nakapag-aral. Hindi mayaman ang tiyahin niya kaya't hirap din sila noon sa buhay.

Sa bawat gabing natulog siyang gutom, sa bawat umagang pumasok sa eskuwelang kumakalam ang tiyan, sa bawat pagkakataong naglalakad lang siya patungo sa eskuwela dahil wala siyang pamasahe, tumitindi ang galit niya kay Genaro. Higit sa lahat, sa bawat bangungot niya ng mga alaala ng kahapon ay nagngangalit ang pag-asam sa puso niyang marating ang kinalalagyan niya ngayon.

"Is he well?"

"He said so."

"Great." I need for him to be well and endure what I have done to him for the rest of his days. I bet he never saw this one coming.

"I cooked your favorite meal!"

Napangiti siya. Nagpatianod siya sa gusto nito. Hinila siya nito patungo sa kusina, hindi na nawala ang magandang ngiti sa mga labi nito. Proud na proud ito sa roast beef sa hapag. Ngunit hindi siya interesado sa roast beef kundi dito. He pulled her near at touched her face.

He knew she deserved his generosity. Hindi niya pagsisisihan na nag-iwan siya ng para rito, kahit kasama sa benepisyo niyon si Genaro. She was probably her father's lucky charm. Hindi nito alam na isa itong ampon at nakita niya naman na itinuring ito ni Genaro bilang totoong anak nito. Wala na siyang karapatang makialam sa aspetong iyon ng buhay ng dalawa. Hindi iyon kasama sa pakay niya. Charo seemed happy not knowing. Wala itong kasalanan sa lahat ng nangyari at naging generous siya rito.

"You're so sweet. You deserve a kiss." Hinagkan nito ang kanyang mga labi.

Marahil magiging mahirap sa kanya ang paglalayo nila dahil nanatiling mataas ang pisikal na atraksiyon niya sa babae. Ngunit naniniwala siyang lilipas din ang lahat ng iyon. Kumain sila ng hapunan at matapos ay nagtuloy siya sa library. Mayroong vault doon at mula roon ay kinuha niya ang isang set ng alahas. Nagtuloy siya sa silid nilang mag-asawa.

"I have a gift for you, honey."

"What is it?" Ngiting-ngiti ito. Ibinigay niya rito ang alahas. "Put them on me."

Agad siyang tumalima. Hinagkan niya ang batok nito nang maikabit na ang kuwintas. Siniil niya ng halik ang mga labi nito. And then he made love with her. Batid niya, sa mga darating na araw ay hindi na niya ito muling makakapiling sa ganoong paraan.

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now