Chapter 38

14.2K 432 19
                                    


HINDI ALAM ni Charo kung hanggang kailan niya matitiis si Iñigo. Salamat at natapos na ang hapunan dahil hindi na niya matiis ang pag-akto nito ng sweet sa kanya sa harap ng kanyang ama. Nagtuloy na siya agad sa kanyang silid, matapos matiyak na maayos ang kalagayan ng kanyang ama.

Hindi naman siya makatulog at mayamaya ay nagpasya siyang magtungo sa hardin. Nagtirik siya ng kandila sa lugar lung saan natagpuan ang labi ng kanyang ina. Mayroong lungkot sa puso niya sa sinapit nito, bagaman hindi naging malinaw kung ano iyon eksakto.

Ang bahay na iyon ay puno ng kasaysayan at multo ng nakalipas. Maging siya ay hindi nakaligtas sa multo ng nakaraan. At marahil lahat ng taong naroon ngayon ay binabalikan ng nakaraan.

"Can't sleep either, huh?" Naipikit niya ang mga mata nang marinig ang tinig ni Iñigo. "I can keep you company."

"Hindi ko kailangan. Kailan ka ba aalis?"

"Hindi ako aalis."

Sarkastiko siyang tumawa. "Makikipisan ka sa amin?"

"If that's what it takes to have you back, then yes."

Pumihit siya. "Bakit ginagawa mo ito?"

"Dahil mahal kita."

Ang anumang sasabihin niya ay naipit sa kanyang lalamunan. Hindi dahil sa sinabi nito, bagaman malaking bagay iyon, kundi dahil sa mga mata nito. Punung-puno ng sinseridad ang mga matang iyon ngunit naalala niyang ilang ulit na siyang nagkamali ng basa rito.

"K-kasama ba ito sa plano mo?"

"Na mahalin kita? Hindi. Hindi ko inasahan at ayaw kong tanggapin noong una dahil parang mababale-wala ang pinaghirapan ko at dinala sa puso ko halos buong buhay ko. Pero minahal kita nang hindi sinasadya. Wala na akong ibang plano ngayon kundi makasama ka; humingi ng tawad sa 'yo; at kung sakaling hindi mo pa agad ako mapatawad, plano kong humingi ng tawad buong buhay ko kung kinakailangan."

"H-hindi mo na gustong gantihan kami?"

"Para saan?"

"Hindi ka naniniwala sa sinabi ko sa 'yo."

"Naniwala ako, pero hindi ko agad natanggap. Mahirap tanggapin na ang ilang taong pinaghandaan mo ay nauwi pala sa wala at naging kapalit ng malaking pagkakamali sa mga taong inosente. Well, maybe not that innocent, but innocent still. Naaalala ko ang gabing 'yon, hindi ko malilimutan. Naaalala kong may putok ng baril sa labas ng kubo. May nakita akong dugo doon. I thought nothing of it, until you told me what happened.

"Wala na si Tiyong para kumpirmahin ang perang pinadala ng dadddy mo sa kanya noon pero buhay pa ang asawa niya na may sarili na ring pamilya at sinabi niyang totoo raw 'yon. Si Tatay daw ang nagsabi kay Tiyong na itago na lang ang perang 'yon.

"It was a struggle when I found out the truth. Ni hindi ko naipamukha sa taong gumawa noon sa Tatay na buhay ako sa kabila ng lahat pero nagising ako isang umaga na magaan na ang loob. There was no more desire in my heart to get even with his family. I guess I have no more energy for that. And what for, really? He's dead. Ang dahilan na lang kung bakit nagagalit ako sa anak niya ay ikaw. Ilang gabi akong hindi nakatulog sa pagtatanong sa sarili ko kung bakit pinabayaan kitang mapunta sa iba. Paano ko nakumbinse ang sarili kong hiwalayan ka nang hindi ko nauunawaang ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko? How could I have been so terribly stupid?"

Sumigok siya sa pagpipigil ng mga luha ngunit hindi na niya napigil ang mga iyon. "M-maybe it was easier for you because you have Courtney."

"Nagseselos ka sa kanya."

"No. Of course not. After all, I'm supposed to be the third party and not the other way around."

Lumapit ito sa kanya ay ginagap ang mga palad niya. Hinaplos nito ang kanyang pisngi. "May panahong naisip ko talaga na siya ang bagay sa akin. Hindi siya nagrereklamo sa kahit na anong set-up, naiintindihan niya ako. Pero kahit kailan hindi ko siya minahal. Hindi ko alam kung minahal niya ako o ego lang niya ang dahilan kaya hindi niya matanggap noong sinabi ko sa kanyang hindi ko na puwedeng ipagpatuloy ang relasyon namin. Nagpunta siya sa Cebu noong nalaman niyang nandoon ako. Nakita mo siya doon. We were already broken up then."

"Then why did she come?"

"Dahil ayaw niyang tapusin ang lahat. My fault, really. Noong magpakasal tayo, ang sabi niya hihintayin niya ako at hindi ako tumutol. How was I to know I would fall for you?"

"That's what wrong with you. Underestimate my gorgeousness," sambit niya, natatawa kahit patuloy ang pag-agos ng luha.

Niyakap siya nito. "Believe it or not, I have been faithful to you... The big guy down my pants doesn't want anyone else." Tinampal niya ito dibdib. Humigpit ang yakap nito sa kanya. "I've missed you so much, hon. So much."

Mahigpit ang naging pagtugon niya sa yakap nito. "And I missed you too."

"Why did you lie about Alejo?"

"Hindi lang ikaw ang ma-pride. Isa pa, anong malay kong magseselos ka nang husto?"

Umalog ang mga balikat nito. "Naughty girl."

Iginiya siya nito tungo sa isang upuan at doon ay nag-usap sila. Usap na totoo. Marami itong rebelasyon tungkol sa damdamin nito, tungkol sa sarili nito, tungkol sa mga plano nito sa hinaharap.

"I realized I never had the chance to court you properly. I would do that. I would enjoy doing that."

Napahagikgik siya, humilig sa dibdib nito. "Really?"

"Uh-huh. Would you play hard to get?"

"I am hard to get! Sa 'yo lang naman hindi!"

Ang lakas ng tawa nito. "Honey, I'm sorry for not being there when you need me. I will be here now, every time you need me. Every time."

Hinaplos niya ang pisngi nito. Batid niya, totoo ang pangakong iyon. "Nagtuturuan pa kayo ni Daddy ngayon kung paano ako liligawan?"

"Yeah. The old man taught me a trick or two. I guess I've always liked him. Kaya noong panahong nagkasira kami, ang bigat sa dibdib. But he has forgiven me. And from now on, we'll create a new life. I promise you, it will be filled with joy."

"And I'll hold you to that promise."

Siniil nito ng halik ang kanyang mga labi. Patuloy silang nagkuwentuhan hanggang sa sumilay na ang liwanag sa kalangitan. Wala siyang anumang pagod na nadarama habang nakaulo ito sa kanyang kandungan.

"We'll get married again."

"But I will use another wedding dress."

"Why? I loved the old one."

"Hindi ako naniniwala sa sumpa pero mabuti nang sigurado." Ikinuwento niya rito ang tungkol sa isinumpang traje de boda.

"Let's not take any chances then," sambit nito, hinagkan ang kamay niyang nakapatong sa dibdib nito.

She was falling in love with him again. And she guessed forever she would over and over again.

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now