Madalas natatawa na lang ako
Sa tuwing makakarinig ng mga kwento
Kung paanong nahulog at umibig
Sa modernong paraan ang himig
Sinong mag aakala
Na tadhana na ang magkukusa
Na turuan itong puso
Na maintindihan na hindi ito dahil uso
Hindi ko talaga inakala
Na ang puso ko'y maaabala
Sa mga katanungang biglang bumuhos
Na nakakabaliw na halos
Pagmamahal nga ba ito?
O humahanga lamang sayo?
Pero isa lang ang alam ko
May puwang ka na sa puso ko

YOU ARE READING
All For You
De TodoThis is a collection of my poems, letters and songs. I hope to share my emotions, hopes, and dreams. Maybe it can inspire others too!