Hanap o Hintay?

228 6 0
                                    

Ikaw ba yung tipo na naghihintay o naghahanap? 

Sa taong gusto mong makasama sa buhay. 

Dumating na ba siya o nahanap mo na ba siya? 

O mag isa ka ngayon? 




Pwes, pareho lang tayo. 

Huwag kang mag alala 'Tol, di ka nag iisa! 


Pero if you found the one, I'm happy for you. Huwag mo nang pakawalan ah?!

Nagkarelasyon na din naman ako. Mabibilang lang sa mga daliri. 

May good ending, meron ding not so good. Pero marami akong natutunan sa mga ito. 

Ikaw din siguro with your experiences, but if wala pa, hindi pa naman siguro huli ang lahat, you can learn from the experiences of other people.




Minsan na din akong naghanap at naghintay. 

Pero ngayon pinili ko na lang maghintay. 

Hindi ko rin naman lubusang maipaliwanag kung bakit, pero sa tingin ko ito yung makakabuti sa akin. 

O baka kasi naubusan lang ako ng lakas ng loob para mag hanap kaya maghihintay na lang. Playing safe ba ang peg?! 


Pero hindi pa naman buo ang loob ko, marami pang pwedeng magbago.



Wala naman akong intension na ibahagi ang buhay pag ibig ko. 

Gusto ko lang ay magbigay ng opinion sa mga bagay bagay. 

Mayma lang, may mashare lang. 

Bonus na lang kung dahil dito mahanap ko ang "the one".

Ayos yun diba?! 



Malay mo, ikaw din mahanap mo na siya at masabi mo na "finally!". 

O baka naman ikaw yung isa sa mga nakapagsabi na ng "finally!"? 

Does it feel good? No second thoughts? Joke lang.


Ayaw ko talagang gawing pormal ito. Ang importante sa akin, nagkakaintindihan tayo. 

Yung parang nagkwekwentuhan lang. 

Yung parang kasama lang ang barkada then out of nowhere, malalim na napaguusapan. 

Ui, naalala mo mga friends mo no? Same here!



Speaking of friends, na inlove ka na ba sa kaibigan? 

Naging ex mo ba si BFF? 

Naku, madalas yan at hindi lang sa pelikula. 

Talamak din yan sa tunay na buhay. 



Magandang foundation ng isang relasyon ang pagiging magkaibigan but minsan ito din ang nagiging dahilan kung bakit nagkakahiwalayan. 

All For YouWhere stories live. Discover now