At dahil sa Nangyaring iyon ay Doon Natapos ang Kanilang Kwento ng Pagmamahalan pero di sila nawalan ng komunikasyon sa isa'i isa.
Naging magkaibigan na lang sila at Tanggap na ni Rojun na magiging ganap na siyang ama. Hindi rin matanggap ng pamilya ng binata ang sinapit ng kanilang kapatid. Hindi naging madali ang lahat para sa dalawa.
Alam rin ng mga Magulang ni Ashly ang Kanyang sinapit. Maging mga Pinsan niya at mga Kapatid.
Isang Gabi ay kinausap siya....
Nasa bubungan ng kanilang bahay si Ashly kapag may problema o kaya gusto nitong mapag isa.
Ang kanyang Ama ay nakita siya ng lumabas ito ng bahay.
Gamit ang hagdan ay umakyat din sa taas ng bahay ang kanyang ama at kinausap siya sa nangyari.
"Anak, Alam mo, Masaya kami ng mama mo na kahit papano ay Naging matatag ka sa pagharap mo at kung paano mo naranasan ang umibig at nasaktan." Sagot ng kanyang Ama habang yakap siya nito.
"Pa, Ganito pala yung umibig, Kailangan mo ding maging matatag pala, Pero di ko rin Akalain na magiging ganito ang kahahantungan ng lahat." Sagot ng Anak na naiyak sa sobrang lungkot.
"Anak, Parte talaga ng Buhay yan kapag umibig ka, Minsan yung inaakala mo na magpapasaya satin, yun din pala ang magdudulot ng kalungkutan satin. Basta tandaan mo, Kahit paghiwalayin man kayo ng Mundo, minsan may mga bagay na sadyang nakalaaan sa'yo na di natin nalalaman." Sagot ng Ama ni Ashly.
"Opo Papa, tatandaan ko yan". Sagot naman ni Ashly na pinalakas ang kanyang loob.
"Basta Anak, nandito lang kami.. Kaya maging maingat ka sa pagdidesisyon at Sikapin mong makapagtapos ka." Payo ng Ama ni Ashly.
Kalmado na si Ashly. Pero di niya makalimutan ang taong minsang naging parte ng buhay niya.
"Bakasyon na!!!!" Ang sabi ni Aika sa kanyang bestfriend na di pa rin masaya.
Habang nasa School sila para sa kanilang Summer activity. Di maka Focus ang dalaga para sa kanilang April Issue, Editor-in-Chief ng kanilang School si Ashly at Kailangan niyang gampanan ang tungkulin bilang isang Editor-in-chief ng kanilang Campus Journal.
Sa kabila nito di nawawalan si Ashly ng Tiwala sa mga taong nasa paligid niya at nung mga Oras na iyon ay mayroon siyang naging mga kaibigan sa kanilang Team.
Dirin niya maiwasan na maalala ang mga sandaling naging masaya siya sa piling ng taong di pa niya nakikita. Pero lagi rin niya itong binabalewala at itinutuon na lang niya ang kanyang sarili sa mga Activity ng kanilang Campus.
Natapos ang Buwan ng Abril ng mailabas nila Ashly ang kanilang April Issue.
Sumapit ang Buwan ng Mayo ng Magkaroon ng Konting Pahinga si Ashly, Naglunsad din sila ng mga Outreach Program sa kanilang Simbahan.
Pumupunta din sila sa mga malalayong lugar para magsagawa ng Feeding program at Mag Bible Study.
Habang si Roj naman ay laging naaalala ang dating kasintahan ay unti unti na rin niyang natatanggap ang mga nangyari.
Kasama ang pamilya ni Ashly ay nag outing din sila..
Minsan ng tumawag si Rojun kay Ashly para kumustahin ay tila parang di masaya si Ashly sa tuwing kakausapin niya ito. Tila malumbay at walang gana na kausapin ang binata pero sinabi rin ni Rojun na di na siya mangungulit sapagkat alam niyang magiging ama na ito At Alam na niya ang mga responsibilidad.
Enrollment Week na nila Ashly ng Huli niyang Kumustahin si Rojun. At sa Panahong iyon ay Tila inuumpisahan na ni Ashly na Magsimula uli. At di nga nagtagal ay bumalik ang sigla at saya niya.
Sinabi rin nito sa mga magulang na Tanggap na niya ang mga nangyari at Suportado naman siya ng kanyang mga magulang. Hindi rin pinagbabawalan si Ashly na magkaroon ng sariling Kaligayahan, basta ang bilin lang rito ay magtapos at magpakatino.
Month of June na. Isang Linggo na lang at Pasukan na uli, Second Year College na si Ashly at Magkaklase pa rin sila ni Aika. Mabilis ang araw ng bakasyon at Pasukan na naman.
Tila isang panibagong araw yun para kay Ashly para Pumasok sa Paaralan uli. Alam ni Ashly na mas magiging abala siya ngayong siya'y Editor-in-chief pa ng Paaralan nila at mas Lalo pa nitong pag iigihan ang pag aaral.
Ang kanyang puso ay sara muna sa Ngayon at Wala siyang balak magpaligaw kahit may mga lalaking nanliligaw sa kanya.
"Pass Muna ko dyan" yan ang Laging sabi ni Ashly sa mga nanliligaw sa kanya.
Itutuloy...