Chapter 23

8.4K 317 3
                                    

"WHAT could you have possibly done to his father to make him that mad, Daddy? Kung tauhan mo rin dati ang tatay niya, bakit ganoon na lang siya kagalit?"

Hindi maunawaan ni Charo ang maligoy na paliwanag ng kanyang ama tungkol sa ama ni Iñigo. Ang sabi nito ay namasukan daw sa kanila noon ang ama ng lalaki at nagkaroon daw ng problema sa pagtitiwala nito sa ama ni Iñigo at sa huli ay tinapos nito ang kontrata niyon sa kanila.

"Maybe he just used that as a reason. Maybe all he wanted was to get his hands on our money. Anu't anuman, hija, pabayaan na lang natin siya."

"How could you say that, Daddy?"

"Nakausap ko ang mga abogado. Puwede tayong maghabol sa korte pero dehado tayo. Kung sakali man na makaabot tayo sa korte, baka abutin tayo ng isang dekada. The postnup you signed made it impossible for you to take what's his. Maraming butas ang batas, hija, pero wala na akong lakas makipaglaban. Ayoko ng magulong buhay."

Bigla siyang napahagulgol. "I'm so sorry, Daddy!"

"It's not your fault. It's mine. I never should've trusted him." Pinisil nito ang kanyang palad. "We still have some properties we can sell. You'll still comfortably, hija."

"Hindi ako papayag, Daddy. Ganoon na lang? Niloko niya tayo at okay lang? Wala na tayong mahahabol kahit tayo ang niloko? Daddy, that company is your life. You built that company from scratch. Ilang dekada ang inilaan mo sa kompanya at wala pang isang taon, nakuha na niya lahat. Dad, hindi ko kayang tanggapin."

"I don't have the energy to fight, hija. Forgive me. Para sa akin, ang importante ay ang oras na makakasama pa kita sa mundo."

Mahigpit niya itong niyakap. Nakikita niya iyon dito, ang panghihina nito. Kailangan nitong magpahinga at habang ginagawa nito iyon ay siya ang gagawa ng paraan para mabawi ang ganang sa kanila. Hindi siya makukuntento sa tira-tirang iniwan sa kanila ni Iñigo. Wala itong karapatang nakawin ang pag-aari ng kanyang ama dahil lang minsan sa kasaysayan, pakiramdam nito ay nadehado ang ama nito.

Wala itong karapatang gamitin siya. Wala itong karapatang ipamukha sa kanya na ginamit lang siya nito. At lalong wala itong karapatang ipamukha sa kanya ang katotohanang naging napakadali para ritong lokohin siya.

Napaiyak na naman siya bagaman pinigil na iyon sapagkat tila lalong sumasama ang pakiramdam ng kanyang ama kapag nakikita siyang umiiyak. Gagaling ang kanyang ama ngunit ngayon ay mahina pa ito. Pagkakataon niya para makabawi sa lahat ng kagagahang nagawa niya. Hindi na muna niya aabalahin ang kanyang ama sa mga bagay na iyon.

"You rest now, Daddy, okay?"

"Promise me you won't do anything drastic. This Iñigo business is over. You will get an annulment and move on with your life."

Tumango siya, bagaman labis pa rin ang pagsisisi. I never should've signed that post nup. I never should've...trusted him. I never should've loved him. Ginamit lang niya ako. And for that he's going to pay. I don't know how but I would be damned if I will believe what he thinks of me---that I'm stupid.

Hinagkan niya ang matanda at nagtungo sa kanyang silid. Naroon na sa bahay nilang mag-ama ang iba niyang mga gamit. Ayaw na niyang bumalik sa bahay nila ni Iñigo. Ayaw niyang maalala ang mga oras na masaya sila bilang mag-asawa dahil fake lang pala ang lahat ng iyon, isang palabas. Isang malaki at elaborate na palabas na sa huli ay nagdulot dito ng bilyong pinaghirapan ng kanyang ama.

Mailarawang-diwa pa lamang niya ang marahil naging reaksiyon nito nang walang reklamo o tanong niyang pinirmahan ang mga ihinain nito ay nagngangalit na siya sa galit. She adored him, thought she was the luckiest woman on earth because he was her husband. All the while the bastard was laughing behind her back.

"I'm so very stupid..." sambit niya habang patuloy sa pag-alog ang balikat, humahagulgol sa kanyang mga palad. Nagsimula siyang ibato sa dingding ang mga unan niya, hanggang sa ibato niya sa silid ang mga nakapatong sa nightstand niya at napaupo siya sa sahig, punit-punit ang puso sapagkat naunawaan niya na lahat ng pangarap niya ay hindi na magkakaroon pa ng katuparan.

Lahat ng naisip niya tungkol sa kanila ni Iñigo ay animo mga pangako lamang na isinulat sa tubig. He was probably still involved with Courtney. He was involved with her this whole time. Ngunit ang kailangan niyang unahin ay ang kapakanan nilang mag-ama. Hindi siya para tanggapin na lamang ang pinaglagyan sa kanila ni Iñigo. Never. She will never back down in this life time. Iñigo had better be ready for her.

Ilang oras na nag-iisip siya ng paraan kung paano niya maitutuwid ang kanyang naging pagkakamali ngunit ang tanging paraan ay ang mapapirma si Iñigo sa mga kasulatang nagsasabing ibinibigay nito sa kanila ang ninakaw nito. Imposibleng mangyari iyon. Iñigo was much to smart to sign any papers without reading them.

At wala siyang alam sa taktika para mapabagsak ang kalaban. Bukod sa wala siyang alam sa teknikalidad ng batas ay wala siyang criminal mind. But all was not lost. Kung may isang taong maaari niyang hingan ng tulong ay isa lamang iyon. Isang tao lang ang kilala niyang balitang may nalalaman sa mga ilegal na gawain.

She decided to call Alejo, Don Bolivar's only son.

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now