Isang hakbang, ako'y lalapit
Isang hakbang na hindi pinilit
Sapagkat sa puso't isip
Hindi ka na mawaglit
Nakawala ang nakapakong paa
Sa sakit ng nakaraan
Ngunit tila parang hindi pa
Makalimot sa hindi nakalaan
Muli ko na bang isusugal
O kaya'y iiwas na lamang
Lalakad ba ako ng mabagal
O mananatiling hangal
Hahayaan bang makubli sa takot
At umiwas sa maaring kirot
O linangin ang pag asang kakapirangot
Na malampasan ang pag ibig na masalimuot
Hahamakin ba ang lahat
Para sa pusong pumipintig
Maramdamang ako ay sapat
At ako'y tunay na iniibig
Giliw iyong pakinggan
Ang pusong pumipintig
Lubos kang tinatangi
Gusto kang maging kabahagi
Hawakan mo ang aking kamay
Bago tayo magsimulang maglakbay
Sana'y tayo'y di mawalay
Hanggang sa dulo ng ating buhay

YOU ARE READING
All For You
RandomThis is a collection of my poems, letters and songs. I hope to share my emotions, hopes, and dreams. Maybe it can inspire others too!