Chapter 29

9K 338 6
                                    

"ATTORNEY, have you read it? Is it real?" tanong ni Charo sa abogadong tinawagan niya. Kaninang umaga, tulad ng usapan nila ni Iñigo, ay ibinigay nito sa kanya ang kasulatan na agad niyang ini-scan upang mai-email sa abogado.

"It is real. Congratulations."

"Thank God." Nagpasalamat siya rito at nagpaalam na rin. Muntik na siyang mapatili nang marinig ang tinig ng tiyahin ni Iñigo.

"Hija, kakain na. Ano't namumutla ka?"

"Masama lang po ang pakiramdam ko, Tiyang."

"Baka dahil buntis ka."

"Hindi po pala ako buntis. Kanina po, nagpunta ako sa Bayan, nagpatingin po ako sa doktor. Hindi po ako buntis."

"Kaninong doktor?"

"Kay Doctor Ang po," pagtatahi niya ng kuwento. Hindi siya nagpunta sa doktor, nagpa-scan lang siya ng papeles doon.

"Wala akong kilalang doktor sa bayan na ganyan ang pangalan."

"Baka po bago l-lang siya." Hindi niya magawang salubungin ang tingin nito.

"Hala, sige, kakain na."

Nagtungo na siya sa komedor. Naroon na si Iñigo. Tahimik lang ito. Plano niya ay babalik na siya sa Maynila mamaya. Wala nang dahilan para magtagal pa siya roon. Hindi pa man tapos ang hapunan ay mayroong panauhing dumating. Walang iba kundi si Courtney.

Humalik pa ito sa tiyahin ni Iñigo na mukhang hindi natuwa sa babae. Ngayon ay mayroon na talaga siyang dahilan para umalis doon, dahilang hindi pagdududahan ng tiyahin ng lalaki. Civil naman ang lahat sa hapag at matapos ang tanghalian ay kinausap ni Tiyang Lening si Iñigo. Naiwan sila ni Courtney sa hapag.

"What the hell are you doing here?" tanong ng babae sa kanya.

"Don't worry, I'm leaving today."

"You had better."

"For a concubine you do have some nerve, Courtney."

"Honey, you're the concubine. Hindi mo pa ba nari-realize 'yan?"

"Ang alam ko, ako ang asawa dahil ako ang pinakasalan, hindi ikaw."

"You know the real score. I'm the real thing. O mas gusto mong magpanggap tayo? Did you enjoy the game so much that even when it's over you're still following him around like a puppy?"

"Twenty percent of the company is what I received for coming here." Tumayo na siya. "And by the way, Miss Real Thing, Iñigo and I had mind-blowing sex yesterday. Just so you know."

Nilasap niya ang nabiglang ekspresyon nito saka nagtungo na sa kanyang silid. Nabigla siya nang maabutan doon si Tiyang Lening.

"Tiyang, akala ko kausap ninyo si Iñigo."

"Mamaya pa kami mag-uusap. Inutusan ko siya saglit. Maupo ka, Charo." Kinabahan siya. Ginamit nito ang totoong pangalan niya. Naupo siya sa kama. "Pinakialaman ko ang gamit mo, pasensiya ka na. May duda akong wala ni isa sa mga bisita ng bahay na ito ang magsasabi sa akin ng totoo. Napilitan ako. Charo at hindi Venice ang tunay mong pangalan."

"Venice po ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko."

"Pero Charo ang pangalan mo. Monteverde ang apelyido mo. Kaano-ano mo si Genaro Monteverde?"

Nabigla siyang kilala nito ang kanyang ama. "D-Daddy ko po siya."

"Sa ibang mga ID mo rito, Valdez na ang apelyido mo. Hindi mabilis makakuha ng ganitong ID. Kailangan mo ng certified marriage contract. Alam ko, dahil nagtrabaho ako sa munisipyo. Tatlong buwan ka nang kasal bago makarating ang dokumento mo sa NSO. Gaano katagal na kayong kasal ni Iñigo?"

"N-nine months po."

"Wala siyang balak ipaalam sa akin na pinakasalan niya ang anak ni Genaro at hula ko, maghihiwalay na kayo." Hindi siya nakaimik. "Nagpunta ka rito nang may pakay. Sabihin mo kung ano. 'Wag mo akong lolokohin, anak, dahil tao kitang tinanggap sa bahay ko."

Napaiyak siya. Natetensiyon siya sa matanda kahit maaaring magsinungaling siya rito. "Kinuha po n-niya ang lahat ng ari-arian namin. P-pinapirma po niya ako ng dokumento noon na pinirmahan ko dahil may tiwala ako sa kanya. G-gusto ko pong bawiin kaya ako nagpunta rito. Nalaman ko pong buhay kayo."

"At pinatay na pala ako ng magaling na lalaki."

"A-ayaw lang po niyang malaman ko. Sigurado po ako. Nag-aalala siguro siyang may gawin ako, tulad nito. Sorry po. Sorry po."

Naupo ito sa tabi niya at hinawakan ang kanyang palad. "Naiintindihan kita. At naiintindihan ko rin si Iñigo. Pero noong nagkuwento ka sa akin tungkol sa inyo, para bang mahal mo siya. Mahal mo ba siya?"

"H-hindi po. At hindi na po mahalaga ang sagot." Tumayo siya at ipinasok sa bag ang mga gamit niya. "Nandito na po si Courtney. Nakuha ko na po ang ipinunta ko rito. Magpapaalam na po ako inyo. Pasensiya na po kayo."

"May ibinigay na papeles sa akin si Iñigo noong nakaraan. May mapupunta sa aking dibidente ng kompanya niya. Malaking halaga na mas lalaki pa sa paglaki ng kompanya, ang sabi niya. May hinala akong galing sa inyo ang perang ginamit niya roon. Ibabalik ko sa 'yo, hija."

Bigla siyang napahagulgol. "T-talaga po?"

Tumango ito. "Mali ang ginawa ni Iñigo. Sa kabila ng ginawa ng ama mo sa ama niya, mali ang ginawa niya."

"A-ano po ba ang ginawa ni Daddy?"

"Hindi mo alam?" Umiling siya. Bumuntong-hininga ito. "Nabubuhay pa ba ang ama mo?" Tumango siya. "Puwes wala akong karapatang sabihin sa 'yo kung inilihim niya. Sabihin na lang nating mahirap patawarin ang ginawa niya. At nakita iyong lahat ni Iñigo."

Lahat na yata ng masamang hinala ay pumasok na sa isip niya. Mga hinala na hindi niya matanggap dahil mabait ang kanyang ama.

"Kung mahal mo si Iñigo, siguro nagdesisyon ka na ring kalimutan siya. Tama iyon, anak. Kalimutan mo na siya. Hindi ka niya puwedeng mahalin."

Bigla siyang napahagulgol siya at niyakap siya nito. Hinagod nito ang kanyang likod, saka siya iniwan sa silid. Noon nag-ring ang cellphone niya. Ang kanyang Daddy iyon.

"Hija, where are you?"

"I'm coming home, Dad."

"I will expect you today, hija."

Nang makaempake siya ay tumuloy na siya sa paliparan, ipinahatid siya roon ni Tiyang Lening. Wala pa rin si Iñigo, hindi niya alam kung saan ito nagtungo. Kanina pa siya may ticket dahil plano na rin niyang umuwi sa araw na iyon. Nang makalapag sa NAIA ang eroplano ay umuwi na siya. Agad niyang niyakap ang ama.

"I took back twenty percent of the company, Dad."

"From Iñigo? How did you manage to do that?"

"Hindi na mahalaga, Daddy. I will get more in the coming days. Hindi lahat kaya kong bawiin pero malaking bagay ito, Daddy. Plus, there's more to come."

"At what expense?"

"N-nothing, Dad."

"Why do you defy me? Ang sabi ko sa 'yo, pabayaan mo na si Iñigo. Hindi ka nakinig sa akin."

"D-Dad? Are you mad?"

"Matanda na ako, anak, at meron pa namang natira sa atin. Bakit ayaw mong makinig sa akin?" Bumuntong-hininga ito, nang magsalita ay may mapaklang ngiti sa labi. "Pinaparusahan ako ng langit, Charo. Sa tagal ng panahon, hindi ko sinabi sa 'yo pero lahat ng narinig mo tungkol sa akin ay totoo."

"No, Daddy. Please---"

"It's time you knowthe truth. Hawak ko ang Maynila noong araw. Lahat ng ilegal, lahat ng bawal. Gambling,prostitution, stolen goods, arms... I was the kingpin. Bolivar was one of my men.And Diego---that's Iñigo's father, he was one of my men, too. Malaki angutang-na-loob ko sa kanya. Isang araw nabalitaan kong namatay na siya. Imourned for his death, only to find out he was still alive. Handa niya akongisuplong sa batas. Hindi ko mapayagan dahil nagbabago na ako noon para sa 'yo,anak. Nalaman ko kung saan siya nagtatago..."

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now