Matapos ang Kaarawan ng Kanyang Ina ay Araw ng kanilang Pagsisimba naman.
Masasabing Maganda talaga ang kanilang Simbahan. May kalakihan at Maaliwalas. Maaga silang Gumigising na mag Anak. Naghahanda ng Pagkaing Babaunin nila para sa Pananghalian si Mang Marko.
Alas syete ng umaga sila umaalis ng bahay at lahat sila ay nakabihis ng pang simba.
Maghapon ang kanilang Pagsimba. Maraming Myembro ang kanilang Simbahan.
And of Course ay Maraming mga ka Edad ni Ashly rin ang nagsisimba. Ilan sa mga Malalapit niyang kasamahan sa Simbahan ay Sina Roxie, Sophia, Jenevie at Jessa.
Nagsisimula ang kanilang programa ng Alas otso y media. Masaya ang kanilang samahan sa loob ng kanilang simbahan.
Minsan kahit nasa loob ng simbahan ay tila malayo ang isip ni Ashly at lagi siyang nahahalata ng kanyang mga Ka Churchmate.
May mga iba't ibang programa sila sa umaga at sa hapon naman ay para sa kanilang mga kabataan.
Masaya talaga ang buhay kapag malapit ka sa diyos. Sabi sa isip ni Ashly nung mga oras na iyon habang isinasagawa ang Activity nila nung hapon na iyon.
Minsan ng tanungin si Ashly ng kanyang mga kaibigan sa Simbahan kung bakit madalas na ang pag ngiti nito ngunit "Wala Lang" ang tanging sagot ni Ashly.
Matapos ang kanilang Activity nung hapong iyon ay may Announcement na sinabi ang kanilang Leader. Announcement na Ikinatuwa naman ng mga Kabataan. Isang Outdoor Activity.
Tuwang tuwa sila nung marinig ang Activity na gagawin.
At Ayon sa nasabing Activity ay Mga Kabataan ang Mangunguna at Gagawin ito sa isang Barangay kung Saan maglulunsad sila ng Bible Festival.
At higit sa lahat Pwede silang magsama ng mga Ibang kaibigan o kaya kaklase nila. Naisip agad ni Ashly na Isama ang kanyang Bestfriend.
Kinabukasan, Pagpasok sa School ay Kinausap niya agad si Aika at Hindi nag Atubiling Sumama ito, Maging ang ilang kasamahan niya sa team at kaklase ay gustong sumama. Si Kenneth, Allysa, Sheena, at Arlyn.
Habang Nag Uusap sila ay sumungit sa usapan si Kayzer at Baste.
"Pwede rin ba kaming Sumama? tanong nila.
"Pwede! pero si Kayzer lang, Except sa'yo." sagot ni Ashly.
"Teka, bat parating ang bitter mo sakin? kala ko ba ayos na tayo? O gusto mo lang akong Iwasan dahil sa Nalaman ko.?" Tanong ng binata.
"Uy, Kayong dalawa ha, Nagsisimula na naman kayo." sabi ni Kayzer sa dalawa.
"Bahala ka, basta Hindi Pwede."
"Okay, tingnan na lang natin." sagot ni Baste na Nakangiti.
Naghahanda na ang lahat dahil malapit na ang kanilang Exam at dapat mapasa nila ang pagsusulit.
Nagreview ng Husto si Baste para wala siyang problema kapag sumama siya sa Activity nila Ashly. Kahit hindi pumayag si Ashly ay gagawa ng paraan si Baste para makasama.
Examination Week na nila at Focus ang lahat sa pagrereview bago ang kanilang Examination Day.
Hindi Mawala ang Kaba at Tensyon pero Ipinagdasal na lang ni Ashly ang lahat.
Tatlong Araw ang kanilang Exams at Matapos yun ay ang Outdoor Activity na nila Ashly ang Isasagawa.
A Day before the Activity ay Naghanda na si Ashly ng mga dadalhin para sa Ilang Araw nilang Outdoor Activity. Habang nagtutupi ng mga damit na dadalhin ay lumapit ang kanyang Ama.