Kalalabas ko lang galing sa tinatrabahuang restaurant nang madatnan ang kumpulan nang tao sa gitna nang kalsada na naging dahilan nang mahabang linya nang sasakyang hindi nakausad.
Ang ibang may-ari nang sasakyan ay lumabas narin at nakikiusyuso samantalang ang iba naman ay nanatili lang sa loob pero puro mura naman ang lumalabas sa bibig.
At dahil madadaanan ko rin naman ang kumpulang iyon ay nakikisali narin ako.Pinilit kong isinisiksik ang sarili sa pinakaunahan nang mga ito hindi ko naman kasi ito makikita kung sa likod lang ako.
"Ano ito magic show?"Naitanong nang isip ko nang makita ang isang lalakeng walang pang-itaas na nakaluhod sa lupa.Puting-puti ang kanyang katawan na para bang hindi nasisikatan nang araw kahit isang beses man lang.Walang kulay ang kanyang labi at bahagya ito nagcrack na parang hindi man nalalapatan nang tubig.
Yukong-yuko siya ngunit napapansing kong napapasulyap siya sa mga nakapaligid sa kanya.Nakalugay ang kanyang mataas at magulong buhok kaya labi niya lamang ang nakikita ko.Malaki rin ang kanyang katawan na parang araw-araw siya sa gym.Ngunit ang mas nakakatawag nang pansin ko ay ang mga sugat sa kanyang katawan.Hindi naman ito malala at mga maliliit lamang ito pero napuno no'n ang buo niyang katawan.
“Anong nangyari sa kanya?”
“Hindi ko rin alam.Ang sabi nang nakasaksi ay basta nalang itong bumagsak diyan.”
“Anghel?!”
“Baka,bagay rin naman sa kanya.Pero bakit ang dami niyang sugat?”
“Baka totoo yong sabi-sabi na mahirap ang daanan papuntang langit.”
Ilan lamang 'yon sa bulung-bulungan sa paligid ko,ang iba'y hindi ko na maintindihan.Nakatuon lamang ang atensyon ko sa taong nasa harapan ko.Kung kanina'y nakaluhod lang siya do'n at hindi gumagalaw ngayon nama'y napapansin kong nanginginig na ang kanyang buong katawan.
Naisip kong baka gutom na gutom ito o giniginaw o di kaya nama'y nauuhaw.Napatingin ako sa dala-dala kong bote nang tubig.Kalahati lang ang nakuha ko no'n kaya inabot ko ito sa kanya.
Bahagya siyang nag-angat nang tingin sa kamay ko ngunit hindi siya natinag sa kanyang kinaluhuran.Kaya naupo na ako sa harap niya at ini-extend ang kamay ko para maabot niya.
“Iha,wag kang masyadong lumapit baka mamamatay tao yan.”Saway sakin nang matandang katabi ko lang.
“Lolo,back up-an niyo nalang po ako.”
“Aba't loko 'tong batang 'to.Ano ang tingin mo sa'kin malakas pa?”Bahagya pa siyang umatras nang sumulong pa ako nang kunti sa lalake.
“Kunsensya niyo nalang po kapag napahamak ako dito.Atsaka disi-otso na po ako,hindi na po ako bata.”
“Sige na,tanggapin mo na,nangangalay na ako oh,”alok ko sa lalakeng nakatingin parin sa kamay ko.“Hindi naman to madumi.”
“Bingi ba siya?”Muling tanong nang isipan ko.Kung bingi nga 'to e di hindi talaga ako naintindihan nito.Binawi ko ang aking kamay na nakahawak nang bote saka ko tinuro gamit ang isa ko pang kamay.Nakikita ko naman na sinusundan niya ito nang tingin kahit pa natatabunan ang kalahati niyang mukha nang kanyang buhok.Sinimulan kong buksan ang takip nito at uminom nang konti habang nasa kanya lang ang mga mata ko.Nang dumaloy ang tubig papasok sa bibig ko ay siya namang paglunok niya.Kumpirmado.Nauuhaw nga siya.
Muli ko itong inabot sa kanya kaya gulat siyang napaatras pero ilang saglit lang ay marahas niya itong kinuha sakin.Nanginginig pa ang kanyang katawan nang inumin niya yon kaya kalahati niyon ay napunta lang sa katawan niya.
“Sa tingin niyo po ba anong nangyari sa kanya?”tanong ko sa matandang kausap ko lang kanina.
“Baka nahulog.”Sagot niya kaya nilingon ko siya.Seryoso lang din syang nakatingin dito.
“Sa langit?”
“Hindi.Sa himpapawid.”Halos pabulong na niyang sagot.
“Sa langit nga.”
“Ayyyys,'tong batang 'to.Doon pa sa likod nang mga alapaap na nakikita mo.”
“Outerspace?”
“Tumpak!”Nakabungisngis niyang sigaw.
Napangiwi naman ako,“Lolo naman.Paano naman mabubuhay ang isang taong bumagsak sa earth galing outerspace.”
Bumungisngis lang siya ulit at hindi na dumugtong pa.Muling naagaw ang atensyon ko sa lalake nang bigla itong tumayo na halos ikadapa pa niya dahil sa biglaang pwersa.
Napasinghap ang lahat nang nanonood at bahagyang napaatras.
“Anong kaguluhan 'to!”Singhal nang leader nang lugar na iyon.“Hindi niyo ba alam na ang dami niyo nang naabalang tao!?”
Nagsihawian ang mga tao para bigyan siya nang daan.Lahat ay natahimik at ang iba'y mabilis na nagpulasan.
“Para naman kayong ngayon lang nakakita nang tao!”Naglakad siya sa direksyon nang lalake na agad namang naalarma at mabilis na napaatras.“Easy,I'm just going to help you.”
Ang lugar na malayo sa kabihasnan ay kailangan talaga ang isang tulad ni Diosdado.Matagal na siyang tumatayong leader dito at kailanman hindi nakaranas nang gulo at paghihirap ang bayan sa pagiging pinuno niya.Strikto siya sa pamumuno ngunit malambot naman ang kanyang puso sa mga tao.
Nang mapunta nga ako dito ay siya mismo ang naghahanap nang matutuluyan ko.Palagi rin niyang kinukumusta ang kalagayan ko na isang bagong salta.
“Anong pangalan mo,iho?”Tanong nito sa lalake habang dahan-dahan ang hakbang palapit dito.“Sumama ka na lang sakin,gagamutin ko yang mga sugat mo.”
Napatingin ako sa paligid.Malapit na palang dumilim.Kailangan ko nang umuwi baka aabutan ako nang dilim sa daan.
Muli akong sumiksik sa kumpol nang mga tao at patakbong tinahak ang direksyon nang apartment ko.Hindi naman ito kalayuan kaya hindi ko na kailangang sumakay sa mga sasakyang hindi rin naman nakakausad.
BINABASA MO ANG
Fallen
FantasíaHe claim to be from the Outerspace ngunit ang kalandian nito ay mas malala pa yata sa mga taga-lupa. Yet,she fell inlove with his flirty side and got tangled up with some alien na hindi niya pinapaniwalaang nag-iexist. Naglayas siya habang ang isa'y...