Chapter 6: Friends or more than Friends?

47 1 0
                                    

At sa Araw ngang iyon ay naging masaya ang binata sa pagpasok sa kanilang Campus. Hanggang sa pagsapit ng gabi ay lagi silang magkatext, minsan pa ay inaabot sila ng madaling araw pag walang pasok sila pareho.

Minsan nung walang load si Ashly at nagkataon na walang pasok ito kinabukasan ay Niloadan siya ng binata.

"Ashly, Nareceive mo na ba yung Load?" Text ni Rojun

"Ba't mo ko niloadan? teka wala akong ipambabayad dito." Sagot ni Ashly

"Sus, ano ka ba, Wag mo yang isipin, di kita sisingilin promise!. Gusto ko lang ng Kausap po kasi, Pwede ba kitang Tawagan? kung ok lang sa'yo." Text ng binata

"Uhm, tulog na kasi sila mama at papa, baka magising, pero sige po" Sagot ni Ashly

Ilang saglit lang at nag ring ang Cellphone nito.

"Hello!. ba't ka napatawag Roj?"

"Uhm, Gusto ko kasi marinig yung boses mo, at tsaka may gusto akong sabihin sa'yo" Sagot ng binata.

"Oh, Bolero ka din pala noh? pangit kaya boses ko at tsaka ano ba sasabihin mo?."

"Ano, kasi... ano, wag mo sanang mamasamain ang tanong ko sa'yo... Nagka Boyfriend ka na ba?"

"Ah Yan ba? Alam mo, may Boyfriend na ako?"

sa pagkarinig ni Roj sa sinabi ni Ashly ay tila naging malumbay ang boses ng binata.

"Ah, Ganun ba? okay po, sensya na"

Ngunit dinugtungan ni Ashly ang sinabi nito...

"Pero, ang Boyfriend ko ay si Papa, siya kaya ang Superhero ng buhay ko kapag malumbay at malungkot ako at to be honest with you, nagka boyfriend na talaga ko, kaso di naging masaya at di ako naging maligaya sa piling niya at puro sakit ng ulo ang dala. Hindi ko rin ramdam sa kanya ang Pagmamahal at nalaman ko na may Girlfriend pala itong iba." sagot ng Dalaga

"Talaga? Alam mo, parehas lang pala tayo ng nangyari sa mga past Relationship natin. Pero ang pinagkaiba natin ay mas madami akong naging girlfriend, mga nasa pito, pero di naman kami nagtatagal at higit sa lahat di ko sila mga hinalikan sa labi, except sa huli kong naging girlfriend. At hindi din ako oportunista." Sagot ng lalaki.

"Weh? talaga? Sure ka? baka sinasabi mo lang yan para maniwala ako sa'yo. sagot ng dalaga.

"Oo, Swear! Promise! Totoo po talaga yan." seryosong sagot ni Roj.

"Pero alam mo, nakakabilib nga yung mga lalaking ganun, yung marunong mag isip ng tama at marunong rumespeto" sagot ng dalaga.

Sa pagkarinig ng binata ay tila may di maipaliwanag na saya ang kanyang nadama.

Sa pagkakataong iyon ay tinanong pa niya si Ashly kung ano ang pakiramdam niya sa tuwing magkatext at magkausap silang dalawa. Pero di agad nakasagot si Ashly dahil di niya alam ang isasagot, pero tinanong uli siya ng binata.

"Sa Totoo lang Roj, di ko pa alam, pero parang may ibang saya at pakiramdam ang nararamdaman ko, kasi ngayong lang ako nakakilala ng tao na di ko pa nakikita sa personal at parang misteryosong kaluluwa ng tao ang kausap ko."

Sa pagkasabi ng dalaga ay napakagat siya sa kanyang daliri dahil nadulas siya sa sinabi niya at di napaghandaan ang isasagot sa tanong.

"Talaga? Alam mo Ashly, Ganun din ang naramdaman ko.. parang nakakapanibago at di nga ako makapaniwala na ganito ang mararamdaman kong saya nung makilala ka."

Sa pagkasabi ng binata ay di na lang umimik si Ashly.

"Oh, ba't di ka sumasagot Ashly? may nasabi ba akong mali?"

LDRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon