"Akala ko nga Simpleng Saya lang, Akala ko mawawala din agad. Pero Iba pala pag tinamaan ka na." Sabi ni Ashly sa isip niya nung mga sandaling iyon.
"Ashly, Bakit mo ko Iniiwasan?" Tanong ni Baste.
"Baste, Pasensya ka na kung Iniiwasan kita nung mga nakaraang araw. Alam mali yung pagtrato ko sa'yo pero sana maintindihan mo ko."
"Ashly, Wala akong pakialam sa mga iyon ang gusto ko lang ay sabihin mo sakin ang totoo kung bakit kailangan mong iwasan ako."
"Baste, Ayaw ko na kasing maulit ang nakaraan. Ang Nakaraang labis kung Ikinalungkot. Nagmahal ako, pero hindi naging maganda ang lahat." sagot ni Ashly na malungkot.
Sa pagkakataong iyon ay di na napigilan ni Ashly ang Umiyak.
Naawa si Baste ng tingnan niya ang dalaga. Lumapit ng konti si Baste at Niyakap niya ng Walang Pag Aalinlangan si Ashly.
"Ash! Andito lang Ako, Hindi ka Makakaranas ng Lungkot. Handa akong Pasayahin ka sa Paraang Kaya ko."
Nagulat ang dalaga ng Maramdaman niyang Yumakap si Baste sa Kanya. Isang Yakap na kakaiba sa Pakiramdam ng Dalaga.
"Baste, Anong ginagawa mo? bakit mo ko niyakap?" Tanong ni Ashly.
"Ashly, Wag kang Gumalaw, Gusto kong Ipadama sa'yo kung gaano kita Kamahal. Ash, Ipikit mo lang ang mata, gamitin mo ang pandamdam mo para maramdaman mo kung gaano kita kamahal." Sabi ni Baste habang nakapikit ang mga mata nito.
At Ginawa ni Ashly ang Sinabi ni Baste, Ipinikit niya ang kanyang mga mata at Hindi niya mapigilan ang pag iyak.
"Wag kang Matakot na Magmahal Ash, Nagmamahal tayo para maging matatag, Nagmamahal tayo para humarap sa mga hamon ng Tadhana. Mahal kita Ashly." Sabi ng binata.
"Alam mo Baste, Gusto kong sabihin talaga sa'yo na mahal kita. Pinipigilan ko lang ito dahil ayaw kong maulit ang nakaraan pero hindi ko kaya, at sa tuwing nakikita kita. Hindi ko mapigilan ang sarili ko at sa tuwing magkausap tayo tila isang nakaraan ang bumabalik sakin. Yung Pagmamahal na Naramdaman ko noon kay Roj." sagot ni Ashly na napaiyak ng husto.
"Ash, Wag mong Isipin ang Nakaraan, Ang isipin mo ay kung paano mo Haharapin ang mga pagsubok sa'yo pag nagmahal ka. Maging Positibo ka lang, Hindi kita Pababayaan Ashly at handa akong Patunayan sa'yo yun. Tandaan mo, Wag mong Ikulong ang sarili mo sa nakaraan."
At Bumitaw na si Baste sa Pagyakap kay Ashly. Pinahiran ng Kamay ni Baste ang Mata ng dalaga.
"Baste, Salamat sa pagdating mo, Hindi ko akalain na magkakagusto ako sa gaya mo, Baste ang saya ko talaga" sabi ni Ashly.
"Ash, Ngayong Inamin mo na sakin kung ano ang totoo. Ashly, Handa ka ba na maging Girlfriend ko?" Tanong ni Baste na napapaiyak nung mga sandaling iyon.
Naging Emosyonal lalo ang dalaga sa sinabi ni Baste.
"Baste, Hindi na ko takot ngayon na magmahal ngayon, Ikaw ang Nagpalakas ng loob ko, Kaya OO!" tanging sagot ng babae.
"Talaga, Ashly? Sinasagot mo na ako?" Di maipaliwanag ang saya na naramdaman ni Baste nung sandaling iyon.
"Oo Sebastian Manlapaz, Tayo na!" tuwang sagot ni Ashly.
Isang Gabi na punong puno ng saya para sa dalawa.
Malalim na ang gabi pero Hindi nila Alintana ito.
Hindi ramdam ng dalawa ang lamig nung mga oras na iyon.
May Bon Fire, Malamig ang Hangin at tahimik ang paligid.
"Ash, Ngayong Sinagot mo na ko, sndali at Kakantahan kita."
Natuwa si Ashly at naalala niya si Roj na kinakantahan siya dati. Nakatitig si Ashly kay baste habang tumutugtog ito ng gitara.
Kinanta ni Baste ang Your Love at Wonderful Tonight. Lubos naman itong ikinatuwa ni Ashly.
Matapos ang nangyaring Aminan ay Nagpasya na silang matulog sa kani kanilang Tent.
"I Love You Baby Girl!" sabi ng binata.
"I Love You Too Baby Boy!" sagot naman ng dalagang punong puno ng ngiti sa kanyang maamong mukha.
Nag Goodnight Kiss si Baste sa pisngi ng Dalaga. Nagulat ito at hindi nakaimik si Ashly.
"Sige na, Tulog na tayo!" sabi ni Baste.
"Sige, Goodnight Baste."
At pumasok na sila sa kanilang mga tent. Walang nakasaksi sa pagtatapat ng dalawa.
Gabing hindi malilimutan ni Ashly sa kanyang buhay. Nagdasal si Ashly at nagpasalamat sa diyos nung gabing iyon. Ganun din ang Ginawa ni Baste, Nagdasal siya ng taimtim at nagpasalamat sa mga magagandang pagkakataon na ipinagkaloob sa kanya.
Second Day na ng kanilang Activity....
Maagang bumangon sila Arlyn, Sheena, Allysa at Kenneth ganun din si Aika. Pero si Ashly ay Malalim ang tulog.
"Naku si Ash, Mukhang napuyat sa Laro natin kagabi." at nagtawanan ang mga dalaga.
Matapos nun ay naghilamos na sila at Nag prepare na ng kanilang lulutuin na Almusal, Iniwan nilang tulog ang dalaga.
Sa grupo naman ng mga kalalakihan ay bumangon na din si Kayzer at Ginising na niya si Baste para tumulong magluto ng Almusal. Kahit puyat ay Hindi ito alintana ng binata. Agad itong nagdasal at Nagpasalamat sa isang Masiglang Umaga.
Napatingin sa kanya si Kayzer at tila naninibago nung araw na iyon.
Matapos iyon ay Agad na silang tumulong sa pagluto ng Almusal. Ang mga Kababaihan naman ay Nagwalis ng paligid.
Oras na ng Almusal ay Tulog pa din si Ashly, kaya Hinanap na ni Baste si Ashly. Tinanong niya sila Kenneth kung saan na si Ashly.
"Naku, Tulog pa ang Prinsesa, ayaw pa ngang gumising"
"Ah Ganun ba? Sige ako na lang gigising sa kanya." sagot ng binata.
Habang nag aalmusal ay nagtakal ng kanin si Baste at nilagyan ng Ulam ang dalawang platong bitbit nito at nahalata ito nila Aika. Matapos niyang lagyan ang dalawang plato ay Dumiretso ito sa Tent nila Aika at nagtinginan ang mga kasamahan nila.
"Good Morning Baby Girl! Breakfast is Ready, Wake up na." malakas na sabi ni Baste na Ikinagulat ng lahat.
At nagising ang dalaga sa lakas ng boses ni Baste at binuksan niya ang tent at nakita nito si Baste na nakangiti at Hawak ang Plato at iniabot ito sa kanya.
"What? Tama ba ang narinig ko? baby Girl?. Sila na?" Tanong nila Aika na lubos nilang ikinagulat.
"Uuuyyyy!!!! Ang Sweet naman!" Sigaw ni Jessa sa dalawa. Naghiyawan ang kanilang mga kasamahan.
"Tara, Sabay na tayo Ash mag Almusal." sabi ni Baste.
Magkatabi silang kumain nung mga sandaling iyon at halos sa kanila nakatitig sila Aika. Ngunit ngumiti lang ang dalaga sa Kanila.
Itutuloy...