Chapter 16

8.3K 298 2
                                    

"Daddy, you look good," wika ni Charo sa ama. Nang nagdaang araw lamang niya ito nakita at ngayong araw na ito at para bang masaya ito at mababakas iyon sa mga mata nito. Sana ay parating ganoon ang disposisyon ng matanda nang sa gayon ay makatulong sa paggaling nito.

"Thank you, hija. Come here, Iñigo." Agad tumalima ang lalaki. Isang leather envelope ang inabot nito sa lalaki. "Consider this my wedding gift to the two of you."

Binuksan iyon ng lalaki at inilabas ang laman. Titulo iyon ng isang property na malapit lamang sa kanilang bahay.

"Dad?" aniya.

"I hope you don't mind, hijo, na ako na ang humanap ng matitirhan ninyo. Ayoko sanang mapalayo sa akin ang unica hija ko. At the same time, I know the two of you would want to be alone together."

Napuno ng kaligahan ang puso niya. Actually, gusto niyang isuhestiyon kay Iñigo na doon na lamang sila sa bahay nila tumuloy kapag naikasal nila sapagkat ibig niyang alagaan ang kanyang ama, ngunit parang wala sa personalidad ng lalaki ang pipisan sa biyenan nito kaya hindi pa niya sinasabi iyon. Ngayon, sa regalo sa kanila ng kanyang ama ay nalutas ang kanyang problema.

"I don't know what to say, Sir," anang lalaki.

"From now on, you call me 'Dad.'"

"Thank you, Dad."

Nakangiting tumango ang matanda. Hindi raw sila nito masasamahan sa bahay ngunit ibig daw nitong tingnan nila iyon. Pagbalik daw nila sa bahay ay mayroon nang hapunan na maghihintay sa kanila. Niyakap niya ito, naluluha na naman. Napakabait talaga nito, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Nagpaalam na sila rito.

Limang minuto lang at narating na nila ang property. Ni hindi niya alam na for sale pala ang bahay na iyon. Kasing-laki iyon ng bahay nilang mag-ama ngunit mas moderno ang arkitektura sa labas at loob ng bahay. Fully-furnished na iyon at tiyak niyang ang kinuha nitong interior designer ay ang nag-design ng kanyang silid sapagkat kung ano ang gusto niyang design ng bahay na nabanggit niya tanging sa designer na iyon lamang ang siyang disenyo ng kanilang bahay.

"It's my dream house!" aniya. "I'm almost sure Daddy hired my interior designer. This is exactly the house I described to her. I bet she didn't call me about it because Dad wanted this to be a surprise. I just love him so much! We're staying here after the wedding, yes?"

Tumango ito. Nakangiting nagtungo siya sa kusina. Iyon mismo ang nai-imagine niyang magiging kusina niya, kung saan niya ipagbe-bake ang kanyang asawa at mga anak. Pinuno niya ng hangin ang dibdib, nalulunod sa kasiyahan. Kasabay niyon ay umusbong sa puso niya ang malaking pag-asa para sa kanyang ama. Malapit na ang kanilang kasal ni Iñigo at pagkatapos noon ay makakapag-relax na ang kanyang ama. Maiksi lang ang honeymoon nila ni Iñigo. Marami pa namang oras para roon, hindi lang tamang lumayo sila ngayon nang matagal dahil sa karamdaman ng kanyang ama.

There was going to be a honeymoon. Napag-isipan na niya iyon at napagpasyahan niyang kalimutan na ang kanyang mga planong papiliin si Iñigo. Gayunman ay kailangan niya itong makausap tungkol sa bagay na iyon. Ngayon marahil ang perpektong tiyempo.

"Iñigo, can I ask you a question? Do you plan to be faithful to me when we're married?"

"Of course." Kumunot ang noo nito. "Bakit naitanong mo yatang bigla? 'Wag mong sabihing iniisip mong hindi ako magiging faithful sa 'yo?"

Biglang nag-init ang kanyang mukha. "Well, given the situation, can you blame me for thinking it? Gusto ko lang sanang malaman kung anong score sa inyo ni Courtney. I don't want to be blinsided."

"You know her name, huh? What else do you know, my dear?" Tumawa ito, nilapitan siya at kinabig sa baywang. "You are very paranoid, honey." Pinadaan nito ang daliri mula sa itaas ng kanyang ilong hanggang sa tungki niyon. "I understand why you doubt me but rest assured I will be faithful to you. Courtney was just my way of passing time. Was. Because I'm getting married to a very beautiful woman and it wouldn't be right to continue seeing her."

Lumabi siya. "Are you sure, Iñigo?"

Tumango ito saka siya siniil ng halik sa labi. Itinaas siya nito, nakahawak sa kanyang mga baywang, at iniupo sa countertop. Ipinatong niya ang mga braso sa balikat nito. Naging mainit ang paghalik nito sa kanya at agad na nag-init ang kanyang pakiramdam. This man knew all the right buttons to press. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalimot ay lumayo ito sa kanya.

"Let's make our honeymoon even more exciting, hmmm?"

Tumango siya, lalo nang nasabik sa honeymoon nilang tiyak niyang hindi niya malilimutan.

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now