Sinubukan kong lumapit sayo
Nagbakasakaling diringin mo
Ang puso kong nagsusumamo
Na sana'y mapansin mo
Sumugal ng walang kasiguraduhan
Habang ikaw ay pinagmamasdan
Nagbabakasaling lumingon ka ng dahan
Para ikaw ay aking mapatahan
Ramdam ko ang sakit
Ang mga hikbi mong mapait
Kung pwede lamang ipilit
Na maging akin kahit isang saglit
Hayaan mo ako sayo iyong tabi
Ginigiliw kong binibini
Pakinggan ang usal ng aking labi
Na tanging kaligayahan mo ang mithi
Pangakong handa kang bitawan
Sa oras na ika'y manawagan
Sa muli mong paglisan
Sana'y buo na ang iyong katauhan

YOU ARE READING
All For You
De TodoThis is a collection of my poems, letters and songs. I hope to share my emotions, hopes, and dreams. Maybe it can inspire others too!