Mahalin mo siya ng walang pag aalinlangan
Mahalin mo siya kahit alam mong walang kasiguraduhan
Mahalin mo siya kahit alam mo walang patutunguhan
Mahalin mo siya kahit alam mo nasasaktan ka naMga katagang gusto mong gawin at paniwalaan. Dahil ito daw ang mukha ng tunay na pagmamahal
Pero hindi ba puro sakit lang ang aaabutin sa pagsugal at pagtaya sa walang kasiguraduhan
Hahayaan na lang ba na muling mabiyak ang pusong matagal ding inaruga sa pag asang itong muling maghilom
Mahalin mo siya kahit walang kapalit
Mahalin mo siya yung hindi pilit
Mahalin mo siya hangga't nabubuhay ka
Mahalin mo siya hangga't di nawawala ang ngiti sa iyong mga labiPagmamahal na minimithi ng mga taong minsang umibig at nasawi
Dinarasal sa Poong Maykapal na matagpuan ang tunay na pagibig.
Inaasam na sa muli'y, may magpapangiti sa mga labi at magpapatibok sa natutulog na puso sa dibdib.
Pwde bang magkunwari
Magkunwaring hindi nasasaktan
Nasasaktan dahil sa pagmamahal
Pagmamahal na hindi kayang suklian
Panawagang suklian mo ng pagmamahal, kahit kunwari lamangSanhi ng pagdurugo ng pusong walang ibang ginawa kundi ang umibig
Iniinda ang mga palo ng realidad na kaakibat ng pagmamahal
Walang kasiguraduhan kung ito' y magdudulot ng lungkot o saya
Umaasang ang nadarama ay di kathang isip lamang bagkus ay tunay at di gawa gawa lamang.

YOU ARE READING
All For You
RandomThis is a collection of my poems, letters and songs. I hope to share my emotions, hopes, and dreams. Maybe it can inspire others too!