I was browsing my Facebook newsfeed when I came across this post about new dating terms. My curious self naman decided to click and look at the photos.
So here it is, I tried my best to explain it the easiest way possible. I hope this can help us identify some and understand kung ano nga ba tong mga dating terms na to.
Una na siguro yung pinakasikat which is GHOSTING. Ito yung bigla na lang nawala ng parang bula. Biglang walang paramdam and no way to contact them. Yung parang mapapaisip ka na lang kung guni guni lang ba lahat ng pinagsamahan nyo. Bakit bigla na lang nawala? Nagasawa ba siya o sadyang may iba lang talaga siya?
Second is BREADCRUMMING. Like the term itself, scraps of bread na ginagamit for other purposes na lang. Yung tipong pinakisamahan ka at naramdaman mong nageffort din siya pero sadyang hindi lang talaga siya ready na seryosohin kung ano mang meron kayo. Parang almost pero biglang nafall short.
Pangatlo naman is what they call ORBITING. Isipin mo na ikaw yung Earth tapos may moon na nagoorbit sayo 24/7. So andyan sila, finallow ka sa lahat ng social media mo. Yung tipong you both know na pareho kayong nageexist. Nilalike nya posts mo, pinapanood nya yung mga stories mo, in fact wala siyang namimiss kahit isa. Tapos minsan mangangamusta pa pero hanggang doon lang yun. Walang attempt to cross the line or lumapit man lang. Hindi ko alam bakit pero pwede mong tanungin.
Fourth is ZOMBIE-ING. Ito yung out of the blue nagulat ka at biglang nabuhay. All of a sudden, nagparamdam sa mga attempts mo na kausapin siya. Samantalang before deadma ka lang niya. And now, they suddenly make you feel na gusto ka pala nila. So bakit ngayon lang? Anyare?
Next is BENCHING. Ito yung bagong tawag sa waiting shed. This happens when this person has a list of people na piniflirt. Tapos when the time comes, best pick na lang. Ikaw naman antay ng antay kung ano na next step or level nyo pero ayun, stuck pala kasi marami pala kayo. Well, baka konting antay pa, maeliminate yung iba, eh di next ka na.
Sixth is CATCH AND RELEASE. With the term itself, it's as simple as they will do everything to get you, then pag nagfall ka na or you're under their spell na, bigla kang papakawalan. Wala lang trip lang. Trip lang mahirapan, trip lang machallenge then pag andyan na, hindi naman makapag commit. Ang labo diba, lokohan lang pala hanap.
Sunod is GHOSTBUSTING. Ito yung naGHOST ka na pero syempre dahil nageffort ka na at nakafeel ka ng pag asa eh di hinanap mo and did everything to find the person. Nagbabakasali na bumalik kayo sa dati. Yung mga panahong pareho pa kayong masaya. Baka sakaling siya na yung matagal mo ng hinahanap or hinaantay.
Pangwalo on the list is THINGING. Ito yung malupit, kasi may "thing" pero walang label. Wala ring matinong usapan kung ano ba kayo sa isa't isa or kung may kayo ba or pwede ba kayong maging kayo. Ang gulo no? Kasi magulo din kayong pareho. Imagine nagcross the line kayo ng walang assurance. Ikaw na!
Last but not least is CRICKETING. To yung mahilig makipag chat, makikipag usap, tapos hahayaan kang magkwento and all tapos hindi magrereply pero seen nya yung chats mo. Tapos they left you wondering why they are not replying. Papasok yung mga tanong na "May nagawa ba ako?", "May nasabi ba ako?!", yung mga ganun. Wala lang trip lang nila... Trip lang nila magpaparanoid ng iba. Thinking what could be your reaction or paano mo ihahandle yun. Kung lalabas ba yung pagiging paranoid mo sa convo nyo.
Grabe, hirap iexplain ahhh. Pero isa lang masasabi ko.
People grow up! If you want someone go for it. Don't date if you're not ready to commit. Wag tayong paasa, at higit sa lahat wag tayong manakit ng iba. Be true with your intentions. Remember, karma is just around the corner.
-GhabbieGee 2020-
YOU ARE READING
All For You
AcakThis is a collection of my poems, letters and songs. I hope to share my emotions, hopes, and dreams. Maybe it can inspire others too!
