Kinabukasan ay walang pasok sila Ashly. Tumulong siya sa kanyang Mama na magluto ng mga kakanin at Pagkatapos ng kanilang Pananghalian ay Binuksan niya ang Radyo at makinig ng mga Tugtugin..
Narinig niya sa Radyo ang isang Segment kung saan pwedeng Magpadala ng kanilang mga Sulat Related sa kanilang mga Suliranin sa buhay o sa Buhay Pag-ibig at Bibigyan ng Daan para matulungan ang mga Suliranin.. Pwedeng ipadala thru Letter or email o kaya pwedeng I-post sa kanilang Facebook Fanpage.
Naisipan niyang magbahagi ng kanyang Problema. Walang Inaksayang Panahon ang Dalaga at nag paalam siya sa kaniyang Ina para pumunta sa Computer Shop.
Habang nasa Computer Shop ay Dun nagpost sa Fanpage ng Nasabing Station si Ashly ng Kanyang Problema..
Pagkatapos noon ay Nagbayad na ito at Umuwi agad. Makalipas ang Isang Linggo ay Nagkataon na walang pasok sila Ashly dahil Holiday.
At ala una ng Hapon ay Binuksan na niya ang radyo para pakinggan kung kaninong sulat ang napili at sa pagkakataong iyon ay nabunot ang sulat niya.
"Isang Magandang Magandang Magandang Hapon sa inyo mga Kaibigan at sa mga masugid kong Listeners.. May Isa po tayong kaibigan na nagbahagi ng kanyang problema..
At Binasa na nga ng DJ ang Sulat:
Ganito ang kanyang pagkakapost sa Fanpage.
"Hi DJ, Isang Mapagpalang Araw sa Iyo at sa Iyong mga masugid na Taga subaybay ng Inyong Programa. Itago Nyo na lang ako sa Pangalang "Tough Girl", 19 years old at kasalukuyang Nag Aaral sa Isang University at Journalism ang Course ko. Gusto ko lang pong Ibahagi ang isang Problema na ngayong Buwan ko lang Uli naranasan. Nung Buwan po ng Enero ay May nakilala akong lalaki na sa di Inaasahang Pagkakataon ay Nahulog ang loob ko sa kanya. Yun nga lang ay Hindi Nagtagal ang Aming relasyon. LDR po kami o Long Distance Relationship. Opo, tama po! Minahal ko ang taong ito na kahit minsan ay Hindi pa kami nagkikita at tanging Text at tawagan lang ang Ugnayan naming dalawa. Aaminin ko po, Naging masaya siya sa piling ko at ganun din ako sa kanya. Pero siya rin pala ang magiging dahilan ng Kalungkutan ko. Naghiwalay po kami dahil nabuntis niya ang X-Girlfriend niyang Malandi. Hindi naging madali ang lahat para sa akin na tanggapin ang mga nangyari hanggang sa dumating ang buwan ng Hunyo. Sa Di Inaasahang Pagkakataon din ay makikilala ko rin ang lalaking ito. Itago na lang natin siya sa pangalang Mr. 'B'. Nung Una, Halos Kaaway ang turing ko sa kanya. Malayong malayo sa Ugali ng X-boyfriend ko sa kanya. Walang Inatupag kundi manggulo sa Campus at Sirain ang Araw ko. Member din siya ng team namin. Mahigit sa Isang buwan ang Pagtutunggali naming dalawa. Opo, Aaminin ko sa inyo, Maitsura siya kaso, pangit naman ng Ugali. Kaso nitong nakalipas na buwan ay tila may kakaiba. Eventhough mali..
Kasi nung minsang magkaayos kami at nagkabati ni Mr. 'B' ay tila nag iba ang ihip ng hangin para saming dalawa. Tila ang inis ay napapalitan unti unti ng ngiti at ang lungkot ay napapalitan ng saya. Opo, Inaamin ko sa inyo at sa inyong tagapakinig na Nagugustuhan ko na ang taong ito. Yun nga lang, Takot na kong magmahal, takot na kong umasa at takot na rin akong magtiwala dahil sa minsang nangyari saking buhay, Ano po ba ang dapat kong sundin?. Sana po ay matulungan ninyo ako sa problema ko at sana nakapagbigay din ako kahit konting gabay sa inyong mga tagapakinig. Hoping na mapili ninyo ang aking Sulat. Maraming salamat po at God Bless!. -Tough Girl
"Ok, yan po mga kaibigan ang Sulat na ipinadala satin ni Tough Girl. Pwede na po kayong magpadala ng inyong mga Kumento at mga Suggestions para kay Tough Girl, Maaari rin kayong tumawag sa ating Hotline para bigyan ng Solusyon ang problema ni Tough Girl." Sabi ng DJ.
Nang Mabasa ng DJ ang sulat niya ay maraming Naantig sa kanyang Ibinahaging sulat at Marami ang nagpadala ng mga Kumento at suggestions para kay Tough Girl..
Ilan sa mga ito ay:
"Alam mo Tough Girl, Wala namang masama magkaroon ng Inspirasyon sa buhay at tandaan mo, minsan kailangan din nating sumugal. Wala namang perpektong pag ibig sa mundo. Matutuo ka lang magpahalaga at magmahal."
"Kung ako sa'yo Tough Girl, Matuto kang magpahalaga sa iba. Wag kang selfish pagdating sa pag-ibig, kung tutuusin nga maswerte ka kasi may mga taong handang umunawa at umintindi sa'yo. Kaya ang advice ko lang sa inyo ay maging mapagbigay ka. Wag mong ipagdamot ang pagmamahal kasi ibinigay yan sa atin ng Diyos ng libre.. Just keep it up and enjoy life to the fullest."
Sa mga sumunod na Binasang kumento ay Nagulat siya at di aakalain ang mga sumunod na kumento.
"Tough Girl a.k.a. Ashly, my Classmate! Alam mo, masama yan na ipagdamot at kimkimin ang iyong nararamdaman. Kala ko ba matapang ka, Wag kang selfish pagdating diyan. Maswerte ka nga kasi may nagugustuhan kang tao at Alam namin na Compatible kayo para sa isa't isa. Kinikilig talaga kami tuwing nag aaway kayo. Ang Cute cute nyong dalawang tingnan. Good luck sa inyo." - Danica
"Friend!, Wala akong masabi kundi, Perfect kayong dalawa. Bagay kayo. Go Girl! Keep it up!" - Arlyn
"Best, Walang duda! Bagay kayo, ang Masasabi ko lang, Maging honest ka lang sa feelings mo para sa iba. Wag mong palampasin ang pagkakataon na nakilala mo si Mr. Baste! Friend, Good luck sa inyo at God Bless. - Aika.
Halos gustong takpan na ni Ashly ang kanyang tenga dahil nakinig pala ang mga kaibigan niya.
Maya't maya pa'y may tumawag sa Landline ng Radio Station..
"May Caller tayo sa kabilang Linya, Hello sino po sila?" tanong ng DJ.
"Hello DJ, Ako po ito si Baste, Yung Tinutukoy ni Ms. Tough Girl sa Sulat."
Nagulat at di alam ang gagawin ni Ashly nung sandaling iyon.
"Oh Ikaw pala yung tinutukoy ni Tough Girl, Aba ang ganda naman ng pagkakataon na ito. Oh, Ano ang masasabi mo Mr. Baste ngayong nalaman mo na ang totoo." tanong ng DJ.
"Alam kong nakikinig ka Ashly, Sabi ko na nga ba at ikaw ang sumulat. Akala ko ba wala kang time sa Love life? Pero nevermind.. I know everything! Alam kong gusto mo rin ako at wag mo nang ikaila ang lahat. Alam na ng marami pati mga Classmate mo ang tinatago mong feelings para sakin. Pano ba yan Ashly, Kelan mo ko sasagutin?"
"Aba, Sagot agad ha, Anyway Mr. Baste! Ano ang message mo para kay Tough Girl?" tanong uli ng DJ.
"Tough Girl, Alam ko ang past relationship mo. Pero di naman ako yung tipo ng tao na Oportunista at higit sa lahat Honest, Loyal at mapagkakatiwalaan. Handa akong tulungan ka sa problema mo dahil gaya ng sabi ko sa'yo. Di Ako mawawala sa tabi mo at Kung talagang tough ka, Sagutin mo nga ang tanong ko. Mahal mo ba ako? Aasahan ko ang sagot mo sa susunod na araw Tough Girl. Yun lang po DJ, Salamat po.." sabi ng binata.
"Sige, Salamat sa Pagtawag Mr. 'B'" sagot ng DJ.
At matapos yun ay ibinaba na ni BAste ang Telepono.
"Ayan mga kaibigan, Nasaksihan natin ang Rebelasyon sa pagitan nila Tough Girl at Mr. B. Dyan lamang kayo mga kaibigan magbabalik po ang inyong lingkod so stay tune." (Nagpatugtog ng isang Love Song)
"Oh My! Anong gagawin ko? Shocks! siguradong pagkakagulan na naman ako sa School bukas." Sabi ni Ashly sa sarili na balisa at Halos Paranoid.
Itutuloy...