It's the First day of School. Excited at Masaya sa muling pagbabalik Eskwela, Simula na naman ng Maagang pag gising at mga Walang kamatayang projects ang haharapin ng mga Estudyante. Di na bago para kay Ashly ang ganitong mga pangyayari.
Sa unang araw ng pasukan ay muling nakita ni Aika at Ashly ang mga Kaklase nilang nagbaksyon. Maganda ang unang Araw ng Pasukan para kay Ashly. Ang Room nila Ashly ay nasa Third Floor ng kanilang gusali. May mga bagong Mukha silang Nakita, at may mga Transferees from different SchoolS.
Gaya ng Kinagawian. Di maiwasan ni Aika na Matulala sa mga Cute na Dumaraan. Agad naman itong tinatapik ni Ashly sa balikat para matauhan sa mga pinagpapantasyahang mga Binata. Sa Kanilang pag uusap sa may gilid ng Corridor ay May isang Lalaki na tumatakbo, Sa sobrang bilis na pagtakbo ng lalaki ay nabundol niya si Ashly na napasubsob sa sahig at ang lalaki ay nadapa rin ngunit agad itong tumayo at nagmamadaling umalis.
sa lakas ng pagkakabangga ay sumakit ang braso ni Ashly, agad siyang tinulungan ni Aika para itayo sa pagkakadapa. Paalis na ang lalaki ng sigawan ito ni Ashly at tinginan ang karamihang Estudyante na nakasaksi sa pangyayari.
"Magdahan dahan ka naman Oh!, Siguro naman may mata ka para tingnan ang mga dinaraanan mo at tsaka wala namang asong humahabol sa'yo." Sabi ni Ashly na naiinis sa lalaking bumunggo sa kanya. Ngunit sumagot ang lalaki na...
"Eh Ikaw kasi, sa may gitna ng Corridor tumatambay, alam mo namang daanan, dyan pa kayo nagtsitsismisan." sagot ng lalaki na sobra namang ikinainis ni Ashly, sinabihan rin ni Ashly.
"Aba! Teka lang, ako pa ngayon ang may kasalanan? Eh ikaw na nga tong bumunggo sakin, kaw pa tong may ganang manumbat, aba di naman ata tama yun." At sa pagkasabi ni Ashly nun ay di na pinatulan ng lalaki at tinalikuran si Ashly na para bang naka insulto at ito ang lalong ikinainis ng dalaga. Sa sobrang inis ni Ashly ay pinakalma ito ni Aika at Niyaya na pumunta ng Canteen.
Habang kumakain ang dalawa ay nasa isip ni Ashly yung lalaking nakabunggo sa kanya. Habang kumakain ay itinanong ni Ashly sa kaibigan niya na kung Kilala niya yung lalaking nakabungguan niya. Hindi rin kilala ni Aika ang lalaki ngunit ang tanging sinabi niya ay Gwapo at Maamo ang Mukha.
Sa mga oras na yun lumapit sa kanila si Arlyn para makisabay na kumain at pag upo nito sa tabi ni Aika ay Itinanong ni Ashly yung Lalaking bumunggo sa kanya kanina sa corridor.
Di rin alam ni Arlyn kung sino yung lalaking yun.
Lumipas ang unang araw ng pasukan nila Ashly at ang masaya sanang unang araw ng pasukan ay naging Pangit. Habang nasa Jeep si Ashly pauwi sa kanila ay masama ang loob niya dahil may sumira sa unang araw ng kanyang pagpasok sa Campus. Sa pagdating nito sa bahay nila ay agad tumulong sa paghahanda ng hapunan at hanggang sa pagtulog niya ay malungkot ito.
Sumunod na araw ay Maaga itong pumasok sa Paaralan at Nagtungo sa May Granstand, sa may Oval. Nais muna niyang mapag isa. Tanaw niya ang Ganda ng pagsikat ng araw at ang lamig ng hangin na dumadampi sa kanyang balat at idagdag pa ang ganda ng Mayon na siyang labis na ikinatuwa ng dalaga.
Hanggang dumating ang oras ng kanilang klase ay Nagtungo na si Ashly sa kanilang Building. After the Class ay dali daling tumungo si Ashly sa kanilang Meeting ng mga Campus Journalist at ang Director ng kanilang Campus Journal na si Prof. Noel At Bago nagsimula ang kanilang meeting ay may Inanunsyo si Sir Noel. Naghahanap sila ng mga bagong Campus Writer, Cartoonist at Campus Journal Photographer.
At bilang Editor-in-Chief ay Inatasan siyang gumawa ng Isang Announcement. Di lang sa kanilang Building, maging sa mga katabing Building at ibang Courses. Pagkaraan ng ilang araw ay ipinaskil nila Ashly at mga members niya ang Announcement sa mga kalapit Building. After nilang magpaskil ng mga Announcement sa mga bulletin Board ay hinila ni Aika at Arlyn si Ashly palabas ng Building at di alam ni Ashly kung saan siya dadalhin ng dalawa. Dinala ng dalawa sa kanilang Room si Ashly at Nagulat ng mabasa ni Ashly ang Nakasulat sa Board.