Sa kabilang dako naman ay Tila Nagkakaroon ng Magandang Araw para sa lalaki na Pumasok sa Eskwelahan at Maging mga Kapatid niya ay Nahalata ang Konting Pagbabago sa kanya at maging ang kanyang mga magulang ay Nagulat sa ikinikilos ng kanilang anak.
Habang Nag Aalmusal silang magkakapatid.
"Kuya, Ilang araw ka na naming nahalata na ganado kang Pumasok sa School at Nagagawa mo na ding tulungan sila mama sa pagpapatakbo ng negosyo natin at maging sa paghahanda ng Pagkain ay tumutulong ka na samin, dati di mo nga yan pinapansin diba" Tugon ni Paolo na Kapatid ng binata.
"Ano kasi, Sinusubukan ko lang gawin yung mga bagay na ayaw kong gawin dati, kumbaga sa pagkain, kailangan ko ding tikman kung ano ang lasa ng ibang pagkain at tsaka na-realize ko din sa sarili ko na naging pabaya ako, Iresponsable at naging tamad sa pamilya natin, kaya ito, ginagawa ko na ang dapat" Tugon ng binata sa kanyang mga Kapatid.
"Aba, tila nakakagulat ka naman utol, tiyak matutuwa si mama sa'yo" Sabi ng Kanyang Kuya Rhaffy.
"Ah, Sige Kuya, Paolo at Pitchy alis na ko at Malilate nako sa klase."
"Sige, ingat ka Kuya Roj!" tugon ng kanyang mga kapatid.
Its a Great and Wonderful Day for Roj to be in School that Day. Kilala ang binata sa kanilang Department dahil sa angking Galing nito sa pagkanta at siya ang kinukuhang pambato ng kanilang department dahil wala silang mahanap na pwedeng ipalit sa kanya dahil sa ugali nito na ayaw ng kanyang mga kapwa estudyante.
Dati, Isang Lalaki na Bastos ang pag uugali at walang galang sa mga kapwa studyante si Roj, Lagi din itong napapasabak sa gulo sa kanilang campus.
Pero matapos ang bakasyon ay tila nag iba ang lahat at halos karamihan ng mga Estudyante ay nanibago sa ikinikilos ng dati nilang kapwa estudyante na walang disiplina sa campus. Pero may mga Kaibigan naman siya sa Campus nila na naging loyal sa kanya.
Habang nag aantay sa sunod na subject ay tumambay muna sa isang bench ang binata at nakita siya ng dalawa niyang kaibigan.
"Oh Parekoy, Anong Meron sa'yo at Tila nag iba ka". sabi ni Alvin na isa sa mga tropa ni Roj.
"At ang balita pa, Naninibago ang mga Estudyante at Kaklase natin, maging mga Professor natin ay naninibago sa mga ikinikilos mo." sabi din ni Jerry na tropa ng binata.
"Ang totoo kasi nyan mga brad ay Isang tao lang pala ang kailangan kong makilala para baguhin ang lahat ng mga kalokohan kong ginawa." tugon ng binata na nakangiti sa kanyang mga tropa.
"OooWWWss!!!!!!" sabay tawanan at hiyawan ng kanyang mga barkada.
"Teka lang, ano bang nakain mo at anong pumasok na hangin sa utak mo at nagbago ang pananalita mo, aba, maganda yan parekoy. Magandang sinyales yan para sa'yo." Tugon ni Jerry.
"Senyales na ano?" tanong ng binata.
"Senyales na Mababago mo ang mga kamalian mo sa buhay" sagot naman ni Alvin.
"Sana nga Alvin at Jerry. Pero alam nyo pati nga din ako di makapaniwala sa sarili ko.. Ilang araw na kong ganito dahil sa kanya." sagot ng binata na tila malalim ang iniisip.
"Wait, Sino ba yan? siguro Chicks mong bago noh.." Tanong ni Alvin.
"Sira, Di naman sa ganun, Oo aaminin ko sa inyo, pero atin atin lang toh. Nakakabighani ang mga salita niyang binibitawan sakin, sa mga advice at maging sa mga dapat kong gawin sa buhay. Sa totoo nga gusto kong lagi siyang kausap. Babae siya mga parekoy, Maganda ang ngiti, maamo ang mukha. Pero di mo mahahalata sa kanya na palaban siya pag inaasar, pero dati yun. Ngayon kasi, Magkaibigan na kami. Sagot ng binata sa mga kaibigan niya.
"Sino ba yan? at Taga saan? tanong ng dalawa.
"Maniwala man kayo o sa Hindi, Taga Bicol siya at Sa Facebook lang kami nagkakilala, Thru Texting at tawagan lang kami nag uusap."
"Naku, Ba't ganun? Ibig sabihin, di mo pa siya nakikita sa personal?" tanong ni Jerry.
"Roj, Bilib na ako sa'yo, Malupit ka talaga sa mga babae brad, Pati mga malalayong lugar dinadayo mo" Pang aasar ni Alvin.
"Loko talaga kayong dalawa, palibhasa di nyo alam ang nangyari talaga, pero seryoso ako, di na ako gaya ng dati." Tugon nito sa dalawa.
"Oh sige parekoy, ikaw bahala, total may tiwala naman kami sa'yo,. pero pano si Lexi? kayo pa ba nun?" tanong ni Jerry.
"Sus, Si Lexi? wala na kami nun, nung New Year pa ako nakipag break sa kanya, Dahil nalaman ko na Boyfriend na niya pala noon si Erwin. Niloko niya ako at Di ko matiis ang ugali ni Lexi.... Suplada, Palaaway at Maldita. kaya hiniwalayan ko na siya." Sagot ni Rojun.
sa kalagitnaan ng kanilang usapan ay Nag ring na ang Bell, hudyat na yun para oras ng pumasok sa kani kanilang mga klase.
Itutuloy...