"You can go to court."
Muntikan nang mabulyawan ni Charo si Alejo. Sa loob ng tatlong buwan niyang paghihintay sa sagot nito sa tanong niya kung paano mapapabagsak si Iñigo ay iyon ang sasabihin nito sa kanya? Parang ang sarap pilipitin ng guwapo nitong leeg. Oo, guwapo ito mula ulo hanggang paa, hanggang hibla ng buhok nito. Ngunit sa sandaling iyon, gusto niya itong sipain patungo sa Pacific Ocean.
"Alejo, I came to you for one reason alone---I thought you can help me because no clean man can, if you understand my drift." Naninigas ang panga niya sa inis. Nagmamadali siya at iyon ang tugon nito. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at nangyayari. Sa katunayan ay nagsimula na ang hearing ng annulment nila ni Iñigo. In three to five months, she would be single again, she was sure.
Tumawa ito. "No clean man can? Is that why you have that thing wrapped around your face? The big sunglasses to cover your face?"
Napabuga siya. "These are just props, in case someone is following me. I don't usually do this, you know."
"Meet with an unclean man?" anito, nakangiti, mukhang hindi na-offend sa sinasabi niya. "It's a curse, being my father's son. I understand."
"Look, I don't think you are unclean. It's just an assumption. Wala akong ibang kilala, eh. Amateur ako sa ganitong sistema, alam mo 'yan. I guess everything's my fault for assuming you can help me, for thinking the rumors might be true. Sa Papa mo ako sana lalapit pero hindi kami close. At least the two of us see each other in parties and in Territorio de los Hombres." Napabuga siya, suko na. Mukhang walang maitutulong ang isang ito. Sana ay hindi siya naghintay ng tatlong buwan sa sagot nito. "How's your father? How's your stepmother?"
"My father is okay, so is my stepmother."
"Look, I don't want to waste anymore of your time so I better leave."
"Or you can look at some files." Tinawag nito ang bodyguard na nag-abot dito ng isang briefcase. Inilabas nito mula roon ang makapal na envelope at inurong patungo sa kanya. Takang napatingin siya rito. Nagkibit ito ng balikat. "You said you needed my help. Here it is. Legit documents. The company Iñigo started three months ago has, of course, four other incorporators. Three of which are dummies, owning only a total of ten percent. It's interesting to know that one incorporator owns forty percent."
"Who?"
Inabot nito sa kanya ang isang profile. "This person. Look familiar?"
"This is his secretary!" bulalas niya.
"A dummy, of course. But forty percent? Something doesn't smell right. Now, don't ask me where I found these documents but here they are. Enjoy." Isa pang envelope ang inilabas nito mula sa briefcase saka tumayo na. "See you in Territorio."
"S-see you. Thanks, Al!"
Kumindat ito sa kanya at tumalikod na. Agad niyang sinamsam ang mga papel at umuwi. Doon niya binusisi ang mga iyon. Mahusay sa paper work si Iñigo sapagkat lumalabas sa ibang dokumentong hindi niya alam kung paano nakuha ni Alejo na may pinirmahan ding kasunduan ang sekretarya nito na ang lahat ng profit ng kompanya sa pangalan nito ay tutungo sa isang kompanya. Patung-patong ang mga dokumento at sa huli, isang tao ang pinapatunguhan ng lahat ng iyon, isang babaeng nagngangalang Maria Leonora Valdez.
Biglang sumasal ang dibdib niya sa pagbuklat ng profile ng babae. At mula roon ay nalaman niyang ito ay tiyahin ni Iñigo at nakatira sa isang farm sa Cebu.
"Liar!" aniya, naibato ang mga papeles sa dingding. Ang sabi nito sa kanya ay ulila na ito! Ang sabi nito ay lumaki ito sa tiyahin nito sapagkat namatay sa panganganak dito ang ina nito at ang ama nito ay pumanaw noong onse anyos ito. Ang tiyahin daw nitong si Tiya Lening ay pumanaw na rin. "Lying scum-sucking son of gun!"
Agad niyang tinawagan si Alejo. "Problem, sweetie?" anito.
"It's his aunt? She's alive?"
"Yes. Why do you sound surprised? Mula simula planado niya ang ginawa niya sa inyo. That's a no brainer, sweetie."
"I know... It's just..." It's just that I thought he loved me even if only for a while... I really am so stupid. "I am so mad, Alejo."
"Don't get mad. Get even. Are you attending Julie's party tonight? I'll be there."
Napatutop niya ang noo. Oo nga pala, ang party ng kaibigan niya. Ni hindi na niya ito natulungan. Victory party iyon dahil sa matagumpay na paglo-launch nito ng modeling agency. Parang wala siyang energy ngunit kailangan niyang pumunta. Magtatampo nang husto ang babae sa kanya.
"I'll see you then."
Pinuntahan niya ang kanyang ama. Kahit paano ay may kulay na ang mga pisngi nito. Madalas na tahimik lang ito at sa pananahimik nito ay lalo siyang nababagabag. Marahil, labis ang disappointment nito sa kanya at hindi niya ito masisisi. Sino ba ang hindi madi-disappoint sa kanya?
"Dad, how are you? I'll attend Julie's party, Dad. Pero maaga akong uuwi."
"Have fun. Don't worry about me."
Hinawakan niya ang palad nito. Hindi pa rin niya alam kung paano babawiin ang kanilang ari-arian mula kay Iñigo ngunit may hinala siyang malaki ang maitutulong ng tiyahin nito. Forty percent ng itinayong kompanya ni Iñigo ang mapupunta sa kanya kung makukuha niya ang shares ng tiyahin nito. Kung paano ay hindi pa niya alam.
Nagkuwentuhan silang mag-ama hanggang sa sumapit ang alas-sais. Naghapunan sila at naghanda na siyang magtungo sa party. Alas-nuebe nang makarating siya roon. Wala na siyang convoy ngayon bagaman dalawa pa rin ang bodyguards niya, isa roon ay siya ring driver.
Matapos batiin si Julie ay nakihalubilo na siya sa mga kaibigan nila. Videoke Night ang theme ng party at hindi na siya nagreklamo. Wala na siyang energy. Mayamaya ay nilapitan siya ni Julie at niyaya sa bar.
"Your ex-husband is here. The nerve!"