Bitiw

40 3 2
                                    



Sa paglalim ng gabi
Patuloy ang paghikbi


Mga alaala mo
Andito sa aking puso


Pinilit kong lumaban
Ipakitang may kinabukasan


Pero mukang di na mababago
Ang tibok ng iyong puso


Giliw, ako'y nasasaktan
Ngunit kailangan ika'y iwan


Tandaang ang nais ko ay
Ang kasiyahan mong tunay


Ako na nga ay tatalikod
Tatakbo hanga't mga paa'y mapudpod


Titiisin ang sakit
Lulunukin lahat ng pait


Alam kong di mo naman ako hahanapin
Kaya kailangan ko lang na tanggapin


Na ang ikaw at ako ay may katapusan
At ang lahat ng ito ay dagdag sa karanasan

All For YouWhere stories live. Discover now