Chapter 8: Starts with a SMILE and ends with GOODBYE

40 1 0
                                    

After two days ay Debut Celebration na ng kanilang Classmate. At nung gabing yun ay Kasama ng Binata sila Jerry at Alvin.

Sa isang table ay nag iinuman sila kasama ang ilan nilang kaklase. Habang nagkakasayahan na ang lahat ay lumapit sa kanya si Lexi na invited din sa party at may dala dalang isang regalo, na nakabalot at may nakasulat sa card na "Thank you so much for Everything".

Nagulat ang binata ng iabot sa kanya ang regalo. Nang mga oras ding iyon ay Nakuha pang magbiro ng dalawang kaibigan ni Roj. Pero sinabihan siya ng binata na tantanan na siya dahil mayroon na itong iba.

"Okay, Kung yan ang gusto mo" yan ang tanging sagot ni Lexi kay Roj at umalis ito.

Habang paalis si Lexi ay Iniinom ni Roj ang Alak na nasa table nila. At lalong nag enjoy silang tatlo nung gabing iyon, at ilang tagay pa ay may naramdaman na kakaiba si Roj. Biglang nahilo si Roj sa pagtayo nito para magbanyo.

"Oh, Ayos ka lang Parekoy?" tanong ng dalawa na inaalalayan si Roj at tila nawalan ng malay ang lalaki kaya inilabas nila Jerry si Roj sa venue. Ihahatid na na sana ng dalawa si Roj ng biglang tumapat sa kanila ang sasakyan ni Lexi at tinanong kung anong nangyari kay Roj.

Di Nag atubiling tulungan ni Lexi sila at sinabi nya na siya na lang ang maghahatid kay Roj sa bahay nito at ipinaubaya na nga ng dalawa kay Lexi na ihatid ito.

At sa Gusto pa rin ni Lexi si Roj kaya imbis na sa bahay nila Roj ay sa bahay nila Lexi Dumiretso. Pagdating sa bahay nila ay mag isa lang ito sa bahay nila at may isa silang katulong. Nang maipasok na niya sa bahay ang binata ay Nag Ring ang Cellphone ni Roj. Kinuha nito sa bulsa ang cellphone. Si Ashly ang Tumatawag.

"Aba!. Baby ang Nakapangalan pala dito, Ni-reject nito ang tawag at may naisip si Lexi. Kinuha nito ang number ni Ashly.

Kinabukasan ay Nagulat si Rojun ng Magising siya, Nakita niya na ibang kwarto ang bumungad sa pagdilat niya ng kanyang mga mata at Nakita niya na wala na itong damit at Naka Boxer na lang ito at nakakumot. Biglang Pumasok ng Kwarto si Lexi na bagong ligo at may bitbit na pagkain galing kusina at Nakatapis lang ng tuwalya. Di niya maintindihan ang mga nangyayari nung mga oras na iyon at tinanong niya si Lexi kung ano ba talaga ang nangyari at pano siya napunta sa bahay nila.

Sinabi niya kay Roj ang totoo, Nilagyan ni Lexi ng Tabletas na pampatulog yung alak na nasa baso na nasa table nila Roj nung gabing iyon. Inaalalayan siya nila Jerry at di na nagawang ihatid dahil medyo nakainom na rin ang dalawa kaya siya na lang, kaya nya nagawang idiretso ito sa bahay dahil wala ng Gas ang sasakyan niya at alanganin din pag uwi nito pag hinatid pa siya.

Tinanong niya din kung bakit nakaboxer na lang ito. At sa pagkakataong ding iyon ay sinabi niya kay Roj ang totoo.

"Mahal na mahal pa din kita Roj kahit alam kung may iba na ko at alam kong may mahal ka na din, Kaso nga lang ay Huli ka na. Kagabi ay Nagtext ang Girlfriend mo, Kinuha ko ang number niya at May ipinadala akong MMS picture nating dalawa at parehas tayong naked, Ngunit wag kang mag alala dahil di ko pinakita mukha mo nung kinunan kita ng larawan. Dahil kapag ginawa ko pa yun ay baka magpakamatay yung Girlfriend mong nasa malayo." Yan ang sinabi ni Lexi na tuwang tuwa sa ginawa niya.

Di na nagawang Magalit kay Lexi, imbes na magalit ay dali dali itong nagbihis at umalis ng bahay nila Lexi at umuwi sa kanila. Tinatawagan si Ashly para kausapin pero Naka Off ang Cellphone nito.

Sobrang nababahala, Natatakot at Di alam ang sasabihin ng binata kapag nakausap niya ang kanyang kasintahan.

At nung araw ding iyon ay Walang gana at tila malayo ang isip ni Ashly, Habang nasa room nila ay nahalata ni Aika na malungkot, maga ang mga mata at malumbay si Ashly. Nang matapos ang kanilang klase ay nilapitan ni Aika ang kanyang Bestfriend.

Umiyak si Ashly at napayakap sa kanyang kaibigan, naawa ng husto si Aika sa kanyang kaibigan ng Malaman niya ang nangyari kay Roj, mas nangibabaw kay Aika ang Awa imbes na galit. Nang matigil sa kakaiyak si Ashly ay tinanong niya si Aika kung dapat ba nyang patawarin ang binata sa kabila ng ginawa niya at kung dapat pa niyang bigyan ng pagkakataon ang tao. Sa kalagitnaan ng kanilang pag uusap nilang dalawa ay naisip ni Ashly na buksan ang kanyang cellphone.

Daming mga messages ang natanggap ni Ashly at puro mga text message galing sa kanyang Boyfriend. Puro mga Sorry ang nababasa niya sa ipinadalang mensahe. Nabasa din ni Aika ang mga mensahe.

Maya't maya pa ay nag ring ang cellphone. Nagdadalawang isip si Ashly kung dapat ba niyang sagutin ang tawag. Ngunit mas nanaig pa rin sa puso niya na makausap ang Nobyo.

"Hello Ashly, baby, Hayaan mo kong magpaliwanag, Alam kong galit na galit ka dahil sa nangyari samin ni Lexi, Nung gabing iyon di ko alam na sinet-up ako ni Lexi, Nilagyan niya ng pampatulog yung inumin ko. Kasama ko that time yung mga Kaibigan ko, kaso pinipilit ni Lexi na siya na lang ang maghatid, kaya walang nagawa ang mga kaibigan ko. Nawalan ako ng malay nung mga oras na iyon. Di ko alam na hinubad ni Lexi yung suot ko, pero maniwala ka. Wala akong Intensyon na Lokohin at Magsinungaling sa'yo, Ex Girlfriend ko si Lexi at may Boyfriend na yun. Mahal na mahal kita Ashly at Alam mo yun, Sorry! Dapat di nalang ako pumunta dun sa okasyon. Ashly, Mahal ko, Sana mapatawad mo ko." Mga sinabi ni Rojun na Halos maiyak habang kausap si Ashly sa Cellphone.

Di rin maiwasan na maluha muli ni Ashly. "Roj, PLEASE! Hayaan mo muna kong mapag isa, kailangan ko lang mag isip at dapat muna siguro nating mag Cool-Off. Kailangan muna siguro nating bigyan ng space ang isa't-isa." Sa pagkakarinig ni Roj sa mga sinabi ni Ashly ay umiyak ang binata.

At Pagkatapos ng mga sinabi ni Ashly ay binaba niya ang phone. Umiiyak ito habang pauwi ng kanilang bahay. Di na lang niya pinahalata sa kanyang pamilya na umiyak ito. Sa kabila ng nangyari sa Kanila, Di Nagpadala si Roj sa mga sinabi sa kanya ni Lexi. Halos nag Antay si Roj ng text ni Ashly, Walang paramdam si Ashly ng Dalawang Linggo pero lagi siyang tinitext ng binata.

At makalipas pa ang isang Linggo ay Nagtext na Si Ashly kay Roj. Gusto ng makipagbati ni Ashly sa kanyang Nobyo, Nag usap silang dalawa sa Phone. Ngunit nahalata ni Ashly na tila mahina at malumbay ang boses at umiiyak ang lalaki.

At Sinabi niya sa dalaga na... "Baby, Mahal na mahal kita, Sobra kitang mahal. Wala ng Makakapalit sa'yo dito sa puso ko. Ashly, Nagbunga ang Paninira ni Lexi satin. Buntis si Lexi at Ako ang Ama." Sa mga sinabi ni Rojun ay Sobrang napaiyak si Ashly ng Marinig niya ito. At di maiwasang magalit.

"Sobra kitang minahal Roj, Nagtiwala Ako sa'yo, Minahal kita ng tapat, Di ako nagduda o nagloko sayo. Pero bakit ganito, Akala ko nagbago ka na, Akala ko magiging Honest ka, Nagmahal ako ng gaya mo kahit malayo ka. Pinag isipan ko din kung dapat ba kitang pagkatiwalaan, Nung una ayaw kong maniwala, pero ngayon totoo pala, totoo pala ang sabi nila na walang relasyong tumatagal na ganito, Malayo at di pa nagkikita. At higit sa lahat ay di mo alam kong tapat yung tao o Hindi."

"Ashly, Please!" pagmamakaawa ni Roj na umiiyak. Halos buo na ang desisyon ni Ashly na Hiwalayan si Roj.

"Im Sorry Roj, Im so Sorry!." Di napigilan ni Ashly ang pag iyak niya nung mga sandaling iyon.

"Ashly, May dapat ka pang malaman, Matagal ko na dapat itong sinabi sa'yo."

"Roj.. PLEASE!!! STOP IT!!! Ayaw ko nang marinig ang mga iyan, wala ka ng dapat ipaliwanag, Tapos na tayo!"

Walang Nagawa si Rojun kundi umiyak habang kausap ang taong pinakamamahal niya.

Napagdesisyunan ni Roj na maging magkaibigan na lang silang dalawa ni Ashly.

At matapos ang binitawang mga salita ni Ashly ay Pinutol na niya ang tawag.

Pinag Block ni Ashly si Roj sa Facebook para di na niya makita pa ang mga larawan nito.

First week ng April ng Maghiwalay ang dalawa. Ang Akala niyang masayang Ugnayan ay mauuwi rin pala sa Hiwalayan.

:( :(

Itutuloy...

LDRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon