Chapter 34

10.8K 368 8
                                    

"I really love this house," wika ni Julie na nagpangiti kay Charo. Blessing ng bahay niya sa Pelaez. Inayos na niya ang papeles noon at ngayon ay nasa pangalan na niya. Nagpasya silang mag-ama na doon na lamang manirahan.

Ang bahay nilang mag-ama ay pinaparentahan na nila. Ang bahay na regalo ng kanyang ama sa kanila ni Iñigo na nasa kanyang pangalan ay ibinibenta na nila. May mangilan-ngilang properties sa pangalan ng kanyang ama at naibenta na rin niya ang mga iyon. Karamihan ng mga properties nila ay nakapangalan sa kompanya kaya't wala na ang mga iyon sa kanila ngunit malaki pa rin kung tutuusin ang napunta sa kanila.

Wala pa siyang naiisip na Tatayong negosyo ngunit ibig niyang magsimula sa maliit at hindi high maintenance dahil gusto niyang makapiling ang kanyang ama. Gusto rin niyang doon na lamang sila tumira sa Pelaez. Bukod sa sariwang hangin na kailangan ng kanyang ama ay mayroong kapayapaan sa puso niyang hatid ang bayan na iyon at ang bahay na iyon.

Maging siya ay nagtaka sa sarili niya na hindi siya naiinip sa bayan na iyon. Marahil gusto rin niya ng katahimikan. Marahil nag-mature na siya. Wala nang appeal sa kanya ang mga parties. Parang nakakatamad nang dumalo sa mga ganoong okasyon. Kuntento na rin siya sa dami ng damit, bags at sapatos niya kaya hindi na siya nae-excite mag-shopping, bukod sa gusto niyang baguhin ang lifestyle na nakasanayan niya. Iba na noon at ngayon kahit can afford pa rin naman sila.

Mas malaki na ang goals niya ngayon. Gusto niyang pagyamanin ang mayroon sila at parang mas masarap isiping mula sa sarili niyang sikap ang gagastusin niya. At naisip niyang ang itatayong negosyo ay iyong gusto niya talaga. Iyon ang iniisip niya ngayon at mahusay ang magiging adviser niya, ang kanyang ama.

"Ano'ng gagawin mo rito?" si Julie.

"Rest for a while. And then maybe start a business."

"Anong business?"

"Iniisip ko nga rin. For now, we're happy with the income from the house." Malaki ang renta sa bahay nila at isang ambassador ang nagrerenta ngayon doon.

Nilingon niya ang kanyang ama. Nakangiti ito habang nakatanaw sa bintana. Masaya siyang nakikitang masaya ito. Gumanda rin ang lagay nito dahil sa klima roon at malinis na hangin at kapaligiran.

"Is your wedding dress really cursed?" anito. Nabanggit niya rito ang nabasa niya sa diary ng lola niya.

"No, my marriage was. From the beginning. Naibaba na ang annulment namin. Ang bilis. He pulled some strings, I know it. Well, call me miss again."

"And yet you're still wearing your ring."

Napasulyap siya sa kanyang kamay. Mabigat sa loob niyang hubarin iyon ngunit marahil kailangan na niyang gawin. Inalis niya iyon at nagtungo sa silid. Pagdating doon ay hindi niya magawang itabi ang singsing. Napabuga siya at ginawa na lamang pendant iyon. Marahil masyado pang maaga para pilitin niya ang sariling huwag nang mahalin ang kanyang dating asawa. Dating asawa. God, it burdened her heart. Ngunit wika nga ni Courtney, siya ang third party. Kailangan niya iyong pakatandaan.

Doon natulog sa kanila si Julie at kinabukasan ay maaga silang tumulak pa-Manyila. Naiwan ang kanyang ama sa bahay, kasama ang nurse nito at mga kawaksi. Patungo siyang Cebu upang ibalik sa tiyahin ni Iñigo ang ibinigay nito sa kanya. Sinubukan niyang isauli iyon kay Iñigo ngunit ipinabalik lang nito iyon sa kanya sa mensahero niya. Gusto niyang pulutin na nang tuluyan ang ugnayan nila kaya minabuti niyang sa mismong tiyahin na lamang nito isauli iyon.

Alas-dos ng hapon ay papasok na ang nirentahan niyang taxi sa farm ni Tiyang Lening at nang makita siya nito ay agad itong ngumiti, sinalubong siya.

"Hindi ka nagpasabing darating ka?"

"Hindi po ako magtatagal, Tita."

"Ano bang hindi magtatagal? Kadarating mo lang! Pasok, pasok! Mabuti't hindi ka naabutan ng bagyo."

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now