Chapter 1: The First Encounter

176 2 0
                                    

"LIFE is Unpredictable, Life is Mysterious and Life is a Gift".....

May mga Bagay na Di talaga inaasahan, May Mga mawawala at may mga dumarating. Ganyan talaga ang buhay sa mundo, kung di talaga para sa'yo hayaan mo lang ito.. at kung bumalik man ito, Take it. Because it's really for you..

"After Christmas and New Year Celebration... Its a Brand New Year and a Brand New Day para sa mga Estudyante na Magbabalik Klase After a Long Vacation..

Sa isang University kung saan maraming mga mag aaral ang masaya at abala.

Sa pagbabalik eskwela ay Hindi maiwasan ng karamihan na Malungkot dahil kailangan nilang tapusin ang mga projects. Sa isang Room kung saan nag uusap usap ang mga estudyante, may ilan na nagkakamustahan dahil ang ilan sa kanila ay nagbakasyon sa maynila at ang ilan naman ay sa kalapit probinsya.

"Hay naku..Back to School na naman,back to basic uli.."

Sabi ni Ashly sa Bestfriend niyang si Aika.

"Oo nga Best!. lagot na naman tayo nito ni prof kasi di pa natin nagagawang tapusin yung pinapagawa niya satin.. kahit January palang eh.. hirap na ko sa pinapagawa satin na documentation." Tugon ni Aika.

"Ano ka ba!.. kaya natin to,. bakit wala ka bang tiwala sa kakayahan mo? kaya wag ka ng nega dyan" Sagot ni Ashly na puno ng ngiti sa kanyang maamong mukha...

"Ok best,, Iba ka Talaga.. naku teka at andyan na si prof.. baka makita tayong nagchichismisan na naman at baka malista tayo sa mga maiingay" sabi ni Aika..

"OK Class, Now that Back to school na uli.. Remind ko lang kayo sa projects na ibinigay ko sa inyo bago mag christmas break.. and may I remind you also na sa Finals.. Gagawa kayo ng isang Short film wherein dun nyo i aapply yung documentation na ginawa nyo... so sana nakuha nyo ang ibig kong sabihin.. So is that clear? Sabi ng Prof nila.

"Yes Prof" Sagot ng mga Estudyante

"Ok, class., since may meeting ako sa faculty with some instructors.. kaya di muna ko magtuturo.. kaya Class Dismiss.!" sabi ng prof nila kasabay ng maingay na hiyawan ng mga kaklase nila..

Di maikakaila na Isang Masipag, Mabait at palabiro ng konti si Ashly, Kikay at kung minsan ay tahimik lamang, ayaw niya lang mapahamak sa gulo kaya minsan umiiwas na lang ito At Higit sa lahat May takot sa Diyos ang dalaga kaya kahit sinong lalaki ay Hahanga sa kanya..

Panganay sa limang magkakapatid, Tindera ng Kakanin ang Mama niya at Isang Driver ng Pampasaherong Jeep ang Ama nito.. at kapag walang pasok naman ay tumutulong siya sa ina na nagtitinda ng mga minatamis at kakanin sa palengke at may pwesto sila dun.. Incoming 2nd year college sa sunod na pasukan si Ashly at kumukuha ng Kursong Journalism sa Isang University sa Bicol..

At nung Linggong din iyon, Habang walang pasok si Ashly, pumunta sa pwesto nila sa palengke si Aika para Ayain si Ashly na mag Internet at gawin yung Documentation na project nila for their finals..

At Habang nasa Computer Shop....

'Ash, Tig Isa tayong Unit hah'.. sabi ni Aika, habang nag Iinternet ang dalawa, Busy na busy si Ashly sa paggawa ng Documentation at si Aika naman ay Busy na busy sa mga Ka Chat nya sa Facebook...

"Hoy, Anu ka ba? Busy na busy ako sa paggawa ng projects dito tapos ikaw busy sa pakikipagchat sa mga crushes mo sa Facebook!" inis na sagot ni Ashly,.

"Best, sensya ka na sakin, kasi nag private message(PM) sakin si Crush ko., yung taga Quezon City..yung kwinento ko sa'yo dati.,yung na meet ko sa group na kinabibilangan natin, Oh my,. Gwapo talaga ni crush.." tugon ni Aika na kilig na kilig..

LDRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon