Ang Bilis ng mga Pangyayari, pati ang Araw at Oras ay mabilis din. Naging Maganda ang Pasok ng Buwan ng Agosto para kay Ashly.
Ang mga Kaklase ni Ashly, pati mga Kaklase ni Sebastian at mas lalong ang mga Kasamahan nila sa Team ay Nagulat sa Isang Pagbabago. Di sila makapaniwala sa mga pangyayari. At naging kalat ang nangyari nung araw na iyon at naging usap usapan ito sa mga Ibang room.
"Teka ano ba ang nangyari? Pwede nyo bang i-share saming dalawa?" Tanong nila Kenneth at Aika.
"Uhm Siguro kailangan na nating tapusin yung report para sa Next Issue ng ating Journal" tanging sagot ni Ashly sa mga kasamahan at iniiwasan na pag usapan ang pagkakaayos nila ni Sebastian.
"Bakit? Bawal bang malaman? Tanong naman ni Kayzer.
"Okay! para matapos na ang lahat, Nagkaayos kami dahil alam ko na madaming atraso ko Kay Ashly at Hindi ito makakadulot ng maganda sa Team natin. Yun lang" Tanging sagot ni Sebastian.
"Oh really? I Can't believe, pero parang iba naman yung rason kung bakit kayo nagkabati!" sagot naman ni Aika na tila nagsisimula na namang asarin ang kanyang Bestfriend.
It is Good to Forgive Someone who hurt you, pero minsan may mga bagay na Akala natin ay ordinaryo lang ang pagpapatawad. sabi nga,... Love your Enemy.
Di Aklain din ng kanilang si Sir Noel na Magkakabati ang dalawa.
During Lunchtime ay Laging nandun si Ashly sa may Grandstand para magpahinga at magkaroon ng katahimikan sa kanyang pagpapahinga.
"Psstt!!!"
"Biglang idinilat ni Ashly ang mata, at Nakita niya na papalapit sa kanya si Sebastian.
Nag ayos ng pagkakaupo si Ashly
"Kumain ka na ba Ashly?" Tanong ni Sebastian.
"Oo, tapos na ko, Teka, bat ka ba nandito? tsaka kumain ka na ba?" sabi ni Ashly
"Yup, tapos na ko, Gusto ko dito pumunta kasi tahimik, sariwa ang hangin, at makakarelax ka ng husto. Dito ka ba lagi pag tanghali?
"Oo, Dito ako kapag maraming ginagawa, maraming iniisip at kapag malungkot." sagot ni Ashly.
"Ang Ganda nga talaga dito, Maaliwalas at Tanaw mo ang Ganda ng Mayon. Uhm, Pwede mo ba sabihin sakin kung bakit naging tanyag ang Mayon? tanong ni Sebastian.
"Huh? Mukha ba kong Researcher? Ewan ko, basta ang alam ko naging Tanyag yan dahil sa sabi nilang Alamat ni Magayon(Maganda).
"Talaga? May Alamat pala yang Bulkan!, Pwede mo bang Ikwento sakin?" pakiusap nito sa Dalaga.
"Ha, Ayaw ko, Mahabang Kwento Eh, Tsaka alamat lang naman yan at Di naman Totoo."
Pero di pa rin nagpaawat si Sebastian.
"PLEASE! Ikwento mo naman sakin, PLEASE! PLEASE! PLEASE!. Pagmamakaawa uli.
"Oh Sige na nga, pero wag kang sumabat pag nag kwento ako...
Ganito daw kasi yun.........
.
.
Noong unang panahon, may isang babaeng nagngangalang Daragang Magayon. Maraming kalalakihan ang nanliligaw sa nasabing dalaga sapagkat siya ay maganda at may makinis na kutis. Ayon sa ama ni Magayon na si Rajah Makusog nasa tamang edad na ang dalaga upang magpakasal kung kaya't pinapayagan na niya ito kung sakaling magpasya ang dalaga na makipag-isang dibdib. Ngunit si Magayon ay wala pang napipili mula sa kanyang mga manliligaw. Magpapakasal lang daw siya sa taong kanyang iniirog.