Chapter 2: The Connection

33 1 0
                                    

Oras na ng Pagtulog at Malamig ang Simoy ng Hangin dahil Malapit ng Matapos ang Amihan.. Nasa sala si Ashly at Patuloy pa din niyang ginagawa ang Documentations nila sa school.

Suddenly nagtext si Aika.

Tinatanong kong anong irereview na topic for their quiz tomorrow.

Kasabay ng pagreply ni Ashly ay Biglang Naalala nya ang Pangalan na Rojun Samonte. Ngunit bigla niyang Itinuon agad ang atensyon niya sa Project nila.

10pm na ng itinigil ni Ashly ang Kanyang Ginagawa para magpahinga. Pagkatapos maglinis ng sarili ay Nagdarasal ito lagi bago matulog at kinasanayan na niya ito pagkat ito ang turo ng kanyang magulang.

Taimtim siya manalangin.

Laging nagpapasalamat sa mga biyaya na natatanggap.

Pagkatapos ay Nahiga na para magpahinga..

The Next Morning......

Pagkagising ay Agad Nagdasal si Ashly...

"Thank you God For this another wonderful Day that you Have given to us.. Thank you po sa panibagong pagkakataon at Buhay na ibinigay po ninyo.. ingatan nyo po kami sa mga kapahamakan.. in Jesus name.. Amen"

Pagkatapos na magdasal ay Nagsimula ng Mag Ayos at Naligo na.. ito na ang Kinasanayan ni Ashly na gawin kapag may pasok ito at Pagkatapos na makaligo't makabihis ay diretso na sa Kusina para tumulong sa mama niya na naghahanda ng Almusal at Nagluluto ng mga iba't ibang kakanin para itinda sa palengke..

"Ashly Anak,. Sige na, maghain ka na ng almusal sa mesa.. ako na bahala dito sa mga paninda, kaya ko to at itimpla mo na ng kape ang papa mo bago umalis at mamasada"..

"opo mama, ako na po bahala" Sagot ni ashly sa ina

At Pakatapos Nila na Makapag Almusal ay Umalis na Si Ashly sabay Halik sa Kanyang Ama't Ina..

"Ingat Anak sa Biyahe" Bilin Ni Mang Marko

"Opo Papa, Mama Alis na po ako"

Habang Nag Aantay ng Masasakyan ay Tinext nya si Aika na Papunta na ito sa Paaralan..

alas Syete Y Medya ang pasok ni Ashly sa Araw na iyon,.

at pagdating sa Campus Habang papasok ng Gate ay biglang may sumitsit sa kanyang Likuran

"Psstt, Ashly! wHOI!"

Paglingon ni Ashly ay Si Aika Pala yung tumatawag sa kanya Kasama ang Kaklase nila na si Arlyn at Danica.

" Ashly, Tapos mo na ba yung First Part ng Documentation Natin?" tanong ni Arlyn..

"Uhm,. Patapos na Arlyn, kaso may Problema,. Alangan na sagot ni Ashly

"Ano nangyari Ashly? Ano problema, Ano yun?. Tanong naman ni Aika na Nababahala..

"Ano Kasi., Nakalimutan kong Lagyan ng Introduction at Objectives" Sagot ni Ashly

'Naku Naman Ash, Di mo dapat kinalimutan yun, alam mo naman na yun yung Unang Makikita ni Prof. dapat natin gawin yung Introduction at objectives kasi kailangan ng maisubmit ito within the following days.." sabi ni Arlyn na nababahala

"Chillax lang guys., grupo naman tayo na gagawa nito kaya mas mabuti pang gawin na natin ito after class natin para makaabot tayo sa deadline na ibinigay ni prof, Okay?." Tugon ni ashly na Puno ng Kumpyansa sa sarili na matatapos nila ito agad..

"Aba Best!, parang ang taas ng Energy mo ngayon ah, may lagnat ka ba? pang Aasar ni Aika..

"Sira,. Kailangan ko lang talagang maging positibo sa lahat ng mga bagay para maganda ang resulta.. Am I Right?." Sabi ni Ashly na Nakangiti

LDRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon