Sino ba ang hindi mahilig sa exam na multiple choice?
Sino ba ang hindi mahilig sa buffet na maraming food na pagpipilian?
Sino bang customer ang ayaw ng options to resolve an issue?
Lahat naman siguro tayo aagree na at some point in our life, mahaharap tayo sa isang sitwasyon na kailangan talagang pumili.
Yung parang sa Who Wants to Be a Millionaire. You have to have the right answer para makuha mo yung jackpot. Good for those who made it and better luck next time sa mga nagkamali.
I'm not sure if you will agree but I think na in every decision na gagawin natin may choices tayo. It is up to us na lang kung ano yung pipiliin natin.
May choice na mabuti for us but not for others. Meron din namang choice na good for others but not for us. But there are also choices na beneficial naman for both parties. Kailangan lang talaga na mapanindigan mo yung sagot mo.
But before you make your decisions, you can use your lifelines naman.
Merong Call-a-friend, which is madalas na ginagawa natin, every time na confused tayo on what to do. Although alam natin na alam mo na yung sagot, kaso you just need someone to confirm it. Minsan maganda ito kasi may reassurance kaso lang minsan, nagiging dependent tayo sa kanila which is not a good thing. But since most of the time, sa trusted friend tayo lalapit, malamang they know us enough to help us decide to go for the right choice.
Meron din tayong Ask-the-audience, which is like a survey among those you know. Ang maganda dito is maraming opinion, kaya you'll have the chance to weigh the Pros and Cons. But we always have to make sure na ang huling desisyon ay manggagaling sa atin at hindi lang dahil yun yung pinili ng majority ng audience. Pwedeng good choice ang makukuha mo dito pero syempre depende pa rin sa question. Paano pag ang audience mo di naman makarelate? Ending, disaster yun. Anyway, may isa pa namang lifeline.
Ang 50-50. Maganda lang to pag may choice ka na then di ka lang talaga sure. Assurance Lang to na tama yung choice mo. Ang mahirap lang is pag naeliminate yung choice mo after using this lifeline. Kasi naman diba parang gumulo lang uli... Well, kaya nga siya 50-50 eh... Just like in life, mahirap umasa sa 50-50, kasi pwedeng ang result is either maging masaya ka or masasaktan ka. Parang tumataya sa sugal. It's all or nothing. You just need to be brave enough na whatever the result will be, ready ka to face the consequences.
May mga tanong na isang lifeline lang may tamang choice ka na. Pero may mga questions kasi na you need more than one or ang masaklap, lahat ng lifelines. Buti na lang sa totoong buhay unlimited ang lifelines... Hahaha! Pero at least sa game show may mauuwi kang cheque... Hahaha!
Sa pagpili ng isang bagay, dapat lang na pag isipang mabuti. Tama o Mali man yung naging choice mo, dapat stand tall ka pa din. Sabi nga "Your choices in life defines you..." So make sure na sa pagpili mo, gamitin mo lahat ng nalalaman mo at mga naexperience mo... Minsan it really doesn't have to be the right choice but rather the good choice.

YOU ARE READING
All For You
RandomThis is a collection of my poems, letters and songs. I hope to share my emotions, hopes, and dreams. Maybe it can inspire others too!