"OO NA! Sinasagot na Kita" Sagot ng Dalaga na Natutuwa.
"Talaga!, sinasagot mo na ko?" laking tuwang ng lalaki ng marinig niya mismo kay Ashly ang sagot.
"Hindi!. Practice lang yun, ikaw talaga, di na mabiro." banat ni Ashly na natawa sa sinabi niya kay Roj at parang ikinadismaya ni Rojun nung sabihin niya ito.
"Di, Joke lang yun, eto naman kung maka-react, Promise Roj, tayo na! as in Tayo na.. Officially You and Me." ang sagot ni Ashly na nakangiti at masaya.
"YES! Ashly, Magpapaparty ako dito samin." sagot naman ng binata na masayang masaya.
"Hala, Party agad? Daig mo pa ang Fiesta ah, grabe ka kung makapagbanat dyan."
"Oo naman, Sobra kong saya, Ashly since tayo na.. ibig sabihin nun, yung I MISS YOU pala magiging I LOVE YOU Na?..... I Love You Ashly."
"Oo na, I LOVE YOU Rojun samonte."
Sa sobrang tuwa ni Roj ay bumanat ng Pick-up line para kay Ashly.
"Ashly, Alam mo dati, Wala talaga akong kinatatakutan eh, pero ngayon ay Nagkaphobia na ko."
"Huh? Bakit, Ano ba Phobia mo?"
"ASHLYPHOBIA- Fear of LOsing YOU!"
Kilig at Tuwang tuwa ang dalaga sa mga banat ni Rojun.
Ang gabi ay mas naging maganda ng kinantahan ni Ashly ang binata ng isang Love Song. Nabighani lalo si Roj sa magandang boses ni Ashly. At nung mga oras ding yun ay sinabi rin ni Roj na tumutugtog siya ng Instrumento gaya ng Gitara. May banda kasi si Roj na Sinalihan.
Kilig kung kilig ika nga, Napaka sweet ni Roj kay Ashly, Alam ni Ashly na di siya nagkamali sa kanyang nadarama para sa binata kaya lalo niya itong pinahalagahan. At 'Baby' ang kanilang naging tawagan sa isa't isa.
Natapos ang kanilang gabi ng mga matatamis na salita na binitawan sa isa't isa. Halos Ganito lagi ang kanilang set-up sa loob ng tatlong Linggo.
Walang Araw na pinapalampas ang binata para batiin at kumustahin ang Girlfriend. Mas ganado pang mag Aral ito lalo't may inspirasyon ito.
Isang gabi... Tumawag si Roj kay Ashly at Habang magkausap silang dalawa ay narinig ng dalaga na may pinapatunog na instrumento si Roj, Isang Gitara..
Haharanahan nito ang dalaga.
"Baby Ashly, Gusto mo bang kantahan kita?" tanong ni Roj.
"Wow naman, talented naman ng baby ko, sige po Baby Roj Kaw bahala, first time kong makarinig ng may maghaharana sakin." Sagot ni Ashly na natutuwa.
"Anong request mong song baby?"
"kahit ano, basta love songs, tsaka baby yung Theme song nating dalawa patugtugin mo."
At pinatugtog nga ng binata ang hawak niyang gitara, Maraming Love Songs siyang pinatugtog na labis namang nagustuhan at ikinatuwa ni Ashly. Punong puno ng ka sweetan ang mga love songs na kinakanta ni Roj para sa dalaga.
Sa bawat pagkalabit ng Strings ng gitara ay dama ng dalaga ang pagmamahal ni Roj para sa Kanya.
Pagkatapos na Haranahin ni Roj si Ashly ay tila naging malumbay ang mga sinabi ni Ashly.
"Oh Baby, What's wrong? di mo ba nagustuhan yung mga kanta ko para sa'yo?" tanong ni Roj.
"Di naman sa ganun, nagustuhan ko nga Baby eh." Sagot ng dalaga.
"Oh, yun naman pala eh, bakit ganyan boses mo?" tanong ng binata na masaya.
"Ikaw baby, bakit parang ayos lang sayo kahit Magkalayo tayong dalawa sa isa't isa?" tanong ni Ashly na tila nababahala.