Sumapit ang gabi pero hanggang sa pagtulog ay di maipaliwanag ni Ashly ang kakaibang saya nung araw na iyon. Pero naiisip niya ang bilin ng kanyang mga kaklase na wag agad magpapadalos. Hindi din siya inaantok nung gabing iyon kaya Nagbasa siya ng devotional book para dalawin ng antok.
At makalipas ang 30 minuto ay nadalaw na rin ng antok at nakatulog din ng mahimbing.
After the School Fair ay ginawa ng kanilang team ang trabaho at nagsubmit ng kanilang mga article, mga tula, mga sketch at Pictures.
Walang inaksaya silang panahon. Naging usap usapan sa kanilang Meeting room ang nangyaring School fair at nagbulong bulungan sa nangyaring kasal-kasalan.
"Ehem, Musta na ang bagong kasal?" Pang Aasar na tanong ni Anne kay Baste.
Ngunit ngumiti lang si Baste at Narinig ni Ashly ang pinag uusapan ngunit hindi niya ito inintindi.
Maging sa Klase ay Malayo ang Isip ni Baste.
Gayon din si Ashly at Nahalata siya ni Sheena at Arlyn .
Minsan Matapos ang klase ni Baste ay Magkasalubong ang dalawa ay tumalikod agad si Ashly at naglakad papalayo ngunit sinundan siya ni Baste.
"Ash, Sandali lang, Diba sabi mo may Ikikwento ka sakin, yung sabi mong Boyfriend mo? Sino siya? Bakit ba Hindi mo siya kasama? Nasaan siya?" tanong ni Baste.
Subalit di niya sinagot ang tanong at naisipan niyang pumunta sa Granstand at dun ikwento sa binata ang lahat.
Nang makarating sa Granstand ay Dun na Sinimulan ni Ashly ang pagkwento tungkol sa kanyang Boyfriend.
Habang nagkikwento ay Nagbigla si Baste ng malaman niyang Long Distance at di pa sila nagkikita ng kanyang Boyfriend.
Makalipas ang ilang Minuto ay Nahalata ni Sebastian na malungkot si Ashly at Natahimik. Malumbay si Ashly sa pagkwento.
Dun nakita ni Baste ang pagiging Emosyonal ng dalaga. Hinagod ng bahagya ni Baste ang balikat ni Ashly.
"Okay Ash, di na kita tatanungin kung ano ang nangyari sa inyong dalawa. Ayos lang kung di mo ikwento ang lahat. Alam kong mahirap ang pinagdaraanan mo. Di ko alam na ganun pala ang nararamdaman mo, Sorry kung pati ako naging pabigat sa mga problema mo." Sagot ni Baste na medyo naging malungkot din.
"Ayos lang yun Baste, Salamat sa pakikinig mo. Alam kong pati ikaw ay nahawaan ng pagiging emosyonal ko. Salamat din kahit papano ay Nakalimutan ko siya sa pagdating mo. Kahit papano ay Na Divert ang Atensyon ko."
"Ano ka ba Ash, Magiging maayos din ang lahat, basta maging positibo ka lang kahit ano pa ang mangyari. Tandaan mo Maging masaya ka lang sa mga nagpapangiti sa'yo."
"Alam mo Baste, Wala akong hinangad sa buhay kundi maging masaya at maging matatag." sagot ni Ashly habang nakatingin ito sa malayo at tila iniisip ang gusto niyang mangyari.
Sa pagkakataong iyon ay Ipinakita ni Ashly ang Picture ni Roj kay Baste.
"Alam mo, Hindi ko binura yan dahil Naging parte na siya ng buhay ko, Yun nga lang sadyang Hindi ako swerte sa kanya pero magkaibigan na lang kami ngayon... Ahh, Gusto mo bang makausap si Roj? Gusto mo bang Marinig ang Boses niya?" Biglang iniba ni Ashly ang usapan para hindi niya maalala ang sakit ng nagkaraan.
"Oh Sige ba, Ikaw bahala!"
Tinawagan ni Ashly si Roj. Makalipas ang ilang sandali ay Sinagot nga ang tawag.
"Hello?"
"Hello Ashly, Kumusta ka na?" Boses ni Roj na tila paos.
"Roj? Ayos ka lang? Anong nangyari sa'yo? at bakit parang ganyan boses mo?" tanong ng dalaga...